Nandito ako ngayon sa isang sitwasyon na tinatawag nating 'Awkward Situation', yeah, yung feeling na gusto mo ng basagin ang katahimikan, pero sadyang pinangungunahan ka ng hiya haha.
Nakalimutan ko rin palang sabihin na wala kaming pasok ngayon kasi naghahanda ang mga teachers and staffs, kasama na ang classroom officers at student council para sa gaganaping anniversary mamaya, at three days itong gagawin, magtatapos ito sa Wednesday so obviously, it's Monday today. Saka opening ceremony pa lang naman ngayon noh, saktong may meteor shower mamaya kaya magiging masaya ito, at tinatawag itong "Celesty's Meteor Shower" bilang pag-alala kay Celesty, ang isang Celestial Guardian na nangangalaga sa mga bituin, marami kasing klase ng Celestial Guardian, merong Celestial Guardian ng buwan, meron ding Celestial Guardian ng bawat planeta, as a matter of fact, hindi lang ang Magica ang planeta dito, yeah, I consider Magica as one of the Planets sa galaxy na pinaglalagyan nito, marami rin akong research na nabasa na may iba pang planeta.
Enough na tayo sa mga trivia, kanina pa kami walang imikan. Kaya naisipan kong magsalita para naman mabuhay ang atmosphere kahit konti.
"So, ano palang ginagawa niyo rito?" tanong ko.
"Ikaw, bakit ka andito?" masungit na tanong ni Ash, ano 'to, may regla ba 'tong isang 'to.
"Well, naisipan ko lang namang maglibot-libot, tutal pinayagan naman tayong maglibot at gumala, so yeah." pag-eexplain ko sa kanila.
"Punta kaya tayong arcade.." pagyaya ni Fred.
"Hindi na tayo bata.." pagsusungit ni Ash.
"Bakit, sino ba kasing nagsabing pambata lang ang arcade?!" naiinis na tanong ni Fred.
"Teka lang guys, punta kaya tayo mamili ng damit para mamaya.." pagyaya ni Maraya.
"Simpleng pagdiriwang lang naman ang gaganapin mamaya, hindi natin kailangang pumorma ng sobra, at isa pa, may damit na rin akong gagamitin." mahabang lintanya ni Ash na halata ang pagkairita sa boses.
"Okay, then let's go somewhere, yung liblib ganun. Gusto ko ng adventure eh.." pagyaya ko sa kanila. Tumango na lang sila, at umalis na nga kami sa lugar kung nasaan kami kanina at nagsimulang maglibot hanggang sa makarating sa isang park na abandonado.
"Tara pasok tayo.." pangunguna ko.
"Teka lang Ace, baka delikado diyan.." nag-aalalang turan ni Fred na sinang-ayunan ng dalawa.
"So ano 'to, hindi kayo takot sa anumang bagay pero takot kayo rito sa abandonadong park na 'to. Naku nakakaturn-off ha." saad ko saka nagsimulang maglakad papasok. Tumakbo naman papalapit sa akin ang tatlo.
"T-Teka Ace, hindi kaya ako takot, sadyang nag-aalala lang ako.." saad ni Fred.
"Ano ka, nag-aalala rin ako sa kaligtasan ni Ace.." sabi din ni Ash.
"I always care for Ace and that's the truth.." nag-english na naman siya. Hayyss... Talo pa ako nito eh haha.
"Tumigil nga kayo, kung magtatalo lang kayo, iiwanan ko na lang kayo.." naiinis kong saad saka nagwalk-out at tuluyang pumasok, at pagkapasok ko na nga ay bahagya akong napatigil at napanganga sa aking nakita. Napakaganda ng paligid, isang napakagandang paraiso. May nakita akong malaking bato at may nakasulat rito. At binasa ko ito.
"Paradise of Lustin"
- this park was built with the presence of the Ancient God of Nature, Lustin. This will serves as his memory here in Magica.
Oh, so si Bathala Lustin pala ang gumawa nitong paraisong ito. Inilibot ang aking tingin at kita ko ang mga nagliliprang ibon na ngayon ko lang nakita, mga nagtatakbuhang hayop sa lupa. At mga lumalangoy na mga isda sa isang crystal clear na pond. Nasa ganung pagmumuni-muni nang....
BINABASA MO ANG
Ace: The Undefined One [BxB: Completed]
FantasyDito nagsimula ang lahat, ang kasaysayan ng mga Magi, at ang magiting na Undefined. Ace, pinaniniwalaan ng mga nasa kasalukuyang panahon na isa siyang anak ng Diyos, si Bathala Lithos. Pero itinuturing na isang malas at salot noong panahon niya sa h...