12th Ace

587 50 0
                                    

Ace's P.O.V

Matapos ang nangyari kahapon ay ipinagpaliban na muna nila ang Magic Rumble.

Si Fred ay okay na, at kanina lang siya nadischarge samantalang si Ash, nagising naman siya pero sumasakit ang katawan niya, napwersa kasi ng demonyong pangalawang katauhan niya ang katawan ni Ash ng walang pasabi kaya ang ending, masakit ang katawan niya, dagdagan pa ng sakit na nararamdaman niya dahil sa akin kaya, he's not totally fine. Pinuntahan ko siya kahapon para magsorry dahil nasaktan ko siya not only physically but emotionally. Pero sabi niya ayos lang daw yun, pero pansin kong malamig na ulit ang pakikitungo nito sa akin 'di tulad ni Maraya na tanggap na ang nangyari.

Nakarating nga pala sa hari na namumuno rito sa Centro ang nangyari kahapon. Buti na lang talaga eh walang nasaktan kahapon, pwera kay Fred. Buti na lang talaga ay napigilan ko, I mean ni Eca ang dapat mangyari.

Back to normal na nga ang lahat, ang mangyayari na lang naman ngayon ay.... Ano nga bang activity ang magaganap ngayon... Wala, walang activity kaya free kami ngayon. Pero bawal lumabas ng campus kaya ang ending, sa buong school lang kami pwedeng tumambay, meron namang mga booths kaya pwede na.

Kasama ko nga ngayon si Fred na naglilibot ngayon ng mapadaan kami sa isang booth, hindi ko na lang pinansin kasi gutom na talaga ako mga gurl, hindi ako kumain ng almusal kanina kaya ngayon, kumakalam ang sikmura ko haha.

Pupunta na sana ako sa isang stall para kumain nang hilain ako ng damuho kong kasintahan.... EHHH???!!! KASINTAHAN ANG PEG!!! HAHAHA.....

"Ano ba yang Fred, gusto ko ng kumain eh..." pagrereklamo ko.

"Try lang natin 'tong Wedding Booth. Kunwari pakasal tayo haha.." sus yun lang pala.

"Sige lang, pero baka pagtawanan tayo..."

"Sus, wala ka bang tiwala sa akin? Saka, kung pagtawanan man tayo, let them... Wala naman akong pake eh. Sa'yo lang naman ako may pake.." alam kong mais pero... Kyahhhh!!! Kinilig ako..

"Okay.." sabi ko. Pumunta na kami sa booth.

Ay! Talagang may priest sila hah, at may singer para sa mas feel mo yung vibe. Maraming sinabi yung priest pero wala akong maintindihan kasi nakatingin lang ako kay Fred na nakangiti. Naku!!! Eto na naman si heart, ayaw tumigil sa pagtambol. Hanggang sa narinig ko na lang na sinabi na ng priest na pwede na daw kaming maghalikan- este pwede na akong halikan ni Fred, pero same pa rin yun haha.

"I love you..." saad nito.

"I love you too..." tugon ko at dahan-dahang dumampi sa aking labi ang kanyang malambot na labi. Rinig ko ang sigawan ng mga tao na parang nasisiyahan sa nakikita nila. Matapos ang halikan ay nakita namin ang mga nakangiting tao sa harapan namin.

Agad naman na kaming umalis roon sa booth at pumunta sa isang stall para kumain. Puro kami kwentuhan, at syempre, hindi mawawala ang harutan to the highest level haha.

"E-Ehem! Ehem! EHEM!!!" natigil kami sa sunod-sunod na fake cough. Sila Harha pala na nakangising parang aso.

"PDA huh... Anyways, tama na muna ang landian diyan guys, pinapatawag kayo ng Punong Marta.." saad ni Harha.

"Heh!! Inggit ka lang gurl, hanap ka na kasi ng jowa. Teka, bakit naman kami ipapatawag?!" tanong ko.

"Aba'y ewan ko, kayo na lang ang magtanong ah pupunta rin naman kayo dun, duhh!!!" sabi ni Harha sabay irap.

"Shuta kang babae ka, isang irap mo pa, tatanggalin ko na yang mata mo.." sabi ko. Tiningnan niya ako ng masama.

"Subukan mo, hindi ka na sisikatan ng araw.." pagbabanta nito kaya naman ay tumahimik na lang ako. Natawa naman sina Fred at ang tatlo pang babaita.

Ace: The Undefined One [BxB: Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon