Simula bata, tuwing naglalaro at nag-uusap kami ng mga kaibigan ko tungkol sa ideal boyfriend namin, lagi kong sinasabi na gusto ko ay 'yong lalaking mahal dapat ako.Ayoko sa lalaking puro porma ang alam, ayoko rin sa gwapo lang, gusto ko napapasaya ako.
Ayoko rin sa lalaking naninigar¡lyo, las¡nggero, tambay, in short ayoko sa may b¡syo.
Ayoko sa lalaking puro salita lang ang alam, lalo na kung ang usapan ay tungkol sa pangako.
Ang gusto ko sa lalaki ay mabait, 'yong tipong good influence sa lahat, tapos palagi ka pang sinusuportahan sa lahat ng bagay.
Ang gusto ko sa lalaki, 'yong masipag at may pangarap sa buhay.
Tapos gusto ko friendly at family oriented.
Gusto ko sa lalaki 'yong may pananalig sa Diyos.
At higit sa lahat, gusto ko 'yong lalaking mahal ako.
Tandang-tanda ko pa noong college pa lamang kami.
"Gusto ko mabait."
"Ako naman gusto ko 'yong may takot sa Diyos."
"Loyal ang gusto ko."
"Ah basta ako, gusto ko may abs." litanya ng isa naming kaibigan na siyang nagpatawa sa amin.
"Eh ikaw Erica, anong gusto mo sa isang lalaki?" tanong nila sa akin kaya sa akin nabaling ang kanilang atensyon.
"Gusto ko 'yong lalaking mahal ako." sagot ko at ngumiti.
"Malamang Erica, lahat naman ng tao talagang pipiliin nila yung taong mahal sila." sabat ng kaibigan namin na siya namang sinang-ayunan pa ng iba.
"Talaga? Kung ganoon, bakit may mga tao paring pinagpipilitan ang sarili nila sa taong hindi naman sila mahal?" tanong ko.
"Kasi umaasa sila na baka sa huli ay matututunan din silang mahalin." singit ni MJ at tsaka ako binigyan ng bulaklak kaya naman nagkantyawan ang aking mga kaibigan.
Halos apat na taon na akong nililigawan ni MJ. Naiintindihan niya ang rason kung bakit hindi ko pa siya sinasagot, at iyon ay ang magtatapos muna kami ng pag-aaral.
Sa apat na taong panliligaw sa akin ni MJ ay nakita ko kung gaano siya kapursigido sa panliligaw, pinatunayan niya na kahit gaano kami ka-busy sa pag-aaral ay hindi pa rin siya nawawalan ng oras sa akin.
Palagi niya akong isinasama sa mga pangarap niya, masipag siya at lagi niya akong napapasaya.
Napatunayan niya kung gaano niya ako kamahal.
Noong makapagtapos kami ng kolehiyo ay ibinigay ko na sa kanya ang hinihintay niya na matamis kong oo at ikinasal naman kami pagkalipas ng limang taon.
Sa napakaraming taon na kami ay magkasama, talaga namang hindi niya ako hinayaang isipin na mali na pinili ko siya. Sa bawat araw na lumilipas ay mas nahuhulog pa kami sa isa't isa.
Lahat ng aming pangarap ay magkasama naming tinupad. Sa bawat pagsubok na dumaan ay magkasama naming hinarap.
'Yong palagi kong sinasabi noon na gusto ko sa lalaki ay 'yong mahal ako, nasa akin na siya ngayon...
"Noon" pala dapat sapagkat 'yong lalaking mahal na mahal ako ay wala na, akala ko hanggang sa pagputi ng aming buhok ay magkasama pa rin kami ngunit nagkamali ako.
Sa sobrang pagmamahal niya sa akin ay hindi niya ako hinayaang magtrabaho sapagkat ayaw niyang napapagod ako.
Bilang asawa ibinuhos niya ang oras niya sa pagtratrabaho at oras sa akin upang maiparamdam niya sa akin kung gaano niya ako kamahal.
Sa sobrang pagmamahal niya sa akin ay nakalimutan na niya ang kanyang sarili, nakalimutan na niya kung paano niya mahalin ang kanyang sarili.
Naisip ko, dapat pala matuto muna tayong mahalin ang ating sarili bago ang iba.
Dapat pala huwag munang magmahal ng iba hangga't hindi pa natututunang mahalin ang sarili.
Kasi kahit gaano mo iparamdam sa kanila na mahal mo sila kung pinapabayaan mo naman ang sarili mo, wala rin, kasi mas lalo lang silang masasaktan kapag nakita kang nahihirapan.
Ang masasabi ko lang, ayoko na sa lalaking mahal lang ako, gusto ko mahal din niya ang kanyang sarili.
__________
@may-likha
errors ahead, open for (constructive) criticism
work of fiction
you can visit my timeline for more stories, thank you
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Teen FictionKonnichiwa!!! Ang librong ito ay One Shot Stories na isinulat ko. Hinihiling ko na sana ay hindi ito nakawin ng iba. PLAGIARISM IS A CRIME, buds. Enjoy reading!!!