Napunta muna kami sa kaharian ng Lapena sa harap mismo ng kanilang palasyo kaya naman agad kaming napalibutan ng mga kawal, shet ba't ang gagwapo nila, siniko naman ako ng katabi ko.
"Hoy, yung laway mo, tumutulo.." bulong naman ng katabi ko kaya pinunasan ko ang laway na tumulo mula sa bunganga ko, pero wala naman, kaya tiningnan ko si Fred na kita ang inis sa mata nito. Hindi ko na lang ito pinansin.
"Sino kayo at anong ginagawa niyo rito?!" sigaw ng isang kawal. Naker, katurn-off ha, ay, katabi ko pala jowa ko haha.
"Nandito lang naman kami para magpaalam sa inyong mga pinuno.." sabi ng katabi ko.
"Sandali lamang at amin itong ipapaalam sa aming mga pinuno.." sabi ng isa sa kanila. Jusko, hindi naman ako nainform na ang lalalim ng tagalog ng mga nakatira rito. Ilang sandali pa ay bumalik ito at sinabing pumasok kami at ipaliwanag ang ipinunta namin rito.
"Ano't napunta kayong dalawa rito sa aming kaharian?!" ay, galit lang ang peg ng hari, katakyut ha.
"Ano ba Fernando, pwede bang hinaan mo ang iyong boses, tinatakot mo ang mga bata, at natutulog si Esmeralda sa kanyang silid, siguradong magagalit na naman siya kapag naistorbo ang anak natin.." sabi ng reyna. Luh kabaligtaran naman ng ugali ng hari ang asawa nito.
"Pero ano nga't napadpad kayo sa kaharian namin??" mahinahong tanong ng reyna sa amin.
"Ahm, naparito po kami para ipalam pong mangunguha kami ng mga sangkap sa mga bundok na malapit rito, sa Bundok ng Luprasen at katabi nitong bundok, ang Bundok ng Lura.." sabi ko, nanlaki naman ang mata ng dalawang pinuno ng kaharian ng Lapena.
"Mga iho, ayos lang naman sa amin ang inyong gagawing pag-akyat sa dalawang bundok para sa inyong misyon, ngunit, mag-ingat kayo sa pag-akyat sa dalawang bundok lalo na sa Bundok ng Lura, maaaring mapahamak kayo sa inyong pag-akyat sa dalawang bundok. Saka, paalala lang, sana ay ingatan niyo ang mga puno't halaman na makikita niyo sa dalawang bundok maging ang mga hayop na naninirahan rito.." paalala ng reyna sa amin.
"Gagawin po namin ang inyong sinabi mahal na reyna, maraming salamat po at pinahintulutan mo kaming umakyat sa dalawang bundok, tutuloy na po kami.." sabi ko sabay yuko. Ngumiti lamang sila, umalis na kami roon at nagpatuloy sa aming paglalakbay.
"Pupunta muna tayo sa isang lawa malapit rito para kunin ang Balahibo ng Black Swan, tapos sabi rito, naglalabas ng pink na acid ang mga ito, mga barbie pala sila.." sabi ko.
"Hayss, siguradong mapapalaban tayo nito.." sabi ni Fred. Tumango naman ako.
"Ay teka, meron pa palang isang bagay na sabi rito, dapat din daw mag-ingat ang mga manlalakbay lalo na ang mga lalaking manlalakbay dahil sabi rito, "Looks can be deceiving??", anong connect??" nagtataka kong saad.
"Ahh, baka yung ibig sabihin niyan, huwag magpapadala sa panlabas na anyo nito, kaya dito ka lang sa tabi ko ha.." ay shuta, pati ba naman dito maghaharutan kami. Pero real talk, kailangan naming mag-ingat lalo na't may pagkamahiwaga ang bundok na ito, at ang mga naninirahan rin rito ay may kakayahan ding ipagtanggol ang kanilang sarili.
Nakarating naman kami agad sa lawang tinutukoy ng navigation pad namin, inimbento ito ng mga scientist dito sa mundo namin, parang tablet lang ang appearance nito, ang kaso lang, minsan ay tinuturo kami nito sa maling daan kaya kailangan pa nito ng final testing pero itong binigay sa amin ay galing sa Punong Marta at masasabi kong hindi pa kami nakaka-encounter ng problems dito sa navigation pad namin.
Nang makarating kami sa lawa ay wala kaming naabutang Black Swan rito. Tama naman ang napuntahan namin eh. Naku, ito na nga bang sinasabi ko eh, siguro maling place ang pinagdalahan sa amin ng Navigation Pad namin.
BINABASA MO ANG
Ace: The Undefined One [BxB: Completed]
FantasyDito nagsimula ang lahat, ang kasaysayan ng mga Magi, at ang magiting na Undefined. Ace, pinaniniwalaan ng mga nasa kasalukuyang panahon na isa siyang anak ng Diyos, si Bathala Lithos. Pero itinuturing na isang malas at salot noong panahon niya sa h...