7th Ace

858 67 4
                                    

Matapos rin ang mahabang araw na puno ng lecture ay uwian na nga, at ewan ko ba sa dalawang lalaking kaibigan ko, yeah, si Maraya at Fred, para silang ewan. Kapag sabay-sabay kaming naglalunch, nagtatalo sila kung kanino ako tatabi, kaya ang ginagawa ko, tumatabi ako kay Elena, o kaya kay, Aurora, basta hindi sa kanilang dalawa para walang gulo. Tapos nagtatalo pa sila kung ano daw ang kakainin ko, kung yung dala ba ni Fred o yung binili ni Maraya, ang hirap pala ang pag-agawan.

(A/N: Grabe ka Ace, like father like son, si Silver din pinag-agawan. Sana ol.)

Mainggit ka, author na walang jowa. Saka sino ba yang sinasabi mong Silver otor? Anyway, lunch na nga, at buti wala yung dalawang asungot, agad silang umalis kanina. Mukhang may balak sila ngayon huh.

Pumunta muna akong locker para kunin ang mga gagamitin kong libro, at iwan ang mga bagay na hindi na kailangan pa. Nasa ganung pag-aayos ako nang biglang may nanghawak sa akin at ikinulong ako gamit ang kaniyang braso na nasa kaliwang side ko. Barkada ni Ash, yung gwapo rin, si Phil.

"Anong problema mo?" tanong ko sa kanila. Napangisi naman siya ng nakakaloloko.

"Ikaw. Ikaw ang kailangan ko.." sabi nito, tapos bigla akong hinila sa C.R malapit sa locker tapos doon ako hinalikan ng marahas. Pilit ko siyang itinulak.

"Ano ba!! Hayop ka!! Huwag kang lalapit sa akin rapist ka!!" sigaw ko.

"Yan ang gusto ko, wild at palaban.." sabi nito, bigla niyang inilabas ang lubid na nagliliwanag, bigla niya akong hinila kaya nagpumiglas ako. Itinali niya ang nagliliwanag na lubid sa akin, at bigla akong nanghina sa di malamang dahilan.

"Totoo nga ang sinabi ni Papa, pinapahina ng lubid na na yan, hindi lang ang kapangyarihan kundi pati ang katawan ng nakatali rito." sabi nito habang tumatawa na parang manyak. Ay hindi, manyak talaga siya. Nagsisigaw ako para may tumulong sa akin pero wala. Bigla niya akong pinadapa sa sahig na basa. Kadiri, pero wala na akong time para mandiri, kailangan kong makatakas rito. Nagpumiglas ako pero sinuntok niya ako ng tatlong beses sa likuran.

"Huwag ka ng maarteng puta ka!!" sigaw nito sa akin. At dito dahan-dahan niyang hinuhubad ang suot kong saplot. Nang biglang bumukas ang pinto ng C.R at dito ay narinig ko na lang na may nagsusuntukan.

"Hayop kang lalaki ka, rapist ka!! Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo!!" sigaw nito tapos bigla na lang sinuntok si Phil, pinilit kong umupo. At nagulat ako sa aking nakita. Iniligtas ba ako ni......... Ash?

"Umalis ka na dito, baka mapatay pa kita!!" sigaw nito at nagtatakbo naman palabas si Phil. Kinalagan muna ako ni Ash mula sa pagkakatali ko.

"Ikaw naman, hindi ka nag-iingat... At bakit hindi ka lumaban, diba natalo mo ako sa Magic Rumble, samantalang dito hindi mo kayang matalo ang pipityuging iyon?" sersyoso ngunit bakas sa boses nito ang pag-aalala. Seryoso??!! Ang isang Ash Dela Cruz, mag-aalala sa akin?! Gosh, I can't take this anymore!!

"Salamat pa rin sa pagliligtas sa akin.." pagpapasalamat ko sa kanya.

"Huwag kang magpasalamat kasi, hindi kita niligtas, tinuruan ko lang ng leksyon ang gago. Sige na, pumasok ka na sa klase mo kasi tapos na ang lunch.." sabi nito, hala, hindi na ako nakapaglunch. Hayaan mo na nga. Aalis na sana ako nang hawakan ako ni Ash sa braso na nagpatigil sa akin. Tiningnan ko siya with a confusing look.

"Eto, alam kong gutom ka.." sabi niya sabay abot ng cupcake at juice.

"Hindi ako gutom salamat.." pagkasabi ko non.

"Jdkwkqgxvk" tunog ng tiyan ko.

"See, you're not hungry but your stomach does. Kaya kunin mo na 'to, bago pa ako magbago ng isip at bugbugin kita.." pagkasabi niya nun ay agad kong kinuha iyon at nagtatakbo palabas dahil sa takot. Nagpalit na lang ako sa ibang C.R.

Ace: The Undefined One [BxB: Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon