18th Ace

521 39 8
                                    

Third Person's P.O.V

"Who are you?!" galit na tanong ni Ace.

"I am your greatest nightmare.." saad ng nakacloak na may kontrol sa sealing bubble.

"You messed up with the wrong person!!" may diing saad ni Ace. Inilabas niya ang kanyang sandata pana at palaso, at mabilis na inatake ang nakacloak. Mabilis itong umiwas pero natamaan nito ang cloak niya kaya natanggal ito na ikinagulat niya, pero hindi kinabahan kung makikita ba ang mukha nito dahil may suot itong maskara at naka-itim na fitted na suit.

Nang makita ni Ace ang figure ng nakacloak ay kinutuban na siya dahil pamilyar nga, lalo pa at babae ito at may gintong buhok at mata, kahit pa nakamaskara ito na hugis paru-paro na natatakpan na halos buong mukha nito maliban sa bunganga.

Naglabas ang babae dalawang sandata, isang malaking gintong espada na may diyamante sa dulo at isa ring latigo na halos kapareho nang kay Haedaeus.

Hindi na muna siya makikipagpalit kay Eca dahil alam niyang kaya niya ito.

Nagpalitan sila ng atake, pero may advantage si Ace dahil long ranged ang atake nito. Sa bawat pagpana niya ay may kasamang pressure ang kanyang atake, at mabibilis din ito. Dahil sa bilis ay ilang beses nadaplisan ang babae.

"Argh.." daing ni Ace nang pinagtulungan siya ng kasama ng babae. Nagcast sila ng sealing spell upang hindi magamit ni Ace ang kapangyarihan niya.

"It's fun playing with you Ace, but we need to get going, there's so many business we need to do, and that includes your son." she said then smirk.

"N-No!!! Y-You b*tch!!! Argh!!!!" saad ni Ace habang dumadaing.

"Ace!! Magbabayad kayo!!" sigaw ni Harha sa 'di kalayuan, sumugod siya at nagbato ng purple orbs sa mga nakacloak. Pero bago pa sila matamaan  ay nawala na sila dala si Goldyphille.

Tumakbo si Harha palapit sa nanghihinang Ace.

"Ace, si Gol-" hindi pa tapos ni Harha ang sinasabi niya nang magsalita si Ace at madadama mo ang pangungulila nito.

"Harha, s-si Goldyphille.. S-Si Goldyphille, kailangan nating iligtas si Goldyphille... H-Harha.." saad ni Ace habang humahagulgol.

"Sshhh, tahan na Ace, hahanapin natin ang anak mo, we will. Huwag kang mag-alala, hindi siya pababayaan ng mga Bathala." saad ni Harha habang pinapatahan si Ace.

~~~

Samantala, nakarating ang mga nakacloak sa kanilang hide-out. Sinuaubukan pa ring makawala ni Goldyphille sa sealing bubble.

"Manahimik ka nga diyang bwisit ka!! Kanina mo pa pinapasakut ulo ko eh!!" bulyaw ng babae kay Goldyphille.

"Sino ba kasi kayo at anong kailangan niyo sa akin?" tanong ni Goldyphille.

"Gagamitin ka naming alas laban sa iyong ama.." saad ng babae kay Goldyphille.

"Bakit?! Anong gagawin niyo kay Papa?!" sigaw ni Goldyphille.

"Manahimik ka!! Ikinulong nila ang ama ko, dahil diyan sa ama mo, kaya ikaw naman ang gagamitin kong alas laban kay Ace.." nanggagalaiting tugon ng babae.

"Sino ka ba?" tanong ni Goldyphille.

"Ako si Goldessy.." saad ni Goldessy kay Goldyphille.

"At ilang sandali na lang ay magiging kasapi ka na namin.." dagdag ni Goldessy. Mas kinabahan si Goldyphille kaya lalo siyang nagpumilit na tumakas hanggang sa mapagod siya at makatulog.

~~~

Nagising si Goldyphille ng nakahiga at nakaposas sa isang pabilog na parang altar, kulay ginto pero ang bituin ay kulay itim.

Ace: The Undefined One [BxB: Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon