3rd Ace

967 69 3
                                    

Two weeks na ang nagdaan, at ang samahan namin nina Harha ay maganda. Tinuturing ko na nga silang Bestfriends ko eh, at si Maraya naman, ayun, hindi pa rin nagbabago, masungit pa rin hanggang ngayon. Si Fred naman, ang kulit pa rin, at parang kabute na kung saan-saan sumusulpot. Pero ang issue tungkol sa akin, hindi pa rin humuhupa at lalong lumala. Lalo pa akong pinag-usapan ng malaman ang tungkol sa akin, kapag naglalakad ako sa gilid, nandidiri sila sa akin na parang may malubha akong sakit. Seriously, wala lang naman akong kapangyarihan, yun lang yon. Wala naman akong magagawa kung iyon yung tingin nila sa akin. Atleast, meron akong mga totoong kaibigan na maasahan, at hindi ako iniiwan kahit na nilalayuan na ako ng iba.

"Kumusta araw mo?" nagulat ako ng bigla na lang sumulpot si Fred sa likod ko.

"Jusko, ginulat mo ako Fred.." sabi ko sabay hawak sa dibdib.

"Haha, sorry na den. Tara, kain muna tayo, gutom ako eh.." yaya niya sa akin.

"Basta libre mo.." sabi ko.

"Ano pa nga bang magagawa ko.." sabi nito sabay ngiti. Inakbayan niya ako, ang clingy din kasi nitong mokong.

"Ano bang gusto mo?" tanong nito sa akin.

"Eh, ikaw?" tanong ko ulit pabalik, nagulat naman siya sa sinabi ko at namula. Ay grabe siya.

"What I mean is, ikaw, ano bang oorderin mo?" paglilinaw ko sa tanong ko.

"A-Aah, g-ganun ba? Akala ko kasi.."

"Anong akala mo, na ikaw yung gusto kong kainin, huwag ka ngang assuming diyan. Hayyss, sige na nga, kung anong sa'yo, yun din yung akin.." sabi ko. Bumuntong hininga na lang ito at pumuntang bumili ng pagkain namin.

Habang naghihintay ay saka naman dumating ang grupo nila Ash, and oh, may bago siyang chic, hayyss... Kailan kaya magbabago ang ugali nitong lalaking 'to? Naramdaman niya atang may nakatingin sa kanya, kaya napatingin rin siya sa direksyon ko, nagkatitigan kami, ngumisi ito saka lumapit sa akin saktong dumating na si Fred dala ang mga pagking inorder niya. Alam niya ang favorite ko which is salad, hehe.

"Oh, ito na yung pagkain mo boss.." sabi nito sabay abot ng salad.

"Ohhh.... How sweet.." sumingit ang epal, naku, kung hindi lang kita crush, matagal na kitang nasabunutan.

"Ano na namang kailangan mo, Prince Ash??" tanong ko rito at inemphasize ang Prince Ash.

"Wala, just checking you out guys, lalo ka na.." sabi nito at tumingin sa akin ng masama.

"Baka naman magmukha ka ng guard niyan Ash kakabantay sa amin.." sabi ko.

"You're really pissing me off Ace.." naiinis na saad ni Ash.

"Teka, teka, easy lang guys, easy. Ace, tama na yan, kumain ka na muna diyan. And for you bruh, ahm, pwede bang tigilan mo na si Ace." sabi nito, napalingon naman kami kay Fred.

"Sino ka naman para utusan ang isang Prinsipe?" ang yabang talaga ng lalaking 'to. Oo, alam na naming Prinsipe ka, hindi mo na yun kailangang sabihin pa, duh..

"Wala ka ng pake dun bruh, pinoprotektahan ko lang ang boyfriend ko.." nabilaukan naman ako sa sinabi ni Fred, inabutan naman niya ako ng tubig na agad ko namang ininom.

"At kailan pa nagkaroon ng boyfriend 'tong si Ace? Huh?" tanong ni Ash.

"Last two weeks pa, bakit, naiinggit ka ba?" sagot at tanong pabalik ni Fred kay Ash na natahimik dahil sa sinabi ni Fred.

"Ace, tara na sa klase natin, baka malate pa tayo.." sabi ni Fred sabay hila sa akin papalayo kina Ash na ngayon ay masama na naman ang tingin sa akin. Nang makalayo ay...

Ace: The Undefined One [BxB: Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon