Twelve

1.2K 59 0
                                    

(Note: Errors ahead. Enjoy!)




Twelve





"AKALA KO BA importante ang itinawag mo?"

"This is important!"

"Nasa work ako, Jul!" Maarteng bumuntonghininga si Aurora. "Sa tingin mo makaka-focus ako sa pagbibigay ng sex tips sa 'yo?"

Julia's face heated up. Ang bunganga talaga ng kaibigan niya!

"I am not asking about sex, Ro! Oh, my gosh!"

Mabuti na lang talaga at nasa loob ng floating villa si Lucas para i-check and interior nito habang naghihintay naman siya sa labas kung saan nakatukod ang kaniyang isang braso sa wooden railings ng veranda ng villa na konektado sa parang tulay na daanan para makapunta sa dalampasigan.

The floating villas were located in the private beach of Alpha Azul, sa may mismong tubig nito. Below where she was standing was the clear salt water. Julia can even see how fishes swim and chase each other under their villa. Banayad din ang hangin na tumatama sa kaniyang mukha. It felt nice and calming. Kasabay nito ang tanawin ng papabulog na araw sa kaniyang likuran.

The nature surrounding her was spectacular. Walang hiya lang talaga ang kaniyang kaibigan para sirain ang kaniyang mood dahil sa tabas ng dila nito.

"Don't tell me you just called to inform me na nasa iisang cabin kayo ng hottie boss mo and you are asking me if okay lang bang matulog kayo sa iisang kama? Are you stupid, Jul? Bakit ka nagpapaalam sa 'kin? Am I your fucking boyfriend?"

Natampal njya ang kaniyang noo habang hawak ng isang kamay ang phone. "Hindi ako nagpapaalam sa 'yo, Aurora! I am asking for advice kung tama ba na —"

"Tama 'yan! There's nothing wrong with staying with your boss inside a villa and sleep in one bed. Walang mali, Jul. Ang mali lang, kung bibigyan mo ng malisya, o kung tutukain ka na niya. Kapag nangyari 'yon, magpatuka ka na lang para wala kang po-problemahin!" Aurora's wild choices of words made her cheeks burn under the sundown.

"Alam mo, you're no help! Bahala ka nga sa buhay mo!" singhal niya sa kaibigan bago binaba ang tawag. Julia leaped when she heard Lucas' baritone voice calling her from behind.

"Who's that?" tanong nito nang maharap niya ang binata.

"Just a friend. Asking for updates," pasimpleng sagot niya. "Puwede na bang pumasok?"

Lucas nodded and asked for her things. Inabot niya sa binata ang kaniyang mga gamit bago naunang pumasok sa loob ng villa.

Pagkapasok pa lang ay agad nang namangha si Julia sa tanawin na bumungad sa kaniya. The inside of the villa was like studio type room where the receiving area, bedroom, mini kitchen, and dining area were seen on one place. Ang tanging nahihiwalay lang sa mga iyon ay ang CR malapit sa may kama. On the left side of the bed was a sliding glass door. Kitang-kita mula sa kaniyang kinatatayuan ang overview ng west Philippine sea and the perfect horizon swallowing the golden colored sun. It was a breathtaking view.

"Do you like it?" she heard Lucas asked after hearing a lock on the front door.

"It's beautiful here..." she mumbled under her breath. Biglang nawala ang pag-aalangan niya na makasama ang binata sa iisang silid dahil sa ganda ng villa.

The interior of the villa was a mixture of white and turquoise color, making the surrounding a breath of fresh air. The floor was made of flourished woods. The white curtains hanging on the windows and the glass door were made of lace. There's a few indoor plants scattered around making the area more welcoming.

Her Forgotten Mistake (Mistake Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon