(Note: Errors ahead. Enjoy reading!)
Fourteen
LUCAS PASSED OUT after the kiss. Naiwang nakatulala at hinahabol ang sariling hininga si Julia sa tabi ng binata. She doesn't even know how she calmed herself and fell asleep after.
Nagising siya kinaumagahan na ang matiim na titig ng kaniyang boss ang bumungad sa kaniya. Napaatras si Julia habang hila-hila ang kumot palapit sa kaniyang katawan. Lucas was already wearing a thin grey v-neck shirt while laying down beside her.
"Morning," napapaos na bati nito.
"Morning," Julia chirped.
"Breakfast?" anito saka bumangon. Nakasunod lang sa binata ang tingin ni Julia. "I called the service. Let's eat first before going to De Puro."
Awtomatikong napabangon si Julia nang banggitin ni Lucas ang hacienda ng mga Suarez. Naalala niyang nangako pala siya kay Armee na tutulungan ito sa preparations na gaganapin sa mansiyon ngayong araw.
Wearing nothing but a thin, silky nighties, umupo si Julia sa harap ng mini table kung saan nakahanda na ang mga pagkaing pinahanda ni Lucas galing sa buffet hall. Sumunod naman ang kasama at umupo na rin sa kaniyang tapat.
"How's your sleep?" Lucas asked while putting a butter on his toast.
Tumikwas ang kilay ni Julia. "Wala ka bang naaalala sa mga nangyari kagabi?"
Lucas stopped making his breakfast and looked at her with a worried expression. Kumunot ang noo ni Julia. Wala nga itong naaalala.
"Did I... do something wrong?"
"Wala naman. It's just that... You're drunk and you... Uh... turned to someone I'm not used to be with."
Lucas' eyebrows met. "What do you mean, Jul? May ginawa ba akong masama sa 'yo kagabi?"
"You can't remember kahit small details lang? You're not that drunk last night naman."
"I had a total blackout everytime I got tipsy or drunk." Kumurap ang binata. "So, tell me what I did last night. Did I caused any trouble?"
Dahan-dahan siyang umiling. Aside from being extra flirty, wala naman nang ibang ginawa si Lucas sa kaniya.
Umiling lang siya saka nginitian ito. Lucas felt relieved from that smile. Tahimik lang nilang tinapos ang kanilang agahan hanggang sa nagkanya-kanyang ayos na.
Julia was coming her short hair when Lucas came out from the shower wearing a black shirt and khaki pants. Siya naman ay nakasuot lang ng kulay dilaw na crop top sando and low waisted jeans. Nagkatinginan sila ni Lucas sa salamin nang magawi roon ang tingin ng binata.
"Let's go?" Lucas asked when she put the brush on the vanity. Tumango siya bago tumayo.
The morning sunshine welcomed their sights when they stepped out of the villa. Kumikinang ang tubig na nakapaligid sa wooden bridge na dinaraanan nila papunta sa pampang. Nakangiti lang si Julia habang dinadama ang pang-umagang hangin.
"Eros told me to go straight to the hotel. He brought his car with him," said Lucas.
"Kailangan pa nating sumakay?"
"There's a way to the hacienda over the houses here, but it's better if we'll take a ride. Medyo malayo kapag lalakarin natin."
Tumango si Julia at sinundan lang ang binata hanggang sa makarating sila sa main building ng Alpha Azul. Maaga pa lang ay marami na ang mga turistang nagtatampisaw sa may pool area. Natanaw rin niya kanina ang mga taong kumakain sa buffet hall.
![](https://img.wattpad.com/cover/269616150-288-k85520.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Forgotten Mistake (Mistake Series #6)
RomanceMistake Series #6 (Completed) "Nakalimutan man kita... pero alam mo 'tong puso ko? Nakilala ka na agad noong unang pa lang kitang makita." *** Julia Rivero was living her rich life to the fullest. She was adopted, but she never felt like one. Maswer...