Ace's P.O.V
Hindi ko alam pero parang may nagmamatyag sa akin na kung ano. Nang dahil sa pag-eensayo sa Magarta, naging malakas ang pandama ko. Kaya ngayon, ramdam ko ang mga matang nakatitig sa akin. Kinakabahan ako, tumayo ako at umupo sa kama ko. Inilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto, wala namang kakaiba.
Hanggang sa madako ang mga mata ko sa bintana, may kulay dilaw na mga matang nakatingin sa akin. Biglang may dalawang kulay lavender na orb na bumulusok papunta sa akin. Agad akong umiwas, lumikha ito ng malakas na pagsabog. Lumabas ako ng dorm at tumakbo sa isang open field, nakita kong nakasunod sa akin ang nilalang na iyon. Matapang akong humarap sa kanya.
"Sino ka?!" tanong ko dito. Bigla niyang tinanggal ang itim nitong cloak at tumambad sa harap ko ang isang maputlang nilalang, oo maputla talaga. Nakasuot siya ng kulay lilang baluti, shining, shimmering, splendid yung suot niya, at may itim siyang buhok, tapos yung mata niya, purong puti, tapos sa likod niya ay may malaking parang magic circle na kukay lila din. Tapos nakalutang siya sa hangin, nakatingin sa akin habang suot ang isang malademonyong ngisi na nagbigay ng ibayong takot sa akin.
"Ako si Haedaeus, isa rin akong Diyos tulad ng ama mo, may kapangyarihan ng Necromancy at Mind Control." saad nito sabay bitaw ng mapanindig balahibong tawa. Kita ko rin na nagsisilabasan na rin ang mga nagising na estudyante dahil sa pagsabog. Biglang nagliwanag ang mata ng Diyos na kaharap ko ng kulay lila, napansin kong may bumalot sa open field na kinalalagyan namin na parang barrier. Nakita kong nasa labas ng barrier ang mga estudyante. Hindi ko ba alam kung bakit hinahayaan ng Diyos na 'toh ang makita namin siya.
"Bakit ka naparito?" takot man ay tinanong ko pa rin kung ano ang pakay nito.
"Ikaw!!" saad nito na ipinagtaka ko.
"Anong ako?!" tanong ko ulit.
"Kailangan kitang paslangin sapagkat sa iyo ipinamana ng ama mong si Lithos ang kanyang kapangyarihan. Kailangan ko ang kapangyarihan mo!!" sigaw nito sabay tawa ng pagkalakas-lakad na kahit ang mga estudyanteng nanonood ay napaatras. Nakita ko sa labas ang mga kaibigan ko pati si Fred na nagpupumilit na pumasok sa barrier. Kita ko ang pag-aalala nila sa akin.
Pero nagulat ako sa sinabi ni Haedaeus, anak ako ni Bathala Lithos? Hindi ito pwede!! Baka niloloko lang ako nitong Haedaeus na ito.
"Ako? Na sa akin ang kapangyarihan ni Bathala Lithos? Nagpapatawa ka ba? Ano ba talagang pakay mo?!" matapang kong saad kahit na takot ako.
"Matapang ka tulad ng ama mo pero wala ka pa ring binatbat sa akin. Pero sige, gusto mo talagang malaman ang pakay ko? Pagbibigyan kita!!" saad nito at saka ngumisi na nagpatayo ng mga balahibo ko sa katawan.
Bigla itong nawala, saan iyon nagpunta? Bigla akong nakaramdam na parang may kung sino ang nasa likod ko, iiwas na sana ako nang masipa niya ako ng pagkalakas-lakas. Mabilis siya, at malakas, kaya tumilapon ako hanggang sa barrier kung saan nasa kabilang side sina Fred, kita ko ang gulat at takot sa mga mata nila. Bigla nilang pinaulanan ng kanilang mga kapangyarihan ang barrier ngunit wala itong silbi, hindi ito mabasag-basag.
"Hindi ko alam kung nagtatanga-tangahan kayo o sadyang bobo lang kayong mga likha ng aking kapatid. Hindi niyo mababasag yang harang na ginawa ko, kaya sumuko na lang kayo at panoorin niyo na lang kung paano ko unti-unting patayin ang kaibigan niyo!! HAHAHAHAHAHA!!" saad nito sabay tawa, agad naman akong tumayo nang makita ko siyang papasugod sa akin.
BINABASA MO ANG
Ace: The Undefined One [BxB: Completed]
FantasyDito nagsimula ang lahat, ang kasaysayan ng mga Magi, at ang magiting na Undefined. Ace, pinaniniwalaan ng mga nasa kasalukuyang panahon na isa siyang anak ng Diyos, si Bathala Lithos. Pero itinuturing na isang malas at salot noong panahon niya sa h...