OSS2 (FADED MEMORIES)

2 0 0
                                    


"Papakasalan pa kita Joy, mahal na mahal kita." huling litanya ko bago ako mabangga sa isang malaking truck at mawalan ng malay.
_______________
Ikaw by Yeng Constantino

"Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw
Ang iniisip-isip ko
Hindi ko mahinto, pintig ng puso🎶"

"Hoyy!! Ano na naman ang iniisip mo? Ha?" pang-gugulat sa akin ni Joy.

"Ikaw" wala sa sariling sagot ko.

Kaunting katahimikan ang namayani nang na-realize ko ang aking sinabi.

"E-este iniisip ko na s-sana m-madapa ka!! A-ayun tama!!! Sana m-madapa ka!! Hahahaha!!!" palusot ko sa kaniya habang ang tibok ng puso ko ay nagmistulang takbo ng isang kumakaripas na kabayo dahil sa bilis ng pagpintig nito.

"Ikaw ang pinangarap-ngarap ko
Simula nang matanto
Na balang araw iibig ang puso🎶"

"Ang ganda mo" mungkahi ko sakanya habang ang aking kamay ay nasa kaniyang bewang.

"Syempre, ako pa ba?" pabiro niya namang tugon at tsaka tumawa.

"Oo nga naman, ikaw pa ba? Kaya nga kita nagustuhan e" wala sa sariling sagot ko habang nakatitig sa kanya.

"A-ano?" tanong niya na siyang nagpabalik sa aking diwa.

"W-wala" sagot ko at tsaka hinigpitan ang pagkakahawak sa bewang niya habang kami ay sumasayaw.

"Ikaw ang pag-ibig na hinintay
Puso ay nalumbay nang kay tagal
Ngunit ngayo'y nandito na ikaw
Ikaw ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng Maykapal, biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw🎶"

"Panyo." litanya ng isang babae sa akin at tsaka iniabot sa akin ang hawak niyang panyo.

"Girlfriend mo 'yong nang-iwan sa 'yo rito?" tanong niya at tsaka umupo sa tabi ko.

"Ex-girlfriend. Nakipaghiwalay na siya sa akin." sagot ko at pinunasan ang luhang di ko namalayan na tumulo pala kanina.

"Buntis siya at ikakasal na siya sa iba." dagdag ko at muli ay tumulo ang luha ko.

"Huwag ka nang umiyak. Balang araw darating din 'yong babaeng para sa iyo. Smile kana ha." litanya niya at tsaka umalis na.

"Joy." basa ko sa pangalan niyang naka burda sa panyong ibinigay niya sa akin kanina.

Iyon ang araw na nakita ko siya.

"Humihinto sa bawat oras ng tagpo
Ang pag-ikot ng mundo
Ngumingiti ng kusa aking puso🎶"

"Hoy pare! Natulala kana riyan! Lapitan mo na aba." mungkahi sa akin ng kaibigan ko at tsaka ako kinantyawan ng iba pa naming kaibigan.

Nagising ang aking diwa nang batukan ako ng aking mga kaibigan. Hindi ko pala namalayan na napatitig na ako sa kaniya. Ang ganda niya talaga.

"A-ahm miss." tawag pansin ko sa babaeng nakikipag-usap sa isang bata.

"Oh, ikaw pala. Ikaw 'yong umiiyak noong isang araw diba?" tanong niya sa akin kaya tumango ako.

"Joy nga pala." pagpapakilala niya at tsaka iniabot ang kaniyang kamay.

"Ahh, Miguel." pagpapakilala ko rin at tsaka nakipagkamayan sa kaniya.

"Friends na tayo ha? Huwag ka nang iiyak ulit." mungkahi niya kaya't nagtawanan kami.

Ito ang araw na nagkita kaming muli at kami ay nagkakilala.

"'Pagkat nasagot na ang tanong
Kung nag-aalala noon
Kung may magmamahal sa 'kin ng tunay🎶"

"Nandito lang kami lagi para sa 'yo, okay?" mungkahi niya at tsaka ngumiti.

"Salamat, salamat kasi nandito kayo lagi para sa akin." tugon ko at tsaka sila nginitian.

"Syempre para saan pa ba ang pagkakaibigan kung hindi naman tayo magtutulungan at magdadamayan sa lahat hindi ba?" sagot naman ng isa pa naming kaibigan na siyang sinang-ayunan ng lahat.

"Lalo na 'yong isa riyan na laging nandiyan para sa 'yo." kantyaw naman ng isa at ang tinutukoy ay si Joy kaya ako ay napangiti ng patago.

"At hindi pa 'ko umibig ng gan'to at nasa isip
Makasama ka habang buhay🎶"

Minsan na akong umibig at nasaktan.
Ngunit nang makilala siya, nagkaroon ako ng dahilan upang magmahal ulit.

Tama, si Joy, si Joy ang dahilan kung bakit ako nagmahal ulit. Si Joy ang rason kung bakit ako ay muling sumugal sa pag ibig.

Si Joy, ang babaeng mahal na mahal ko.

"Ikaw ang pag-ibig na hinintay
Puso ay nalumbay nang kay tagal
Ngunit ngayo'y nandito na
Ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng Maykapal, biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw🎶"

Nang aking balikan ang dati naming alaala ay napatingin ako sakanya habang naglalakad palapit dito sa altar.

"Puso ay nalumbay nang kay tagal
Ngunit ngayo'y nandito na
Ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng Maykapal, biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw🎶"

"Joy...." litanya ko at tinignan siya.

"Pag-ibig ko'y ikaw...🎶"

"Joy....." muling litanya ko nang hawakan na siya ng aking kaibigan.

"B-bumalik na ang alaala ko." mungkahi ko habang pinapanood sila papalapit sa pari.

"Ang huling mga salitang aking binitawan bago ako mawalan ng malay ay tila panghahawakan ko na lang habang buhay, sapagkat ang babaeng ilang taon kong hinintay ay pagmamay-ari na ng iba."

"Paalam sa mga alaalang ating binuo, mga alaalang nagbabalik sa akin mula sa amnesia, mga alaalang magtatapos nalang hanggang dito."

Sana hindi nalang pala bumalik ang aking alaala.

________
@may-likha
errors ahead, open for (constructive) criticism
work of fiction
you can visit my timeline for more stories, thank you

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon