2nd Ace

992 71 3
                                    

Bagong araw, mga bagong problema ang kailangang kaharapin, mga masasakit na salita ang kailangang marinig, mga mapanghusgang nilalang na walang ginawa kundi manghusga ng manghusga sa pagkakamali ng isa, at hindi tinitingnan ang kanilang sariling pagkakamali.

Oh, ayan, lahat ng mga nabanggit at mababanggit pa, yan ang problema ko sa mundo. Hindi ko lang talaga alam kung bakit kailangan pa nating husgahan ang isang nilalang na walang ginawa kundi ang maging mabuti. Hayss.... Hindi ko rin sila maintindihan eh.

At ngayon nga, papunta ako sa room namin, nakasalubong ko na naman ang mga mapanghusgang nilalang. Napailing na lang ako dahil doon nang may mapansin akong may pinagkakaguluhan ang mga estudyante sa isang sulok, hindi ko na sana pa papansinin, pero curious nga naman ako kung ano yun kaya ang ending, tiningnan ko rin.

Nang makita ko kung ano yun ay nagulat ako, bakit may mukha ako sa bulletin board.

"A rare case of Magi, identified, Ace, a student of Lithos Academy is the first Magi to have this case, a case where a Magi doesn't possess any magic, but possess the magic flow in the blood. This case is called 'Undefined'..." yun yung sabi, napatingin naman sa akin lahat, kung sinabi kong lahat, as in lahat talaga.

"Siya yun diba?" sabi ni girl no. 1

"Oo nga gurl, my ghad, nakakahawa ba yang case niya. Kung oo, ayokong mahawa.." sabi ni girl no. 2 na kaibigan ni girl no. 1.

Masyado naman silang judgemental, dahil ayoko ng makarinig ng mga masasakit na salita mula sa kanila. Dumiretso na ako sa room at pagpasok ko, hindi mawawala yung mga mata na nakatingin sa akin, pumunta muna ako sa upuan ni Ash at nilapag ang assignement na pinagawa niya sa akin at nakayukong pumunta sa likuran ng room kung saan ako naka-upo.

Naghintay na lang ako sa professor namin, at ilang sandali pa ay dumating na ito at kasama ang isang lalaki and I'll admit ha, gwapo rin siya, nang biglang magtama ang mga mata namin, ang cold lang ng eyes.

"Good morning class, as you can see, may kasama ako, and magiging kasama niyo siya sa buong school year.." sabi ni Ma'am.

"Ahm, miss, may kasama pa po akong apat, may pinuntahan lang po pero parating na rin po.." sabi niya. Ang husky ng voice eh. Rinig ko naman ang pagpigil ng tili ng mga girls and gays dito sa amin. Seryoso, makakita ng gwapo, tili agad. Maya-maya ay may pumasok na apat na babae, ang gaganda nila. Yung mga boys, hindi ako kasali, pati si Ash, ay kita sa mga mukha nila na nagandahan sila. Ganda din eh.

"Good morning po.." bati nila kay ma'am.

"Magpakilala muna kayo.." sabi ni Ma'am. Lumakad si cold eyes man sa harap.

"Good morning, name is Maraya, Prince of Atlanta.." simple pero ang lakas ng dating sa mga kaklase ko. Grave lang siya. Lumakad naman si Golden haired girl sa harap.

"Good morning, I'm Barbara Evans, from Garten de Gilton, I'm a half-blooded Nephilim, and light fairy, hope we can be friends.." masayang saad nito.

"Ako naman po si Elena Joy Madrigal, from the kingdom of Atlanta, I'm a pure blooded mermaid. Sana maging close tayo.." sabi naman nito sabay ngiti.

"Ako naman si Harhalaena Yressia, from the kingdom of Ilias de Irama, and I'm princess, half-blooded vampire, and Mage. Good day.." sabi nito at lumakad na papunta sa dating pwesto.

"And of course, I'm Princess Aurora Jane Dela Tore from the kingdom of Methos, I hope maging friends tayo.." sabi nito at ngumiti.

"Okay, thank you, you can sit there at the back, katabi ni Mr. Ace.." sabi ni ma'am, itinaas ko naman ang kamay ko, baka lang naman hindi nila ako kilala. Lumakad sila papunta sa akin, nakangiti silang tumabi sa akin.

Ace: The Undefined One [BxB: Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon