17th Ace

448 42 0
                                    

Harha's P.O.V

Nandito kami ngayon sa gitna ng gubat, ang tataas naman kasi ng mga puno dito. Kanina pa kami naglalakad, hanggang sa tumigil kami sa isang harang, gawa ito sa kahoy at napapaligiran ng matataas na puno.

Lumingo sa akin si Ace, bigla niya akong hinawakan sa ulo, lumiwanag ito ng kulay blue, nagtaka ako, para saan iyon?

"Para maalala mo lahat ng mga nangyari sa lugar na ito, nilagyan kasi ni Bathala Lustin ng spell ang buong lugar na kung sinuman ang pumasok dito sa Hinayan eh hindi nito maaalala ang mga nangyari." pagpapaliwanag nito. Tumango na lang ako, humarap siya sa harang, itinaas niya ang kanyang kanang kamay. Lumiwanag ulit ito ng kulay asul.

"Perto al hiyan, Si met oria.. (Portal of Sun, I open thee..)" pagsambit niya.

Nagbukas ang isang portal, kulay ginto ito, pumasok na si Ace sa loob, sumunod naman na ako. Pagkalabas ko ng portal ay bumungad sa akin ang napakalawak na lupain, mula dito ay tanaw ko ang isang bahay. Hindi, sa tingin ko'y mansyon, shuta ang layo.

"Welcome sa Hinayan.." saad niya ng nakangiti. Ngumiti naman ako pabalik sa kanya. Hinawakan niya ako sa balikat at nagteleport kami sa mansyon, napakalawak naman talaga nito.

"Hindi ako dito tumitira, dun ako sa may kubo malapit sa sapa dito, katamad maglinis ng mansion noh, saka ako lang mag-isa.." sabi niya habang tumatawa.

"Sandali, may sasabihin ako sa'yo.." pagsisimula niya.

"Ano yun?" tanong ko.

"Baka anumang oras, matatanggal ang alaala ng lahat tungkol sa labanang nangyari sa amin ni Haedaeus, pero ang maaalala lang nila ay may dumukot sa akin." saad nito.

"Pero ikaw lang ang makakaala ng lahat ng mangyari kasi nandito ka sa Hinayan, may basbas ng mga Bathala ang lugar na ito." tumango-tango ako.

"At, ang isang linggo sa outside world ay isang taon dito kaya naman marami tayong time para mag-ensayo, alam ko, kay kakaiba sa babaeng ginto, hindi ako naniniwalang kinalimutan ako ni Fred, kailangan nating maghanda.." saad nito. Nagulat naman ako sa sinabi niya, hindi sa kung ano ang pagkakaiba ng oras dito at sa labas kundi tungkol sa babaeng ginto. Hindi gumana ang kapangyarihan kong bumasa ng aura.

"Hindi ko rin nabasa ang aura niya, I know she concealed it para hindi mabasa ng kung sinuman ang kanyang mga balak o ang totoo niyang kulay." saad nito.

Pumasok na kami sa mansyon, napakaganda ng design, hindi ko alam kung paano ieexplain, pero maganda talaga.

"Pumili ka na lang ng kwartong gusto mo. Huwag kang mag-alala, idadala ko na lang mamaya yung mga gamit na gagamitin mo." saad nito at umalis na.

~~~

Third Person's P.O.V

Samantala, hinahanap na rin nila Aurora si Harha, three weeks na siyang nawawala. At sa tatlong linggong iyon, tatlong taon na ang nakalipas sa Hinayan, at sa tatlong taong iyon ay nag-ensayo lang sila ng nag-ensayo.

Dumadami na rin ang mga tao sa Hinayan, at si Ace ang may likha sa kanila, at nag-alaga katulong si Harha. Sa una ay nagtaka si Harha kung paano nagkaroon ng tao sa Hinayan, ang sabi ni Ace ay sa tulong ng mga medium at ng Tree of Life ay nagkakalikha siya ng mga Magi, binasbasan daw iyon ni Bathala Lustin at Lithos.

Nagkaroon na rin si Ace ng sarili niyang anak, iyon ay si Diamond Gemstone at si Goldyphille Goldenwire. Si Diamond na kayang kontrolin ang mga gemstones samantalang si Goldyphille naman ay maykakayahang kontrolin at gawing ginto ang lahat ng metal na gustuhin niya, hindi dapat kasama sa kakayahan niya ang gawing ginto ang mga metal, pero isang aksidente ang nangyari, nabuhusan ng natunaw na ginto ang medium niya, kaya naging abnormal ang case niya.

Ace: The Undefined One [BxB: Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon