(Note: Unedited version. Errors ahead.)
Three
"LUNCH?" Umangat ang tingin ni Julia sa babaeng lumapit sa kaniya. "Sabay ka na sa akin papuntang cafeteria? Kung gusto mo lang..."
A smile flashed on her red lips before standing. "Sige! Hindi ko rin kasi alam ang mga pasikut-sikot dito."
"Hindi ka ba in-orient bago ka nagsimula?"
"Hindi, eh. Basta ang sabi ni Sir Lucas, dito lang daw ako sa puwesto ko." Julia frowned. "Kalahating araw na kaya akong naka-upo at nakatunganga lang rito!"
Issa chuckled. "Walang pinagawa si Sir?"
Umiling siya. "Wala. Kahit paggawa lang sana ng coffee... He didn't called me yet!"
"Akala ko ba personal secretary ka niya?" The woman glanced at the door behind them. "Magpaalam ka kaya muna kay Sir?"
"Ay, oo nga! Saglit lang, Issa, ha?" paalam niya bago kumatok sa opisina ng kaniyang boss at saka pumasok.
"What is it?" bungad ng tanong ng binata habang nakatutok ang mga mata nito sa binabasang papeles.
Nakatayo lang doon si Julia at hindi mapigilang titigan ang boss. Seriously... Paano nito nagagawang maging guwapo sa kaniyang paningin kahit wala naman itong ginagawa?
"Miss Rivero?" Lucas called her name when she did not talked.
Napakurap siya nang dalawang beses saka lunok. "Uh... Sir Lucas. Magpapaalam lang po ako to take my lunch break na?" hindi siguradong sabi niya.
It's already past noon and Lucas didn't dismissed her yet. Kung hindi pa lumapit sa kaniya si Issa na kakikilala lang din niya kanina para yayain siyang kumain ay hindi niya na mamamalayang lunch break na pala.
"Lunch break?" Saglit na bumaling sa kaniya ang binata bago nito muling ibinalik ang tingin sa binabasa. "I haven't dismissed you yet."
Umawang ang kaniyang mga labi. "Kaya nga po ako nandito, Sir, para magpaalam because it's already past noon and you didn't dismissed me pa."
Lucas stopped reading. Seryoso ang mukha nitong tumingin sa kaniya saka nito isinandal ang likuran sa upuan. Hindi naman inalis ni Julia ang kaniyang tingin sa binata. She's enjoying the view, okay?
"Do you think I would let you eat if I, your boss, haven't take my lunch yet?"
Bigla siyang nairita. So, ano'ng gustong sabihin ng binata? Na kapag hindi pa ito kumakain, hindi rin dapat siya puwedeng kumain? Ano 'yon? Isasama siya nito sa pagpapakamatay nito?
No way! May anak siyang naghihintay sa kaniya. Mas gusto niyang isakripisyo ang kaniyang buhay sa anak kaysa sa boss niyang guwapo nga, wala namang puso para sa mga gaya niyang empleyado lang.
"Why don't you take your lunch pa kasi?" Halata na sa kaniyang boses ang pagkairita.
Umangat ang isang kilay ni Lucas. "I still have many works to do."
"Mag-break na kasi tayo!" Tumaas ang kaniyang boses.
Napatigalgal si Julia nang maisip ang sinabi. Nakakahiya! Paano kung may nakarinig na ibang empleyado sa labas? Baka isipin ng mga ito na may something sa kanila ng kanilang boss. Ma-tsismis pa siya nang wala sa oras.
"I mean, let's have our lunch break na," nahihiyang paglilinaw niya sa naunang sinabi.
She noticed how Lucas' lips rose up a bit. Grabe! Simpleng galaw lang talaga ng facial features nito, mas lumalakas na ang dating ng itsura ng binata. I wonder how good his smile is?
BINABASA MO ANG
Her Forgotten Mistake (Mistake Series #6)
RomanceMistake Series #6 (Completed) "Nakalimutan man kita... pero alam mo 'tong puso ko? Nakilala ka na agad noong unang pa lang kitang makita." *** Julia Rivero was living her rich life to the fullest. She was adopted, but she never felt like one. Maswer...