(Note: Unedited version.)
Nine
HIRAP SA PAGHABOL sa mga salitang lumalabas sa bibig ni Lucas si Julia habang pilit na binibilisan ang pagsulat niya sa kaniyang notebook. They're inside the conference room, having a meeting with just some of the board members, Lucas' father, and Luci.
Ilang minuto pa lang na nagsimula ang pulong pero halos mapuno na ang dalawang page ng kaniyang notebook dahil sa dami ng kaniyang sinusulat. She can't even understand her own handwriting.
"Sisingit lang ako, Kuya. May sasabihin lang akong importante —"
"Sisirain mo lang ang hinanda kong paliwanag, Luci. Hayaan mo na lang ako —"
"Kung may dapat na magpaliwanag dito, ako 'yon." Luci's firm voice silenced the whole room. "Ako ang lilinis sa gulong 'to."
Julia was just a newbie, but she already know about the scandal happened between the Savirinos and the dela Vegas. When she learned it at first, akala niya ay puwede na iyong gamitin ni Anthony laban sa mga Savirino, pero masyado na pala siyang late. Malapit nang malinis ang dalawang pamilya nang dumating siya.
"Pagbigyan mo na ang kapatid mo, Lucas. Hindi naman 'yan gagawa ng mas makasisira pa sa atin," Lucas' father said. Ngayon lang nakita ni Julia nang personal ang matanda.
Lucas touched the bridge of his nose. Sumandal ito sa upuan saka bahagyang ipinikit ang mga mata. Pinagmasdan lang niya ang binata. Mukha na itong pagod. Kasisimula pa lang naman ng meeting nila.
Julia jumped from her seat when Lucas opened his eyes and looked at her. Blangko ang mga mata nito kaya hindi niya alam kung bakit ito nakatingin sa kaniya.
"Jul..." Napaawang ang mga labi ni Julia dahil sa masuyong pagtawag nito sa kaniya. "Puwede mo ba akong kuhanan ng tubig?"
"H-huh?" she stammered as she rose from her seat. "Tubig lang? Ayaw mo ng kape?"
The side of his lips rose. "Baka manginig na ako rito kapag uminom pa ako ng kape mo."
Julia's face heated up. Yumuko siya para maitago ang pamumula ng pisngi bago nagtungo sa may water dispenser para kumuha ng tubig. Kinuhanan na rin niya ang iba pang naroon habang patuloy lang ang mga ito sa pagpapalitan ng mga salita.
Fifteen minutes had past before they finally concluded that Luci will speak in front of the press. May gaganapin kasing live presscon ang Savirino Enterprises sa araw na iyon para sagutin lahat ng mga kumakalat na issues tungkol sa pamilya. Good thing she jotted down all the important details that were presented in the meeting. Panay kasi ang tanong ni Lucas sa kaniya nang nasa loob na sila ng private office nito.
"Seriously, Lucas. Ikaw ang may idea nang lahat ng 'to. Why can't you remember?" Salubong ang mga kilay na tinignan niya ang binata. Prenteng lang naman itong nakasandal sa sofa.
Lucas smirked before tapping his lap. "Come here."
Mas lalong kumunot ang kaniyang noo. "Are you serious?"
He nodded, still smirking. "Sit here."
"You're unbelievable." Umirap siya saka tumungo sa pang-isahang sofa at doon umupo. Kitang-kita niya ang pagtaas ng kilay ng binata. "What?"
"What a brat."
"Excuse me?"
"Come here and sit. I wanna see what's written in your notebook."
"Hindi mo ba talaga alam ang mga napag-usapan sa meeting? That was done minutes ago pa lang!"
Lucas licked his lips. "Baby, that's why there's a minutes for me to review what have been discussed in the meeting. Tanda ko, pero gusto kong makasiguro."
BINABASA MO ANG
Her Forgotten Mistake (Mistake Series #6)
RomansMistake Series #6 (Completed) "Nakalimutan man kita... pero alam mo 'tong puso ko? Nakilala ka na agad noong unang pa lang kitang makita." *** Julia Rivero was living her rich life to the fullest. She was adopted, but she never felt like one. Maswer...