3 Months later....
Matapos nga ng confession ng dalawa, nanligaw sila, pati na rin si Maraya, syempre inaccept ko na, para naman mas makilala ko sila. At sa tatlong buwang nagdaan, hindi ako nagkamaling makilala sila lalo na ang kanilang habit. Etong si Maraya mahilig pisil-pisilin ang pisngi ko, etong si Ash, lagi akong dinadala sa mga extreme rides something like that, at buti na lang nagbago na siya at hindi na siya bully, at etong si Fred, lagi akong dinadala sa fancy restaurants, saka mga tourist attractions. Hay nako, mahirap talaga ang pag-agawan, at eto pa, tuwing nasa school ako, lagi silang nag-aaway kung sino ang kasama kong kumain, kasama kong umuwi, naku, kulang na lang pag-uuntug-untugin ko sila. Nakakaloka silang tatlo. And speaking of those three, ayan na naman sila.
"Hi Ace!!" sabay na sabay talaga. Nagkatinginan silang tatlo, yung tinging makakapatay. Buti na lang at napansin pa nilang nandito pa ako.
"Ace, sabay ka na sa akin!!" oops, sabay ulit. Ahaha.
"Ano bang problema niyo?! Remember, tapos na kayong dalawa. And it's my day now." ay, dinaig pa ako ni Maraya sa pag-eenglish ha.
"Pwede tumigil kayo, para kayong mga bata, sige na, sumabay na kayong tatlo sa akin, tutal, wala ang girls kasi pumunta silang Admin.." pagkasabi ko nun....
"WHAT??!! NO!!" arte ng mga 'toh.
"Ayaw niyo? Okay, di kayong tatlo na lang ang kumain, sasama na lang ako sa-"
"Wait, sige, sasama na kami sa'yo basta huwag kang sasama sa iba.." biglang singit ni Fred.
"Okay, tara na den.." yaya ko sa kanila.
Later....
"Ace, mas masarap ito oh.." -Ash.
"No, try this one, this is delicious.." -Maraya.
"Hindi, huwag yun, mas masarap ako- este mas masarap itong luto ko kesa diyan sa mga binili nila." isa pa 'tong si Fred.
"Teka lang, teka lang, isa-isa lang okay, kakainin ko lahat yan, saka, try niyo kayang kainin yung mga pagkaing dala ng isa't-isa."
"No!!" ay ganern, kontra talaga nila ang isa't-isa.
"Edi hindi ko rin kakainin yan, bibili na la-"
"Okay, okay, ito na, gagawin na namim, for the sake of your sweet yes.." may paganun pa 'tong si Ash.
At ayun na nga, kumain kami ng sabay-sabay, ay ewan ko ba sa tatlong 'toh. Parang ayaw pa nilang kainin ang mga dinala ng isa't-isa eh. Pero nung natikman na nila...
"Pare, paabot nga niyang dala mo.." saad ni Fred kay Ash.
"Oh ito, paabot din ng pagkaing dala ni Maraya, huwag mong solohin.." saad ni Ash, inabot naman ni Fred ang dalang ulam ni Maraya.
Ay wow, kani-kanina lang, parang magkakaroon na ng Magic War. Tapos ngayon, natikman lang nila ang ulam na dala ng isa't-isa, para na silang magkakapatid na nagsheshare ng pagkain sa isa'r-isa. HUWAW LANG!!! Pero mas mabuti na 't-
"Ano ba, huwag kang maramot, ibigay mo sa akin yang pagkain na dala ni Maraya!!" sigaw ni Ash.
"Eh ako ang nauna eh!! Mamaya na, hindi pa ako tapos kumuha oh!!" sigaw naman pabalik ni Fred. Nagsisigawan na sila, at nakakarindi talaga.
"Eh inuubos mo na nga eh!!" parang bata lang?
"Ahm, guys, pwede tu-" naputol ulit ang sasabihin ko.
"Akin na kasi yan!!" ayun inagaw ni Ash yung pagkain.
"No! Ako ang nauna!!" sigaw pabalik ni Fred at inagaw yung lagayan. At nag-agawan sila hanggang sa nabitawan nila iyon at nabuhos sa akin, actually, napunta lahat sa ulo ko ang pagkain. Napatingin ang lahat sa akin, may nagpipigil ng tawa, may naaawa, may gulat, may walang pakealam. Pero ang tinitingnan ko lang ay ang tatlong lalaking nasa harapan ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Ace: The Undefined One [BxB: Completed]
FantasyDito nagsimula ang lahat, ang kasaysayan ng mga Magi, at ang magiting na Undefined. Ace, pinaniniwalaan ng mga nasa kasalukuyang panahon na isa siyang anak ng Diyos, si Bathala Lithos. Pero itinuturing na isang malas at salot noong panahon niya sa h...