8th Ace

845 65 1
                                    

Hindi ko pa rin makalimutan ang ginawang pangtitrip sa akin ni Ash sa likod ng abandonadong gusali na yun. Tuwing maaalala ko yun, parang gusto kong manapak, o kaya manaksak. Kaso mahal ko pa ang buhay at pangarap ko, ayokong makulong dahil don noh.

Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga gamit ko nang sumulpot ang mga kabute out of nowhere.

"Ace, ako na bubuhat ng bag mo.." alok sa akin ni Fred.

"No, I'll be the one to carry his bag, so back off.." sabi naman ni Maraya na kung maka-english, tinalo pa ang mga kaibigan kong babae. Gosh, dadagdag pa 'tong dalawang 'to sa problema ko eh.

"I can manage, kaya no need to carry my bag, ay ano ba 'to nahawa ako sa kakaenglish mo Maraya. Anyways, ilibre niyo na lang ako.." sabi ko, hehe, para-paraan rin eh. Matapos kong maayos ang mga gamit ko ay lumabas na kami ng room para maglunch, nang madatnan namin ang girls na nakatingin sa isang direksyon, nang sundan ko ito ng tingin, nakita ko si Ash na nakasandal sa pader. Hehe, kakambal ni authornim haha.

(A/N: Huwag mo akong badtripin Ace, baka patayin na kita sa next chapter. Saka ano bang pinagsasasabi mo diyan. FYI, kalat lang ang taba ko noh..)

Asus, si otor naman, hindi mabiro. Anyways, oh, bilangin niyo ang anyways ko ah. Char. Pero ito na nga, tiningnan ko lang si Ash. Ano bang ginagawa ng isang ito dito?

"Ace, sabay tayong maglunch.." luh, himala bumait na ito, at, well, ngumiti lang naman siya ng pagkalaki-laki na akala mo mapupunit na ang bunganga nito.

"Huh? Lunch? Hoy lalaking apoy, hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo sa akin kahapon sa likod ng abandonadong gusali ha.." sabi ko na nagpalaki ng mga mata ng nasa paligid ko.

"A-Anong ginawa niyo ni A-Ash sa likod ng a-abandonadong gusali kahapon?" tanong ni Fred. Uh-oh, iba nasa isip nila, ba't ba ang dudumi ng mga utak nitong mga nasa paligid ko? Sasagot na sana ako nang hinawakan ako ni Fred sa magkabilang balikat.

"Sagutin mo ang tanong ko Ace. Anong ginawa niyo ni Ash sa likod ng abandunadong gusali?" tanong nito sabay yugyog ng bahagya. Biglang sumingit si Ash.

"Well, what if I say, we did something pleasureable thing there?" ay shuta ka Ash. Ano bang pinagsasasabi mo? Bigla akong binitawan ni Fred at pinuntahan si Ash. Kinuwelyuhan niya ito.

"Walang hiya ka Ash, anong ginawa mo?!!" sigaw nito sabay tulak. And now, marami na pong nanonood sa dramang ginawa ng mga mokong na 'to. Biglang bumaling ang atensyon ni Fred sa akin na may nagngangalit na mata.

"Totoo ba yun Ace?! Ano, sagot!! Totoo ba ang sinasabi ng lalaking 'to?!" ay galit. Ay shuta, nasa state of emergency kami eh, tatanga-tanga ka kasi Ace eh.

"U-Uhm k-kasi- a-ang t-totoo n-niyan.." futa kayo sinimulan niyo akong bwisitin eh. Tiningnan ko ang kanilang mga reaksyon, para ba silang kinakabahan sa susunod kong sasabihin lalo na si Fred at Maraya, nakita ko pang lumunok ng sunod-sunod ang dalawa. Huminga muna ako ng malalim.

"A-Ang t-totoo n-niyan..... WALA KAMING GINAWANG MASAMA!!" sigaw ko na nagpagulat sa kanila, yung iba nga eh napatalon pa eh.

"Okay, naliwanagan na kayo ha, walang nangyari sa amin ni Ash kung yun yung nasa isip niyong lahat, sadyang OA lang kayo. Hindi niyo kasi ako pinapatapos eh. Bahala na kayo diyan, aalis na ako, gutom na ako, at iba pa naman ang ugali ko kapag gutom.." sabi ko in a serious yet cold tone. Gets niyo? Kasi ako eh hindi. Hehe.

Iniwan ko silang lahat doon na tunganga, hayss, ang mga kabataan ngayon, ang dudumi ng utak, hindi kasi inaalam kung ano ang totoong nangyari.

Well, nakalimutan kong isa ako sa mga kabataang iyon, but hey, hindi ko ugali ang maniwala sa sinasabi ng iba noh, duh... I need to investigate first, investigate talaga? Pero yun na nga, kailangan kong alamin kung totoo yung balita o fake, just so you know, marami-rami na rin ang fake dito sa mundo. Konting tsismis lang, maniniwala na agad.

Ace: The Undefined One [BxB: Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon