"Aishh. Nasaan na ba kasi iyon?" naiinis kong saad habang hinahanap ang librong binabasa ko.
"Bakit mo ba kasi hinahanap iyon? Lila, pwede mo namang kalimutan na lang iyon at magbasa na lamang ng ibang libro." saad naman niya habang nagtitimpla ng kape.
"Pero pakiramdam ko kasi, nasa librong iyon nakasaad ang pangyayari dito sa silid aklatan pati na rin ng buhay ko. Ang librong iyon ang sagot para malaman kung sino ang k¡ller." litanya ko na ikinatawa niya nang mahina.
"Nahihibang ka na yata, Lila. Libro lang iyon." saad niya na hindi ko pinansin.
"I need to find out kung sino ang may pakana ng lahat ng nangyayari sa silid aklatan na ito."
"Pero baka mapahamak ka lang sa gagawin mo." saad ni Arkin at inilapag ang kape sa harapan ko.
Ilang buwan na ang nakalipas mula noong nangyari ang pagkamatay ng isang bata rito sa silid aklatan, at iyon ay si Jennie. At sa loob ng buwang iyon din ay may sunod-sunod na namamatay sa iba't-ibang paraan. Nakakainis lang din sapagkat nawala ang librong binabasa ko noon.
Sa kabila no'n ay nagkakamabutihan naman kaming dalawa ni Arkin. Palagi siyang nasa tabi ko at kailan man ay hindi ako iniwan nito.
"Anong iniisip mo?" saad niya nang mapansing malungkot ako.
"Nalulungkot lang ako dahil habang tumatagal ay paunti na nang paunti ang dumadagsa rito. Nawawalan na ng buhay itong silid aklatan dahil sa mga nangyayaring krimen dito." malungkot kong saad.
Kahit mga pulis ay hindi masagot ang problemang ito. Hindi rin naman ako ang pwede nilang sisihin sa krimeng ito dahil wala silang ebidensya.
"Bakit kasi hindi mo nalang ipa-demolish ito?" tanong niya na ikinakunot ng noo ko.
"Bakit ba gustong gusto mong ipa-demolish ito, Arkin? Ilang beses ko bang kailangang sabihin sa 'yo na kahit kailan ay hinding-hindi ko ito ipapa-demolish dahil maraming alaala ang naiwan dito?" naiinis kong saad.
Nakitaan ko rin siya ng pagkainis sa mukha ngunit hindi ko na lamang ito pinansin. Mahalaga itong silid aklatan na ito dahil pagmamay-ari pa ito ng lolo at lola ko noon. Marami na kaming nabuong alaala rito simula pa bata ako, kaya't hiniling ko sa kanila na balang araw, sana ay ako ang magmamana nitong silid aklatan.
"Arkin? Arkin! Arkin, saan ka pupunta?" tawag ko sa kaniya ngunit nanatili itong tahimik hanggang sa makalabas na ng silid aklatan.
"Ano bang problema ng lalaking iyon?" bulong ko sa sarili at muli ay nagpatuloy na sa paghahanap.
"Lolo, lola, tulungan niyo naman ako sa paghahanap sa paborito kong libro na binabasa noong nakaraan. Bakit ba kasi ang laki-laki nitong silid aklatan na ipinatayo niyo." saad ko sa sarili habang tinatahak na ang daan patungo sa huling pasilyo.
"W-woah! Hidden room?" saad ko nang hindi sadya ay maitulak ko itong bookshelf na nagsisilbi palang pintuan sapagkat may kwarto sa likuran nito.
Sa ilang taon ko rito ay ngayon ko lang nalaman na may nakatago palang kwarto. Kwarto kaya ito ni lolo at lola noon? Madilim ang kwarto at maliit na sinag ng araw lamang ang nagsisilbing ilaw nito. Napaka alikabok ng kwarto at napakarami na ring sapot ng gagamba.
Ang kama nito'y napakagulo at napakarumi, punit punit ang mga tela rito, ganoon na rin ang kobre ng sofa. Ang lamp shade ay basag. Ang upuan at lamesa sa tabi ay marupok na rin.
Huling dumako ang aking paningin sa cabinet. Animo'y tinatawag ako nitong lumapit sa cabinet. Tumindig ang aking balahibo nang makaramdam ng kakaiba. Marupok at marumi na rin itong cabinet. Habang papalapit nang papalapit sa cabinet ay mas lalong lumalakas ang tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Genç KurguKonnichiwa!!! Ang librong ito ay One Shot Stories na isinulat ko. Hinihiling ko na sana ay hindi ito nakawin ng iba. PLAGIARISM IS A CRIME, buds. Enjoy reading!!!