11th Ace

545 50 0
                                    

Ace's P.O.V

Pangalawang araw ng anniversary at ngayon nga gaganapin ang Magic Rumble Special Edition, ewan ko ba kung anong trip ng school at may special edition pa ang Magic Rumble. Ang sabi daw, pipili ang bawat section ng isang kalahok lang para makicompete sa iba pang section, naku, kaya naman pala special edition eh. Kasi isang kalahok lang ang makikicompete, at saka, ililipat daw ang mga kalahok sa isang dimension. Alam niyo na ata kung ano yun.

Anyways, nandito kami ngayon sa cafeteria, at hindi ko nakikita si Ash ngayon, at etong si Maraya, masyadong tahimik at hindi namamansin. May sasabihin pa naman ako.

"Uhmm, guys, saan si Ash?" tanong ko.

"Ewan namin, nung umalis rin kayo ni Fred kagabi hindi na rin sila bumalik ni Maraya, bakit?" tanong ni Aurora.

"Kasi may sasabihin ako.." sabi ko.

"Ano yun?" tanong ni Harha.

"Sasabihin ko sa-" naputol ang sasabihin ko nang magsalita si Maraya.

"Sasabihin niyang sila na ni Fred. Fred and Ace is in a loving relationship.." saad ni Maraya na mababakas ang pagiging walang gana nito.

Nagulat naman sila sa sinabi nito, kahit kami rin Fred ay nagulat rin.

"P-Paano mo nalaman?" tanong ko.

"Me and Ash already knew it. And you know what, it hurts like hell. You don't know how it feels when the person you love, loves another person." sabi nito saka nagwalk out.

"Anyare, ikwento mo naman, share it naman.." saad ni Elena. Kaya kinuwento ko ang nangyari.

"Alam mo, masaya kaming may lovelife ka na, but at the same time, nalulungkot ako para kay Maraya at Ash kasi nakita nila ang lahat ng mga nangyari kagabi.." sabi ni Barbara.

"Hindi ko naman intensyong saktan sila. Sasabihin ko rin naman sana sa kanila, kaso yun na nga.." sabi ko sabay yuko, ayoko kasing may nasasaktan lalo na't dahil sa akin kaya may nasasaktan at umiiyak. Napabuntong hininga na lang ako. Biglang may umakbay sa akin kaya tiningnan ko kung sino ito. Si Fred na nakangiti sa akin.

"Huwag kang malungkot, it takes time naman para matanggap nila iyon.." sabi ni Fred.

"Oii!! Tama na muna yan mga lovebirds, malapit ng mag-umpisa ang Magic Rumble kaya punta na tayo sa arena.." sabi ni Harha, panira talaga 'tong babaeng 'to eh.

Agad na nga kaming pumunta sa arena, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, excited. Pero may konting kaba? Teka nga lang, ba't naman pala ako kakabahan eh wala naman atang mangyayaring masama diba? Diba...

"Good morning dear students of Lithos Academy!!" pambungad ng MC, nagsigawan naman ang lahat pwera ako. Wala, trip ko lang, saka ayokong magsayang ng boses noh.

"Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa, sisimulan na agad natin ang Magic Rumble Special EDITION!!!" ay shuta nabingi ako sa sigaw nun ah, malapit pa naman sa amin ang speaker. Nagsigawan naman ang mga estudyante bilang tugon.

"Iba ang rules ng ating Magic Rumble kasi nga Special Edition.." may point si MC dun ah.

"Dahil ang rules ng Magic Rumble Special Edition ay una, tatawag kami ng dalawang kalahok, at kung sino man ang man manalo sa kanila ay siya ang tatawag ng bagong kalahok o challenger. Pero kapag nagkataong ang dalawang kalahok ay bumagsak, tatawag kami ng bagong pares para sa panibagong round. At dahil nasabi ko na ang rules. Hindi ko na patatagalin pa. LET THE RUMBLE BEGINS!!!" pagkasabi nun ng MC ay nagsigawan ang lahat.

"Bubunot ako ng pangalan mula dito sa bowl na ito, at kung matawag ang pangalan niyo, please bumaba kayo papuntang arena.." paliwanag ng MC.

"Ang mga pangalan ng unang pares ay- oh it's Prince Ash Dela Cruz at si Prince Maraya Madrigal.." pagkasabi ng MC sa pangalan ng dalawang prinsipe ay naghiyawan ang buong arena especially ang mga fangirls ng dalawang 'to.

Ace: The Undefined One [BxB: Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon