Mature theme tayo mga bes. Vulgar words are present. Not a complete bed scene, but still, MATURE THEME. Hindi siya advisable sa mga kids. PLEASE! HUWAG BASAHIN!
One
IF THERE'S ONE thing that is always happening in this world but not everyone wants it to happen, it is about being born alive.
You don't hold the power to stop yourself from getting out of mother's womb and see the world, hence, it's her decision if she wanted you to live or die.
And for Julia's case, she was thankful to her biological mother for giving birth to her and left her outside the orphanage's gate after. At least... maganda ang buhay niya dahil sa umampon sa kaniyang mayaman na mag-asawa.
"You're always thankful to them," Aurora, her friend, pointed out.
Huminga siya nang malalim saka pairap na tinignan ang kaibigan.
Sino ba naman ang hindi magpapasalamat sa mga taong nagligtas sa 'yo sa kapahamakan at binigyan ka ng pag-asang mabuhay?
Kung hindi siya tumawid bigla noon at nabangga ng sinasakyan ng mag-asawang Rivero, malamang ay nasa orphanage pa rin siya ngayon at naging tagapag-alaga na lang ng mga bata roon.
"I still am, you know," she said before straighting up the shot of vodka she was drinking.
Umirap si Aurora saka siya marahang sinabunutan. "You're so gaga! Parang kanina lang, you're cursing them non-stop."
Sumama na naman ang ayos ng kaniyang mukha nang maalala kung bakit ba niya hinila ang kaibigan at nagpunta sa bar para maglasing.
Grabe naman kasi! Kakarating lang niya galing sa Mall nang ibungad ng kaniyang Daddy ang tungkol sa pagkabagsak ng kumpanya nila. She's already aware of it for years. Limang taon ng pilit na ginagapang ng kaniyang Mommy at Daddy ang kumpanya nila sa Milan, pero talagang walang magandang nangyari. Nabaon pa tuloy sila sa utang dahil doon.
"Minsan ko lang naman sila murahin. Pagbigyan mo na ako. Especially now that I'm so stress!" Maarte siyang humarap sa kaibigan habang naka-krus ang mga hita. "Tell me, Ro. What am I gonna do!"
Aurora twitched her lips before speaking. "Obey your parents because you love them?"
Napahilamos siya sa kaniyang mukha. Wala siyang problema kahit pa bumagsak sila sa lupa. Kahit pa kumain sila araw-araw ng tutong, hindi siya magrereklamo. Basta ang mahalaga ay kasama niya pa rin ang Mommy at Daddy niya pauwi sa Pilipinas.
"I'm willing to obey whatever they want me to do, 'di ba?" Napasuklay siya sa kaniyang mahabang buhok. "But not this one, Ro! Mamamatay ako!"
Malakas na tumawa ang kaibigan kahit na seryoso siya sa kaniyang reklamo. Mamamatay talaga siya kapag sinunod niya ang gusto ng Daddy niya ngayon.
Masunurin siyang anak. Hangga't maaari, gusto niyang laging nagagawa niya ang mga bilin sa kaniya ng mga magulang bilang pagtanaw na rin ng utang na loob sa mga ito nang kupkupin siya.
Pero hindi niya kayang maging mabuting anak ngayon.
Puwede naman siguro, 'di ba? One time lang naman maging bad girl.
"Wala nang nakamamatay sa pag-aasawa ng matandang mayaman, girl." Aurora laughed once again.
"You're saying that kasi nga wala ka sa posisyon ko!" She gasped. "I don't want to marry an old man, Aurora! That will literally kill me!"
"Ugh! Ang arte!" Aurora rolled her eyes. "Baka nga mas mauna pang mamatay 'yong matanda. How old is he again? Seventy-five?"
"Seventy lang! Oh my God!" Wala sa sarili siyang napa-paypay sa sarili.
BINABASA MO ANG
Her Forgotten Mistake (Mistake Series #6)
RomansaMistake Series #6 (Completed) "Nakalimutan man kita... pero alam mo 'tong puso ko? Nakilala ka na agad noong unang pa lang kitang makita." *** Julia Rivero was living her rich life to the fullest. She was adopted, but she never felt like one. Maswer...