19th Ace

456 36 1
                                    

Third Person's P.O.V

Nakarating sila sa kanilang akademya. Tanging pag-iyak lang ang magawa ni Ace dahil nabigo siyang iligtas ang kanyang anak. Lumapit ang kanyang mga kaibigan sa kanya at sinubukang patahin ang malungkot nilang kaibigan.

"Sshhh.... Tama na Ace, ginawa mo ang lahat para iligtas ang anak mo." pagpapatahan ni Harha.

"Tama si Harha, Ace, ginawa mo ang lahat.." pagsegunda ni Barbara sa sinabi ni Harha.

"Naging m-masama ba akong m-magulang para maranasan 'to?!" tanong ni Ace.

"No, hindi ka naging masamang magulang. Wala kang pagkukulang Ace, kaya huwag ka ng umiyak diyan.." saad ni Elena saka niyakap si Ace, niyakap na rin siya ng iba pa niyang kaibigan maliban kay Fred na nagtataka sa mga nangyayari.

"Uhm? Can you explain what's happening?" tanong ni Fred. Lumingon silang lahat sa kanya.

"Seriously?! Fred!! Yung kaibigan natin, hindi niya nailigtas yung anak niya dahil sa babaeng ginto!!" naiinis na saad ni Harha.

"You mean, Goldessy?! No!! Alam kong hindi siya masama, may kumokontrol sa kanya para gawin ang lahat ng-" hindi pa natatapos ni Fred ang sinasabi niya nang sampalin siya ni Ace.

"How could you?!! Oh my God!!! Fred, wake up!! Hindi mo ba nakitang muntikan na niya tayong patayin kanina?! Tapos sasabihin mong hindi ka naniniwalang magagawa niya yung mga bagay na iyon?! Bobo ka ba? O sadyang hindi mo talaga maintindihan lahat ng mga nangyayari!! Gusto mo bang iuntog ko yung ulo mo sa pader nang mahimasmasan ka?!" galit na saad ni Ace kay Fred. Hindi makapagsalita si Fred dahil sa sinabi ni Ace.

Tumalikod si Ace at paalis na sana nang tanungin siya ni Harha.

"Saan ka pupunta Ace?" tanong ni Harha.

"Home.." saad niya at biglang naglaho sa kanilang paningin. Hahabulin na sana siya ni Fred pero nakaalis na ito.

"Hayaan na muna natin siya. Saka, huwag mo ng habulin Fred. Saka mo lang malalamang nagkamali ka kung kailan nasaktan mo na siya. Sana makonsensya ka sa mga nagawa mo sa kanya." saad ni Aurora kay Ace saka umalis ang magkakaibigan at iniwan si Fred na tulala.

Nasa ganung pag-iisip si Fred tungkol sa sinabi ni Aurora nang biglang sumakit ang kanyang ulo. Biglang umagos na parang ilog ang mga alaalang nabura sa kanyang isipan.

Ang una nilang pagkikita, kung paano siya nahulog sa kanya, kung paano niya niligawan, ipinaglaban, at nakuha ang 'oo' nito, kung paano sila nakipaglaban sa mga nilalang sa bundok ng Luprasen at Lura. Naalala niya kung paano siya nakipaglaban at makuha ng isang malakas na nilalang, pati na rin kung paano niya ito pinagpalit sa babaeng ginto. Naalala niya rin kung paano tinanggal ni Goldessy ang kanyang alaala para makuha siya para gamitin ang pagiging dugong Seer nito.

Napaluha na lang si Fred dahil huli na, huli na para bawiin ang puso ni Ace. Pero naisip niyang hindi pa huli para itama lahat ng pagkakamali niya. Kaya patakbo niyang pinuntahan ang kanyang mga kaibigan.

Nagtatakang nakatingin sina Harha kay Fred dahil parang tumakbo ito ng pagkalayo-layo, kita rin nila ang mga natuyong luha sa kanyang mukha.

"Anong nangyari?" pagtatanong ni Elena.

"Naalala ko na ang lahat.." panimula ni Fred.

"What do you mean?" tanong ni Maraya.

"Naalala ko na lahat, kung paano ko nakilala si Ace, hanggang sa kung paano tanggalin ni Goldessy ang alaala ko-" naputol ang sinasabi ni Fred nang magsalita si Harha.

"Huh? So sinasabi mong all this time, hindi mo kilala si Ace dahil tinanggal ni Goldessy ang alaala mo kasama siya?" tanong ni Harha. Tumango si Fred.

Ace: The Undefined One [BxB: Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon