"B-bakit?" nauutal kong tanong nang mapansin kong nakatitig siya sa akin."Ang ganda mo pala." nakangiti niyang saad at tsaka umalis na sa aking harapan.
"A-ako? M-maganda? Weird." bulong ko sa sarili at inayos ang salamin ng aking mata.
Ako nga pala si Lila. Halos isang dekada na rin akong tagapamasid dito sa silid aklatan. Ika pa nga nila ay dito na ako tatandang dalaga. Bukod kasi sa nandito lamang ako sa silid aklatan ay puro libro lang din ang aking kaharap dahil sa hilig ko sa pagbabasa.
Ang lalaking iyon naman ay si Arkin. Madalas siya rito sa silid aklatan, literal na madalas dahil halos araw araw na siyang nandito. Tukso pa nga sa akin ay baka kami talaga ang para sa isa't-isa. Tahimik lamang si Arkin, hindi ito palaimik at laging nasa sulok lamang nitong silid.
Hindi maitatagong may pagtingin ako sa kaniya kaya ganoon na lamang ang pula ng aking pisngi nang purihin niya ako kanina.
"Hiii, ate Lilaaa!" saad ng mga kabataang pumasok nitong silid aklatan.
Bagama't hindi man parte ng eskwelahan itong silid aklatan ay dagsa pa rin ito ng mga kabataan. Marami kasing iba't-ibang klase ng libro dito, kahit pa matatanda, mananaliksik, o turismo ay nagpupunta rito sa kabila ng kalumaan nitong silid aklatan.
"Mga libro ha? Ayusin pagkatapos gamitin. Isa pa naman kayo sa mga makukulit na nagpupunta rito." paalala ko sa kanila na kanila namang sinang-ayunan habang tumatawa dahil sa sinabi ko.
-- Alas dose na ng hating gabi nang matapos si Lia galing sa trabaho. Sapagkat dinagsa ng maraming tao ang kaniyang trabaho kanina ay natagalan siya sa paglilinis at pag aayos ng kalat lalo na't mag isa lamang siya rito.
Isa, dalawa, tatlo. Bawat hakbang ni Lia ay ramdam niyang may sumusunod sa kaniya. Animo'y nasasakal na ang strap ng kaniyang bag dahil sa higpit ng hawak niya rito.
Apat, lima, anim. Hindi na malaman ni Lia kung ano nga ba ang dapat gawin. Tatakbo, sisigaw, hihingi ng tulong, may pag-asa pa kaya siyang makaligtas. Hindi alam kung didiretso pa ba ng lakad o lilingon pa ng tingin.
Pito, walo, siyam. Sa pagbilis ng hakbang ay siya ring bilis ng yapak ng taong sumusunod sa kaniya. Hanggang sa nagpasyahan na niyang tumakbo. Lalong lumakas ang tibok ng puso nito nang mapagtantong tumatakbo na rin ang nasa likod niya.
Napagtanto ni Lia na hinahabol siya sapagkat nang lingunin niya ito'y isang hindi kilalang tao ang naghahabol sa kaniya habang may hawak itong kuts¡lyo. Nakasuot ito ng maskarang bungo, nababalot din siya ng itim na kasuotan. Hindi mo mapapansin kung sino nga ba itong nasa likod ng maskara.
"AaaAaaAaaaahhhh!!!! Tulongggg!!! Tulungaaannn niyoo akooo!!!" sigaw ni Lia sapagkat habang pabilis nang pabilis ang takbo nito ay siya ring bilis ng takbo ng naghahabol sa kaniya.
Sa bilis ng takbo ni Lia ay nadapa siya. Nanginginig ang katawan na hindi na alam ang gagawin. Basang-basa na siya ng luha at pawis na tumutulo, ramdam na rin ang kaniyang panginginig.
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Lia nang maramdamang nasa likod na niya ang naghahabol sa kaniya. Alam niyang matalim ang tingin nito sa kaniya at ang kuts¡lyong hawak nito ay handa nang itarak sa kaniya.
Unti- unti niyang nilingon ito at labis na lamang ang kaniyang takot nang biglang---" --
"Napalalim yata ang pagbabasa mo." baritonong boses ang narinig ko na siyang nagpabalik sa aking diwa.
"B-bakit ka ba nanggugulat?" wika ko sa kaniya habang sapo sapo ang aking d¡bd¡b.
Intense na nga ang pagbabasa ko ay ginulat pa ako ng kabuteng ito. Halos tumulo ang laway ko nang bigla siyang tumawa nang mahina, ang pogi niya pala lalo kapag tumatawa.
"Napansin kong nakahiligan mong basahin ang librong iyan." saad niya habang nakapukol ang kaniyang tingin sa librong hawak ko.
"Ang ganda kasi ng kwento. Sayang nga kasi malalaman ko na sana kung sino ang k¡ller kung hindi lamang may kabuteng nanggulat sa akin." parinig ko sa kaniya.
Totoo naman kasi, nasa chapter na ako kung saan ay malalaman ko na kung sino ang k¡ller sa aklat na binabasa ko, tapos bigla na lamang siyang susulpot. Nadadala na ako ng kwento, pakiramdam ko nga ako na 'yong bida.
Hindi kasi nalalayong ang bida sa aklat na binabasa ko ay halos kapangalan ko lang. Lia ang pangalan ng bida sa libro habang Lila naman ang aking pangalan. Dagdag pa rito ay pareho kami ng trabaho, nakaka-relate din ako sa pinagdadaanan nito sa trabaho sapagkat kahit ako rin minsan ay late na kung umuuwi dahil sa rami ng lilinisin at aayusin.
"Wala pa sa chapter na iyan ang makikilala na si k¡ller." saad niya at lumabas na ng silid aklatan.
"Nabasa na kaya niya ang librong ito?" tanong ko sa sarili at muling napatingin sa likod niyang papalayo na nang papalayo.
"Aaaaaahhhhh!!!!" rinig kong sigaw na siyang muli ay ikinagulat ko.
"Ate Lila! Ate Lila!! Si Jennie po!" natatarantang tawag nito sa akin at muli ay tumakbo papalapit sa kaniyang kaibigan.
Hindi ko pa man nalalaman kung ano ang nangyari ay tumakbo na rin ako papalapit sa kanila at dito ay nakita ko ang nanginginig na katawan ng kanilang kaibigang si Jennie habang naglalaway na ito ng bula at ang mata nito'y pulang pula.
"Anong nangyari? Tumawag na kayo ng ambulansya, dali!" saad ko at lumuhod na rin upang mas maobserbahan ang kanilang kaibigan.
"Jennie? Jennie?" tawag ko sa pangalan nito at maingat siyang tinatapik ngunit nanatili pa rin ito sa kaniyang kalagayan.
"Ate ininom kasi ni Jennie ang laman ng basong iyon, sa pag-aakalang juice ang laman no'n." saad ni Anna, ang tumawag sa akin kanina.
Dumako ang tingin ko sa basong tinutukoy niya nang bigla ay may kung anong pumasok sa isip ko.
"Libro?" mahinang bulong ko sa sarili na narinig pala ni Anna.
"Anong libro ate?" kunot noong tanong niya.
Sasagutin ko na sana ito nang dumating na ang ambulansya. May mga nagsidatingan ding pulis upang inspeksyunin itong silid aklatan. Kabilang na rin ay hiningi ang aming paliwanag bilang kanilang pag iimbestiga sa nangyari kay Jennie.
"Ma'am, kayo po ba ang may gawa ng juice na ininom ng bata?" tanong ng pulis, nakahanda na ang ballpen at notebook nito upang isulat ang impormasyong makakalap.
"B-bakit naman ako magtitimpla ng juice at ilalagay sa silid kung hindi ko rin lang iinumin? Hindi po ako ang may gawa niyan." sagot ko sa pulis.
"Ma'am may cctv po ba kayo rito?"
"Meron ho, kaso sira na po ang cctv sa parteng ito." nakayuko kong saad. Hindi ko pa kasi napapapalitan ang cctv na iyon dahil noong nakaraang araw ko lang din napansin.
Nang makaalis na ang mga pulis kahit sila Anna, ay muling bumalik sa aking isip ang pagtataka sapagkat ang pangyayaring iyon ay nabasa ko sa libro.
"Hindi ako nagkakamali, narito nga iyon." saad ko sa sarili nang mabasa ko ang kabanatang iyon sa librong binabasa ko.
Ilang sandali pa ay napagdesisyunan kong ulitin ang pagbabasa ng librong ito. Labis ang panginginig ng aking kamay nang mapagtanto na ang nangyayari sa silid aklatan na ito ay tumutugma rin sa nilalaman nitong libro.
Mula sa pagkama/tay ng isang magandang dalaga rito sa silid aklatan, hanggang sa pagkama/tay ng janitor, ang pagkama/tay ng matandang dating tagapamasid nitong aklatan, pati na rin ang guwardiya nito noon. Ang mga karakter na ito ay nilalaman din ng libro.
"H-hindi." nanginginig kong wika.
Dahil sa panginginig ay nabitawan ko ang librong hawak ko. Posible kayang ang bida sa librong binabasa ko ay ako? Posible kaya na ang ginagampanang karakter ni Lia sa libro ay ang buhay ko rito sa totoong mundo?
K-kung ganoon mamama/tay din ba ako? K-kailan? At sino? Sino ang mamama/tay tao na iyon?
__________
@may-likha
errors ahead, open for (constructive) criticism
work of fiction
you can visit my timeline for more stories, thank you
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
أدب المراهقينKonnichiwa!!! Ang librong ito ay One Shot Stories na isinulat ko. Hinihiling ko na sana ay hindi ito nakawin ng iba. PLAGIARISM IS A CRIME, buds. Enjoy reading!!!