5th Ace

828 76 1
                                    

Dumating ang araw na pinakahihintay ng lahat, ang Magic Rumble. Ito ang kauna-unahang Magic Rumble, alam kong matatala ito sa kasaysayan at kasama kami roon. Nandito ako sa arena, yeah, may arena sa loob ng malawak na school na ito.

"Bes, bakit hindi ka pumasok kahapon?" tanong ni Harha.

"Ahh, kasi sumama ang pakiramdam ko, sumakit pa yung katawan ko. Pasensya na hindi ko kayo nasabihan. Malayo rin kasi yung man- este, bahay namin eh." muntikan akong madulas doon. Secret lang yung namatira ako dati sa mansion ni lolo Enchong.

"Ano, ayos ka lang ba ngayon?" tanong ni Fred. Nginitian ko siya at tumango.

"Medyo kinakabahan pero ayos lang." sabi ko.

"Paano yan, required na sumali ang lahat sa Magic Rumble. Nag-aalala kami para sa'yo." sabi ni Elena.

"Ano ba kayo, kung sinabi kong ayos lang ako, ayos lang, kaya ko ang sarili ko, ang intindihin niyo ay yung sarili niyo." sabi ko sabay ngiti.

"Yan na naman tayo Ace eh, paano kung masaktan ka doon tapos hindi mo pa kami kasama dahil sa dami ng estudyante na kasali. Alam mo namang ayokong pinag-aalala mo ako..." tiningnan naming lahat si Fred dahil sa sinabi niya.

"Este, ayaw naming pinag-aalala mo kami." pambawi nito sa sinabi nito kani-kanina lang. Nagkamot pa ito ng batok. Naputol ang usapan namin ng magsisisigaw ang mga estudyante dito, malapit na palang magsimula ang naturang event.

"Good Morning, students of Lithos Academy. This day is special...." marami pang sinabi ang MC pero nawala ang atensyon ko roon dahil bigla na lang akong napunta sa isang madilim na espasyo. Nasaan ako?

"Ito na ang panahong malalaman mo ang ibinigay na regalo sa'yo. Lagi kitang babantayan, tandaan mo yan.." sambit ng kung sinoman out of nowhere.

"Sino ka?!" pasigaw na tanong ko pero mababakas ang takot sa aking boses.

"Huwag kang matakot, ako lang naman ang iyong kambal diwa, iyan ang isa sa regalo sa'yo ng mga Bathala. Kung kailangan mo ako, sambitin mo lang ang aking pangalan..." sabi nito.

"Anong bang pangalan mo?" tanong ko.

"Eca.." yun ang huli kong narinig bago ako mahulog paibaba sa espasyong iyon, nakapikit lamang ako habang nahuhulog. Nakaramdam ako ng pag-alog kaya dumilat ako.

"Anong nangyari sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Fred.

"W-Wala, nahilo lang ako pero ayos naman na ako." sabi ko.

"No, kailangan nating pumunta sa clinic." sabi nito.

"Hindi na kailangan, tulad ng sinabi ko ayos lang ako. Saka, once in a life time lang itong event na ito." sabi ko at nginitian siya, tila natulala naman siya sa hindi malamang dahilan pero inayos naman na niya ang sarili niya.

"Guys, nagsisimula na ang pagpick ng pangalan, sino kaya ang magiging team mate ko?" pagsingit ni Aurora. Kahit ako ay kinakabahan, hindi ko alam kung sino ang mga makakasama ko. At sana, hindi nila ako ituring na pabigat dahil kaya ko ng makipaglaban, pasasaan pa't tinuruan ako ni lolo Enchong at nabasbasan pa ng mga Bathala kung hindi ko gagalingan diba.

"Naunang lumabas ang pangalan ni Ash." sambit ni Harha. Swerte naman ng makakasama ng prinsipeng ito, kasama nila yung isa sa pinakamalakas na Magi dito sa Lithos Academy. Marami pang lumabas na mukha't pangalan pero hindi ko ito kilala.

Nagulantang kaming mga magkakaibigan nang lumabas ang mukha't pangalan ko. Oo, gusto kong sumali para mapatunayan kong kaya ko ng maipagtanggol ang sarili ko, pero, ang bilis naman, saka, kalaban namin si Ash. Tadhana na ang gumagawa ng paraan para maipakitang nagbago na ako. Pero-

Ace: The Undefined One [BxB: Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon