Walang pasok ngayong araw, may biglaang meeting daw tungkol sa Magic Rumble na gagawin sa susunod na araw. Kaya ayun nga, uuwi ako ngayon sa amin, ay, hindi, sa tinutuluyan kong bahay, hindi ko naman talaga bahay yun, bahay yun ng kumupkop sa akin nung naglayas ako sa nga umampon sa akin.
Nang makarating sa bahay ay kumatok kaagad ako na agad namang akong pinagbuksan at bumungad sa akin ang mukha ni lolo, si Lolo Enchong. Niyakap ko kaagad si lolo at binati.
"O, napadalaw ka apo?" sambit ni lolo.
"Eh, wala pong pasok eh, saka, gusto ko pong magpractice ng simpleng spells, mga ganung bagay po kasi may labanang magaganap sa school sa susunod na araw. Eh, alam niyo naman pong wala akong magic." sabi ko.
"Eh, kung ganun, pumasok ka muna, saktong-sakto, nakaluto na ako ng paborito mong adobo.." sabi niya at pumunta sa kusina para kumuha ng pagkain. Kung hindi niyo naitatanong, siya lang mag-isa sa mansion niya, you read it right. MANSION. Minsan, tinanong ko siya kung bakit mag-isa lang siya dito, yung sagot niya lang, iniwan na daw kasi siya ng pamilya niya kaya ayun, nung nakita niya akong palaboy-laboy sa daan, pinatuloy niya ako, tinuring niya ako bilang apo.
Nang nakahanda na ang pagkain ay sabay na kaming kumain ni Lolo. Masaya kaming nagkukwentuhan, naikwento ko sa kanya lahat ng mga nangyari sa school.
"Apo, gusto mo bang turuan kita ng magic, alam ko, may magic kang taglay, nakatago lang diyan sa kailaliman ng puso't diwa mo, ramdam ko yun, kung papayag ka, magsisimula na tayo pagkatapos nating kumain." sabi nito, nagliwanag ang mukha ko dahil sa sinabi ni Lolo.
"Talaga ho?" hindi ko makapaniwalang tanong.
"Syempre, alam mo, sa tingin ko, hindi lang ikaw ang nakakaranas ng ganyang paghihirap. Hindi lang ikaw ang nagdudusa sa kamay ng mga mapanghusgang nilalang, kaya bilang Lolo na mahal na mahal ang kanyang apo, hindi ko papayagang masakatan ka ninuman." sabi nito, napayakap na lang ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
"O siya, tama na ang drama, lumalamig na ang pagkain natin.." sabi ni Lolo sabay tawa.
Matapos kumain ay pumunta muna ako sa garden, ang ganda kasing tumambay dito. Puno ng mga magaganda't makukulay na bulaklak.
Nang biglang makaramdam ako ng hilo, at sakit ng ulo, parang binibiyak ito. Sobrang sakit, hanggang sa maramdaman kong bumagsak ako sa malamig at basang damo.
-----------------------
Maliwanag, pero maganda, parang paraiso, parang langit. Wait?
Langit?
Langit?!
LANGIT?!!
Nasa langit na ba ako? Patay na ba ako? Ito na ba yung Magarta, pero-
"Maligayang pagdating sa Magarta bata.." sambit ng kung sinuman mula sa likuran ko. Pagkaharap ko ay nakita ko ang anim na naggagandahan at naggagwapuhang nilalang sa aking harapan. Lumuhod ako bilang pag-galang.
"Ahm... Patay na po ba ako?" tanong ko, alam ko namang sila ang mga Diyos at Diyosa ng bawat kaharian sa Magica kaya hindi ako tumayo hangga't hindi nila sinasabi.
"Tumayo ka na diyan.." sabi ni Diyosa Eira.
"Gusto lang naming sabihing mag-iingat ka lagi, at huwag susuko, pinapanood namin ang mga nangyayari sa buhay mo, at masasabi kong mahirap nga, pero nagpakita ka pa rin ng katapangan. Alam mo, swerte ang mapapangasawa mo, kasi sobrang tatag mo sa anumang bagay.." sabi ni Bathala Hirai. Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. Gwapo rin neto eh, hihi.
BINABASA MO ANG
Ace: The Undefined One [BxB: Completed]
FantasyDito nagsimula ang lahat, ang kasaysayan ng mga Magi, at ang magiting na Undefined. Ace, pinaniniwalaan ng mga nasa kasalukuyang panahon na isa siyang anak ng Diyos, si Bathala Lithos. Pero itinuturing na isang malas at salot noong panahon niya sa h...