1st Ace

1.4K 76 3
                                    

Naglalakad ako sa kahabaan ng hallway, nandiyan na naman yung mga mapanghusgang tingin ng mga Maging may kapangyarihan. Oo, isa akong Magi, nag-iisang Maging walang kapangyarihang taglay kaya buong buhay ko, hindi ko man lang maranasang sumaya, ulila ako, yung mga nag-ampon sa akin, puro sampal, suntok, at pang-aalipusta lang rin ang aking natanggap, kaya lumayas ako sa kanila. Wala na akong pakialam sa kundisyon nila ngayon, dahil ang iniisip ko nalang ngayon, ay kung paano ako mabubuhay sa mundong puno ng mga mapanghusga. In other words, mga judgemental, mga nilalang na akala mo sila na ang superior na namumuno pero nakakalimutan nilang meron pa ang Diyos na lumikha sa amin. Hindi ako sumasamba sa kahit kanino man maliban sa mga Diyos na lumikha sa aming mundo, ang mundo ng Magica.

Oo nga pala, ako si Ace, no last or middle name, just Ace, wala rin namang pake ang mga umampon sa akin ang pagkakaroon ko ng pangalan. Kaya ang ending, Ace lang ang natatangi kong pangalan.

Pumunta ako sa locker roon para kunin ang mga librong kailangan ko at iwan ang mga gamit na hindi ko kailangan. Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng may nagbato sa akin ng kung ano, papel? Binuksan ko ito at may nakasulat.

Weakling. You don't belong here..

Yun yung nakasulat, hayys, nakakapagod na ang ganito, pero hindi eh, kailangan kong maging matatag. Hindi ako magpapatalo.

"Huwag mo na lang silang pansinin Ace, magfocus ka na lang sa mga bagay na kailangan mong gawin." Sabi ko sa isip ko.

"Hey, weakling, akala ko ba hindi ka na papasok sa school na ito? This school is for all of those superior beings, unlike you, powerless, poor, ugly Magi. You don't deserve the kind of treatment that the school is offering for you.." sabi ng isang bully sa akin. Napabuntong hininga na lang ako at nagdire-diretso nang may humarang na naman sa dinadaanan ko. Huwag muna ngayon..

"Where are you going Magi?" tanong ng isang bully, si Ash, ang prinsipe ng kaharian ng Astherna. Siya ang nambubully sa akin since freshman ako. Ibig sabihin, magfo-four years na niya akong binubully.

"Answer my question or else-"

"Or else what, Mr. Dela Cruz, ano naman ang gagawin mo sa akin ngayon. First day na first day, mambubully ka na naman, wala ka bang magawang matino sa buhay mo??!!" sabi ko, syempre sa isip, ay oo nga pala, kung wala akong magic na taglay, eh bakit hindi nila mabasa ang isipan ko. Well, wala na akong pake doon.

"P-Pupunta na sa r-room." simpleng saad ko.

"Okay, but see you after lunch, may pag-uusapan tayo.." sabi nito at umalis. Hayyss, heto na naman ako, magiging utusan ng crush ko. Yeah, sa four years na pagiging bully niya, magfo-four years ko na rin siyang crush.

Bisexual kasi ako, 55% nagkakagusto ako sa lalaki, and the rest, sa babae na, my ghad, alangan namang magkagusto ako sa hayop, hindi ako ganun.

Nagsimula na nga ang klase, well, ayun na naman si Ash, late na naman sa klase, kaya ang ending, napagsabihan siya na huwag na uulitin, first day of school naman kaya walang punishment.

"Okay class, I am Ms. Hagupitan, and I will be your Ancient Magics teacher and your class adviser. So, bago tayo magsimula, magpakilala na muna kayo, let's start dun sa boy sa likod." sabi ni ma'am and obviously, ako yung tinutukoy niya kasi ako lang naman ang nakaupo sa likod. Tumayo ako at nagsimula ng magpakilala.

"Good morning, name is Ace, no last nor  middle name, just Ace, my magic. Wala, walang magic, that's all.." pagpapakilala ko, hindi na nagulat ang mga classmates ko maliban sa teacher ko.

"Thank you, but one question, Mr. Ace, paano mo nasabing wala kang magic, kung ramdam ko ang magic flow diyan sa dugo mo?" tanong ni ma'am.

"I don't even know ma'am, maybe, it's normal para sa isang Magi.." sagot ko. Hindi ko nga rin alam kung bakit ganun eh.

Ace: The Undefined One [BxB: Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon