This will be the final chapter of Mistake Series #6, Her Forgotten Mistake. Thank you so much for reading.
Finale
PANAY ANG SIKO ni Luci kay Lucas habang pareho silang nakatayo sa gilid ng altar. Faye, who became Lucas' wedding organizer slash one of the bride's maid, told them to get ready because the bride had arrived.
"Huwag kang umiyak, Kuya Lucas," bulong ni Luci sa kaniyang tabi.
Sinamahan niya ng tingin ang kapatid. "Who the fuck said I'm crying?"
Umagang ang labi nito. "Nasa chapel tayo! Ba't ka nagmumura?"
"Boys, quiet," suway ng kanilang ama na katabi rin nilang nakatayo sa may altar.
Lucas just kept on glaring at her younger brother. Kung magbigay ito ng advice sa kaniya, akala naman nito hindi ito umiyak noong kasal nito at ni Faye. Halos mabasa nga ang dala nitong panyo dahil ayaw tumigil ng luha sa pagtulo.
Tapos siya pa ang aasarin nitong iiyak sa kasal niya?
Why would I cry on my most special day?
Lucas was scoffing and rolling his eyes at his brother when Yna, Faye's secretary told them that the entourage is starting. Wala na si Faye dahil nakapila na ito.
Inayos ni Lucas ang suot na coat saka tumingin sa harapan ng chapel. As he promised to Julia, sa La Virgen Milagrosa Shrine gaganapin ang kasal. Tumagal din nang isang taon ang hinintay nilang dalawa dahil nauna pa ang double wedding ngagkapatid na dela Vega. Julia's mother was very traditional kaya sinunod nila ang mahabang palugit para iwas daw sa malas.
Kahit na kating-kati na si Lucas na itali si Julia sa tabi niya ay nirespeto pa rin niya ang desisyon ng mga magulang nito. Para saan pa't mahal na mahal niya ang dalaga at kahit ilang taon ay kaya niya itong hintayin?
Napako ang tingin ni Lucas sa bukana ng chapel nang magsimulang tumugtog ang napiling kanta ni Julia para sa bridal walk nito. August, the vocal of Vast Atlantix, started to sing the lyrics of the song as the little girls walked down the aisle with their cute fairy dresses.
Lucas tilted his head on the side when he saw Topp walked after his cousins. Bumuga siya nang hininga nang makaramdam ng paninikip ng dibdib. Damn! May sa demonyo talaga ang dila ng kaniyang kapatid. Mukhang iiyak talaga siya nang wala sa oras.
"Panyo?" bulong na naman ni Luci sa kaniyang tenga nang biglang napunta sa chorus ang kanta.
"Shut up," he hissed, his attention was still in front of her.
Parang biglang may humarang sa kaniyang lalamunan at bigla siyang pinagpawisan nang tuluyan nang masilayan si Julia na dahan-dahang lumakad sa carpeted floor ng shrine. Nasa magkabilang gilid ng dalaga ang ama at ina nito na panay ang ngiti. Lucas bit his lips. Hindi... Hindi siya iiyak. 'Tang ina!
Pigil ang hininga niya hanggang sa makarating na si Julia sa altar. Lumapit siya para magmano sa mga magulang nito bago hinarap ang dalaga.
"Hi," Julia greeted him with her natural soft voice.
Tumingin si Lucas. "H-hi." He cursed mentally when his voice cracked. Tanda na kanina pa niya pinipigilan ang pagluha.
Mukhang napansin iyon ng dalaga kaya marahan itong natawa. Lucas pouted his lips a little.
"Please don't laugh at me."
"I won't," nakangising sabi ni Julia. "Iisipin ko na lang na you changed at naging iyakin ka na."
Lucas groaned. "Julia..."
The ceremony started until it's his turn to give his vows. Ilang beses na tumikhim si Lucas para masigurong hindi siya mapipiyok habang nagsasalita.
BINABASA MO ANG
Her Forgotten Mistake (Mistake Series #6)
RomanceMistake Series #6 (Completed) "Nakalimutan man kita... pero alam mo 'tong puso ko? Nakilala ka na agad noong unang pa lang kitang makita." *** Julia Rivero was living her rich life to the fullest. She was adopted, but she never felt like one. Maswer...