(Note: Errors ahead.)
Five
HALOS MAGSALUBONG NA ang mga kilay ni Julia habang binabasa ang schedule ng kaniyang boss sa hawak na iPod. Hindi siya makapaniwalang ganoon kadami ang dapat gawin ni Lucas sa isang araw lang. Siya ang na-i-stress sa nababasa.
"Ms. Rivero," sumungaw ang ulo ni Lucas mula sa maliit na bukas ng pinto ng opisina nito. "Are you ready?"
Julia stood up while carrying her iPod. "Yes, Sir. Mauuna na ako sa conference room to ready the files to be presented."
Lucas nodded before going back inside his office. Si Julia naman ay nagtungo na sa conference room bitbit ang ilang files na dapat i-distribute para sa mga members ng board.
She's already a week old secretary of Lucas Savirino. Sa isang linggong pagta-trabaho kay Lucas, marami siyang nalaman tungkol sa kumpanya nito, at maging sa pamilya ng binata. It was shocking for her to know that he had a fake marriage engagement with his brother's current girlfriend. Komplikado ang naging sitwasyon ng tatlo at nadamay pati ang buong Savirino Enterprises.
Nang ikwento niya iyon kay Anthony ay tuwang-tuwa pa ito. He's expecting that it would be a great opportunity to taint the Savirinos, and she's thinking the same. Pero nang marinig ang mga sinabi ng board members na hindi nila bibitawan ang kumpanya ay bahagya siyang nadismaya.
It's a huge scandal. It can affect their names. Bakit ayaw pa ring bitawan ng board ang mga Savirino?
"Good morning, Ms. Rivero," bati ng isang matanda na pamilyar na rin sa kaniya dahil araw-araw niya itong nakikita sa opisina.
"Good morning, Sir," Julia greeted back with a wide smile on her face.
Sunud-sunod na nagsidatingan ang mga board members at ilan pang investors na kasali sa meeting. Inihahanda ni Julia ang mga papel na babasahin ni Lucas nang mamataan ang kapatid ng binata na papasok din sa room.
"Good morning, Sir Luci," she greeted him. Tango lang ang sagot nito saka diretsong umupo sa designated seat nito.
He looked so stressed and worn out. Marahil ay tutok pa rin ito sa pag-aayos sa problema ng mga dela Vega. Nakilala na rin niya si Faye na CEO ng DVGC na naging asawa ni Lucas sa pekeng papel. Rumors about Lucas falling in love with Faye was spreading like a wild fire but she's not interested about it. Kahit isang linggo pa lang niyang nakakasama ang kaniyang boss, alam niyang mahirap mahulog ang loob nito sa isang babae. He's very professional and good at hiding his emotions.
Pero kapag true love, that's a hard thing to hide.
Kaya hindi niya masasabing mahal nito si Faye dahil wala siyang makitang kahit anong kislap sa mga mata nito kapag kinakausap nito ang dalaga.
Mas May kislap pa nga ang mga mata niya kapag ako ang kausap, Julia thought. She shrugged off her shoulders and just stayed silent while waiting for Lucas to arrive.
Minutes after, pumasok na rin si Lucas at pormal nang nagsimula ang meeting. Julia typed everything that became the topic of the meeting on her iPod while secretly copying it on her small notebook, as per Anthony instructed.
Pinag-usapan lang nila ang tungkol sa paglipat ng ilang investors sa DVGC at ang pagkakaroon ng live presscon tungkol sa nasabing kumpanya. It's already almost lunch when they're finished.
"What's my next appointment, Jul?" Lucas asked her while they're heading back to his office.
Natigilan si Julia sa paglalakad at saka ilang beses na napakurap. She was staring at Lucas' broad back while he was walking. Nang maramdamang hindi siya sumunod ay hinarap siya ng binata. His eyebrow shot up.
BINABASA MO ANG
Her Forgotten Mistake (Mistake Series #6)
RomantikMistake Series #6 (Completed) "Nakalimutan man kita... pero alam mo 'tong puso ko? Nakilala ka na agad noong unang pa lang kitang makita." *** Julia Rivero was living her rich life to the fullest. She was adopted, but she never felt like one. Maswer...