(Note: Unedited chapter. Advance sorry for the errors.)
Twenty Four
IT WAS RAINING cats and dogs outside when the doctor finally announced Julia's official release. Nasa loob ng kaniyang kwarto ang kaniyang mga magulang at tinutulungan siyang mag-ayos ng mga gamit.
"Mom," tawag niya sa ina habang magkaharap silang nakaupo sa kama. "Can I go visit Topp now?"
Umangat ang ulo ng kaniyang ina. "We should tell that to his nurses first, honey."
"I can go ask Lucas na ipaalam ako," she suggested.
Her mommy suddenly smiled while staring at her. "You seem comfortable with him, Jul. Hindi ka ba nakakaramdam ng awkwardness o hiya kapag kasama mo si Lucas?"
"He's a good guy naman po. He's not doing anything wrong to me."
Her mom remained smiling. "Sabagay... nakikita ko naman na kaya kang alagaan ni Lucas. Alam kong hindi ka niya pababayaan. Ang kinatatakot ko lang ay kung kaya niyang pagtiyagaan ang pagiging maldita mo."
Nalukot ang kaniyang mukha. "Mommy! I'm not maldita." Her mom chuckled. "And why are you talking like pinamimigay mo na ako sa kaniya?"
"Hindi naman, anak." Sayang-saya pa rin ang itsura ng kaniyang ina habang inilalagay nito ang mga gamit niya sa loob ng bag. "Hihintayin kong siya ang humingi ng kamay mo sa amin ng daddy mo."
Julia gasped as she turned tomato. Malutong na tumawa ang kaniyang ina dahil sa kaniyang reaksyon. Napailing na lang siya at kinuha ang bag saka iyon isinukbit sa kaniyang balikat.
Sakto namang bumukas ang pinto at pumasok si Lucas kasama ang kaniyang daddy. The two were talking about something, and when Lucas' eyes darted on her, he immediately walked towards her in a hurry.
"What the hell are you doing?" matigas na wika nito saka hinablot ang bag na nasa balikat niya. "Hindi ka pa magaling, Julia. Why are you carrying your things?"
"I'm just..." She glared at her mother who was snickering behind her. She rolled her eyes before facing Lucas again. "It's nothing."
Lucas clicked his tongue before putting the bag back on the bed. "Huwag ka munang lalabas. I called Dad to pick us up because my car can't get through the flood."
"May baha?" gulat na tanong niya.
"Yes. So we have to wait for the helicopter to —"
"Whoah! Wait..." Nanlalaki ang mga mata ni Julia habang nakatingin sa binata. Alam niyang nagmumukha na siyang baliw dahil sa itsura niya, pero hindi niya maiwasang mag-over react. "We have to wait for a what?"
"The helicopter." Lucas' jaw clenched. His usual blank face were shown, but there's a small smile flashed on his thin lips. Yabang!
"But is it safe to ride a helicopter, hijo? Malakas ang ulan sa labas," anang ina niya.
"I already talked to him, honey. Patitilain muna nila ang ulan bago sila umuwi," sagot naman ng daddy niya. "May ipinaalam nga pala itong si Lucas sa akin."
Nagkatinginan sila ng kaniyang mommy. Pinanlakihan niya ito ng mga mata nang ngumisi na naman ang ginang nang nakakaloko. God, her mommy's imagination was beyond the reality.
"Hinihingi na ba ang kamay?" tanong nito habang mapang-asar siyang nginingitian.
"Mommy!"
"Nagpapaalam lang magbakasyon, Bettina," sagot ng kaniyang daddy.
Lucas cleared his throat to gain their attentions. "If it's okay with you, Ma'am."
"Kayong dalawa lang ba?" malisyosang tanong ng ina ni Julia.
BINABASA MO ANG
Her Forgotten Mistake (Mistake Series #6)
RomanceMistake Series #6 (Completed) "Nakalimutan man kita... pero alam mo 'tong puso ko? Nakilala ka na agad noong unang pa lang kitang makita." *** Julia Rivero was living her rich life to the fullest. She was adopted, but she never felt like one. Maswer...