Ace's P.O.V
Nagising ako sa isang puting kwarto. Nasa clinic ba ako? Naalala kong nagtake-over si Eca sa katawan ko. Naramdaman kong may nakahawak sa kamay ko.
"Ace! Buti gising ka na!! Pinag-alala mo ako, pinag-alala mo kami.." sabi ni Fred, lately, he's acting weird. Sa bagay, ang weird niya rin noong makilala ko siya.
"Saan sila Harha?" tanong ko.
"Nasa arena, kasalukuyan ang laban.." sagot nito.
"Eh ikaw? Wala ka bang laban?" tanong ko. Ngumiti muna ito sa sumagot.
"Katatapos lang, alam mo bang ang cool mo kanina doon sa field kanina. Para ka talagang pro warrior.." sabi nito. Wala akong naaalalang ganon, basta ang huli ko lang na naalala ay nagtake-over si Eca sa akin yun lang.
"Well, thank you at sorry rin kasi nga hindi ko napanood yung laban mo pati laban nila." sabi ko.
"Okay lang yun, at sigurado akong maiintindihan nila iyon kasi kailangan mong magpahinga." ang sincere nitong saad sabay ngiti, may kung ano sa mata niya na hindi ko mabasa. Bahala na nga.
"Ano, nagugutom ka ba? May masakit ba sa'yo? Ano Ace sumagot ka, please su-" hindi ko na siya pinatapos sa kanyang sinasabi nang batukan ko siya.
"Aray naman Friko, nakaratay ka na nga diyan, sadista ka pa rin. Iba ka talaga Friko, ibang-iba." heto na naman ang kadramahan ng mokong, yung totoo, may sayad ba 'to sa utak?
"Tse, manahimik ka diyan, pero gusto ko ng footlong, namiss ko ng kumain nun eh.." sabi ko.
"Sakto, may dala akong footlong, dalawa naman yun so, sabay na tayong kumain.." sabi ni Fred, tumango naman ako. Kinuha niya ang isang paper bag malapit sa bag niya. Inilabas niya doon ang footlong, sabay naman na kaming kumain habang nagkukwentuhan.
"Ay oo nga pala, matagal na tayong magkaibigan pero hindi ko pa alam kung ano ka, sino ka, o kaya saan ka nanggaling.." saad ko.
"Well, nanggaling ako sa sperm at egg cell ng mga-"
"Gago alam ko na yan, what I mean is, kung saang angkan, pati yung mga magic et cetera et cetera.." iba rin 'tong lalaking 'to.
"Ganito kasi yan, galing ako sa angkan ng mga Seer, pero bukod sa pagiging seer ay may affinity ako ng Ice, sub-element ng water." sabi niya.
"Ay ganun, edi malalakas din ang mga nasa angkan mo?"
"At gwapo..." dagdag nito sa sinabi ko.
"Whooo, mahangin is real, signal number 4.." sabi ko.
"Tsk, totoo naman eh, marami na kayang nababaliw sa mukhang 'toh." sabi niya.
"Sa bagay, baliw ka rin naman.." sabi ko sabay hagalpak sa tawa. Sumimangot naman siya dahil sa sinabi ko.
"Aww, ang sweet naman ng dalawang 'toh. Bilis, ifilm mo.." rinig na rinig ko ang bulungan sa labas. Naku Harha.
"Harha!!" sigaw ko. Natatawang pumasok sina Harha. Niyakap nila ako isa-isa. Maliban kay Maraya na ngayon ay parang makakapatay na ng tao dahil sa mga titig nito. Naku lang ha, kung hindi lang malaki ang katawan mo, nabatukan na kita. Kaso natatakot ako na baka kapag isang pitik lang nito sa akin, baka tumilapon ako.
"E-Ehemm... Ace? May gusto ka pa bang kainin bukod sa footlong ko? Baka gusto mo ring kainin pati itlog ko?" ay ewan ko ba sa lalaking 'toh. Umoo na lang ako kasi gusto ko ring tikman ang luto niya. Hehe. Pero parang may iba sa pagkakasabi niya nun. Hmm? Bahala na nga. Umalis na si Fred, baka magluluto.
BINABASA MO ANG
Ace: The Undefined One [BxB: Completed]
FantasyDito nagsimula ang lahat, ang kasaysayan ng mga Magi, at ang magiting na Undefined. Ace, pinaniniwalaan ng mga nasa kasalukuyang panahon na isa siyang anak ng Diyos, si Bathala Lithos. Pero itinuturing na isang malas at salot noong panahon niya sa h...