Third Person's P.O.V
Nang idilat ni Ace ang mga mata niya ay bumungad sa kanya ang pamilyar na lugar. Magarta...
Patay na nga talaga ako, sa isip ni Ace at napangiti ng mapait.
"Marami akong maiiwan sa lupa, alam kong maraming masasakit na pangyayaring nangyari sa akin sa lupa and hindi natin maiiwasang mangyari iyon. Pero kahit ganoon, marami akong masasayang alaala sa lupa na I will cherish talaga." saad pa nito sa sarili.
Hindi niya namalayang tumutulo na pala ang masaganang luha sa kanyang mga mata. They say that maaalala mo lahat ng mga ginawa mo sa lupa kapag namatay ka na at sa tingin nga niya'y totoo ito dahil naalala niya lahat ng masasaya't masasakit niyang alaal sa lupa.
"Hindi ko na makikita ang mga ngiti ng aking mga mamamayan, mga batang masayang naglalaro, pati mga kaibigan ko, ang anak ko. I guess, I'll never meet them again." mapait niya pang saad
Nasa ganun siyang pagdadrama nang may bulto sa harapan niya ang lumitaw. Si Bathala Lustin.
"Huwag ka ng umiyak, hindi ka pa naman patay.." kumunot ang noo nito sa narinig.
"Gaga ka Ace, hindi ka patay, sadyang OA ka lang." malokong saad ni Diyosa Eira. Mas lalo pang naguluhan si Ace kaya naman pinaliwanag niya ang mga nangyayari.
"Diba sinaksak ka ng anak mo?" tanong ni Diyosa Eira na ikinatango nito.
"Tapos nagliliwanag katawan mo?" tumango ulit si Ace.
"Si Bathala Lustin ang nagsummon sa iyo. Saka hindi ka pa talaga patay, iniligtas ka namin sa bingit ng kamatayan. Kasi yung isinaksak sa'yo ng anak mo ay may halong lason galing sa Golden Viper. Makamandag iyon at mabilis kumalat sa buong sistema ng katawan niyong mga mortal. Pero dahil nga nasa Magarta ka, kaya ka mabilis gumaling at nagrecover. But, may dahilan kung bakit ka nasummon dito at ipapaliwanag iyon ni Bathala Lustin." mahabang saad ni Diyosa Eira. Tumikhim muna si Bathala Lustin bago magsalita.
"Kaya ka nandito ay hindi lang dahil para iligtas ka, pati na rin biyayaan pa ng isang anak. Sa sinapupunan mo ito manggagaling, at sa oras na manganganak ka ay may liwanag na lalabas sa sinapupunan mo. Ang anak mong iyon ang magpapatuloy sa misyon mo, kaya pagkapanganak ay mamalagi muna siya ng isang araw kasama ka Ace saka siya iiwan sa lupa sa Lapena upang mabuhay ng normal. Alam kong magiging mahirap ang mawalay sa iyong anak pero isa itong pagsubok para sa inyong dalawa. Sa ngayon, dito ka muna sa Magarta hanggang sa dumating ang ika-labing limang taong pagkapanganak ng anak mo. Babasbasan ka namin ni Lithos.." natahimik si Ace nang marinig ang tinuran ng Bathala, at naging seryoso ang mukha nito nang marinig ang kanyang ama.
BINABASA MO ANG
Ace: The Undefined One [BxB: Completed]
FantasyDito nagsimula ang lahat, ang kasaysayan ng mga Magi, at ang magiting na Undefined. Ace, pinaniniwalaan ng mga nasa kasalukuyang panahon na isa siyang anak ng Diyos, si Bathala Lithos. Pero itinuturing na isang malas at salot noong panahon niya sa h...