Twenty Eight

1.4K 55 1
                                    

(Note: Unedited. Errors ahead.)


Twenty Eight





WALA PA RIN sa sarili si Julia nang makarating sila ni Lucas sa Manila. They rode the Savirino's helicopter para mas mapadali ang pagluwas nilang dalawa mula sa Ilocos.

"Here's Daddy's car. Go to the mall. Now," nagmamadali ring utos ni Luci habang puno ng pag-aalala ang mukha.

Lucas grabbed the car key from his brother before pulling her to the car. Pinagbuksan siya nito ng pinto bago umikot at pumasok.

"Shit..." mura ni Julia nang makaramdam ng sakit sa ulo. Isinandal niya ang likuran sa upuan saka minasahe ang kaniyang sintido.

"Calm down," Lucas said with his raspy voice. Kanina pa sa helicopter ito mahirap kausapin. He's really scary when mad. Kaya nananahimik na lang si Julia kahit na gusto niyang sabihin dito ang pananakit ng kaniyang ulo.

Naramdaman niya ang pag-andar ng sasakyan habang nakapikit siya at minamasahe ang sintido. Parang puputok ang kaniyang ulo sa sobrang sakit na nararamdaman.

Julia felt dizzy. Gusto niyang masuka. Napa-aray siya nang mas lalong kumunot ang kaniyang ulo. She heard Lucas cursing beside her but she didn't have the change to look at him. Nagsimulang manghina ang kaniyang katawan the same time all her lost memories came back in just a snap.

Ang pagkawala ni Topp ang nag-trigger sa kaniyang memorya na bumalik. Nagmistulang parang pelikula na naka-fast forward ang mga alaala sa loob ng kaniyang utak.

The time she was pregnant... Giving birth to Topp... Ang pagkupkop ni Anthony sa kaniyang buong pamilya...

And then the time she was tasked to work with Lucas and be Anthony's eyes and ears. Hanggang sa nagkahulihan sila ng binata.

Lumuluha niyang iminulat ang mga mata. Nasa loob pa rin sila ng sasakyan pero nakatigil sa gilid ng kalsada iyon. Lucas was staring at her, worry was filled in his eyes. Inalis nito ang suot na seatbelt saka siya masuyong niyakap.

"What happened?" tanong nito habang inaalo siya.

"My memories are back..." Humagulgol siya. "Alam ko na lahat ng nangyari... Alam k-ko na ang mga kasalanan ko, Lucas... Kasalanan ko lahat..."

"No, Jul. You're not at fault. Calm down, baby," masuyong bulong ng binata habang hinahaplos ang kaniyang likod.

"K-kung noong una pa lang... hindi na ako pumayag sa mga gusto ni Anthony, h-hindi sana mangyayari 'to. S-si Topp, Lucas... He's in danger. Nasa panganib ang anak natin..."  

"Topp will be fine," alo ni Lucas sa kaniya. "Hindi pa tayo sigurado kung may kumuha ba sa anak natin, Julia. That's why we need to hurry and go there to find him."

Lucas helped her relaxed for a moment before going back on driving. Parang sasabog pa rin ang dibdib ni Julia sa pag-aalala para kay Topp hanggang sa makarating sila sa parking area ng mall. Pagkalabas niya ay agad niyang nakita ang mga lalaking naka-itim na suit na sa pagkaka-alala niya ay mga tauhan ni Lucas. Hinawakan ni Lucas ang kaniyang kamay at naglakad palapit sa mga ito.

"Sir, negative," ani ng isa sa mga guard ni Lucas dahilan para manghina ang kaniyang mga tuhod.

"Hinalughog niyo na ba lahat ng stores dito sa mall?" Lucas asked, madilim na naman ang itsura nito.

"Nasa second floor na po ang mga tauhan ko. Niradyo na nila kanina na wala raw si Sir Topp doon."

"Fuck!" malutong na mura ni Lucas sabay suklay ng buhok nito.

Her Forgotten Mistake (Mistake Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon