Fifteen

1.2K 53 1
                                    

(Note: Unedited version. Errors ahead.)



Fifteen






JULIA DIDN'T GET the chance to call Anthony when Armee pulled her immediately after they arrived back at the mansion. Dumeretso naman si Lucas sa library sa ikalawang palapag kung saan ito makikipag-usap sa matandang Suarez through video conference.

"Baka ganoon din ang gagawin namin sa reception. We'll bring the monitor outside para makita nila Papa ang nangyayari," Armee said while they were watching the helpers skirting the table cloth.

"That's a good idea," sagot niya. "Hindi ba puwedeng gawin din 'yon sa church?"

Natatawang umiling ang dalaga. "Maybe Ate Yasha would just do a live recording para kila Papa. But to bring a large monitor and display Papa's old face? No!"

Nakitawa rin si Julia sa pinag-uusapan nilang dalawa ni Armee. Tumulong na rin sila sa pag-aayos ng mga dadalhin sa labas ng mansiyon at doon nila naabutan ang iba pa nilang mga kasama na may kanya-kanya ring gawain.

"I'll be sleeping with the kids tonight. Sa Alpha Azul si Eros," Armee announced, making her fiancé protest.

"You still believe in those things?" Eros asked with a frown.

"Hindi naman masama kung maniniwala ka. 'Di ba, Jul?" Armee said then looked at her.

"Uh... I guess so?" she smiled. "Hindi rin naman kasi ako naniniwala sa mga ganyan.

"Basta ako, papasukin ko sa kwarto niya si Xhy kapag kami na ang ikakasal," ngising pagpaparinig ni Agathon kay Xhyraine. "Gapang now, kamalasan later."

Pumulot ng manipis na kahoy si Xhyraine saka iyon hinampas kay Agathon. Agad namang nakaiwas ang binata habang humahagalpak ng tawa.

"Depende naman sa tao 'yan kung gusto niyong malasin ang relasyon niyo o kung aalagaan niyo para mas tumibay lalo," singit ni Yasha habang tinutulungan si Ephraim na magbuhat ng mga upuan para ilipat sa tabi ng mahabang mesa. "Huwag kayong laging kumapit sa mga paniniwala lang. Lagyan niyo ng gawa."

Ephraim looked at the guys with a proud smile on his face. "Hear that, assholes? That's my wife talking."

Sabay na ngumiwi sila Agathon at Luci habang napaismid lang si Eros.

Nagpatuloy lang ang usapan nila hanggang sa hindi na nila namalayan ang oras at magtanghali na. Faye was the one who stood up from the ground and invited them for lunch.

"Magpahanda na lang tayo ng makakain tapos dito tayo sa labas kumain," Luci suggested.

"Oh! Like a picnic? I like that!" Xhyraine beamed.

Tumayo si Yasha. "Ako na ang kakausap sa mga tauhan sa kusina. Dito na lang kayo."

"I'll go get the kids," said Armee.

"I'll help you, baby." Tumayo na rin si Eros at sabay sila ni Armee na pumasok sa loob ng mansiyon.

"Hindi pa ba tapos si Lucas?" Faye looked at her. "Jul, tignan mo kaya?"

Agad siyang tumayo sabay pagpag sa kaniyang suot. "I'll be right back."

Tango ang naging sagot Faye sa kaniya bago siya tuluyang pumasok sa loob ng mansiyon. Dumeretso si Julia sa ikalawang palapag kung saan naroon ang kaniyang boss. Nakasalubong niya ang isa sa mga kasambahay ng mansiyon na kalalabas lang sa isang kuwarto na naroon. Julia politely called the woman and asked for directions.

"Nasa dulong bahagi lang ng hallway na 'to ang library. Deretsuhin mo na lang, hija," sagot sa kaniya ng babae.

Julia flashed a sweet smile on the woman before thanking her. Nang lampasan na siya nito ay dumeretso na rin siya sa pinto na nasa dulo ng hallway.

Her Forgotten Mistake (Mistake Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon