(Note: Unedited version. Errors ahead.)
Sixteen
HANGGANG SA SALITA na lang ang pananakot ni Lucas kay Julia nang mag-aya ang mga lalaki ng inuman noong gabing iyon. The audacity of them to prohibit the girls to join the inuman session!
"Let's have our own party na lang. Hindi puwedeng sila lang ang may party!" nanggigigil na suhestiyon ni Xhyraine nang maiwan silang mga babae sa sala ng mansiyon. The guys were already at the mini bar at Alpha Azul. Talagang iniwan silang lima kasama ang mga bata.
"Bigyan na lang din natin ng bridal shower si Armee," Faye added.
Nagkatinginan silang lahat habang may malawak na ngiti sa mga labi. Kung akala ng mga guys na sila lang ang may party, nagkakamali ang mga ito. Hindi naman sila magpapahuli sa trip ng mga engot na 'yon.
"The problem is: we don't have a place to party. Nasa bar sila!" Armee said with a loud sigh.
"Hindi puwede rito sa mansiyon. Nakaayos na lahat. Bawal na tayong magkalat," the Ate of their group, Yasha, said.
Natahimik silang lahat. They are actually free to party, too. But where?
Parang may bumbilyang umulan sa itaas ng ulo ni Julia nang maalala niya ang napakagandang floating villa na tinitirahan nila ni Lucas ngayon. They can go there and spend the whole night partying. Hindi naman siguro babalik doon si Lucas para matulog. Knowing her boss, his alcohol tolerance was too low. Babagsak agad 'yon sa isang lahok pa lang ng alak. And Julia can't understand the logic why he still likes to attend drinking sessions.
"We can stay sa villa namin ni Lucas," she suggested, making the girls shrieked in glee.
"Yes! Oh, my gosh! That's a great idea, Jul!" Armee happily clung on her arm. "Thank you!"
"Hindi ba matutulog si Lucas doon?" tanong ni Faye.
Marahan siyang umiling. "I think he will stay with the guys the whole night."
"Sabagay... Baka hindi rin naman papayag ang mga gago na may umalis sa kanila." Yasha stood up and looked at them. "I'll go breastfeed Lizzy. Mauna na kayo sa villa."
"Sabay na tayo, Ate. Sisilipin ko lang saglit 'yong kambal," wika ni Armee. Bumitaw na ito sa kaniya at si Xhyraine naman ang pumalit.
"Let's go get the drinks!" Xhyraine beamed.
"Can't we just call for a service?" kunot noong tanong ni Julia.
"Girl! Tayo na lang ang kumuha. I wanna brag our party to those losers." Umirap pa si Xhyraine nang sabihin 'yon.
"Sama ako!" Nakangiting dumikit din sa kaniya si Faye. Nu aling ito sa magkapatid na Suarez. "Kita-kits na lang sa villa, girls!"
"Alright!" Armee waved her hand to them before ascending the stairs with Yasha. Sila naman ay lumabas na ng mansiyon.
It was already dark and the only light that helped them see their trail was the flashlight on their phones. No choice sila Julia kundi lakarin ang malubak na daan papuntang Alpha Azul. They were giggling and making silent noises while walking under the dark night sky para hindi sila matakot. Si Faye na laking probinsya ay panay kuwento ng mga nakakatakot na haka-haka tungkol sa lugar.
"Shut up o susungalngalin ko 'yang bunganga mo?" nanlalaki ang mga matang banta ni Xhyraine sa kapatid. Malakas na natawa lang si Faye na sinabayan niya.
"Matatakutin ka pala, ha? Sasabihin ko 'to kay Agathon," malaki ang ngising wika ni Faye.
"Bitch! Ihahagis talaga kit sa bangin!" Xhyraine yelled through gritted teeth. Julia just laughed along with Xhyraine and Faye's loud voices.
![](https://img.wattpad.com/cover/269616150-288-k85520.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Forgotten Mistake (Mistake Series #6)
RomanceMistake Series #6 (Completed) "Nakalimutan man kita... pero alam mo 'tong puso ko? Nakilala ka na agad noong unang pa lang kitang makita." *** Julia Rivero was living her rich life to the fullest. She was adopted, but she never felt like one. Maswer...