=== Ipinakita ang ending episode ng G-mik ( FLASHBACK........) ===
Roni: Ohhh no!!!! ( nagising at napaiyak)
Yuan: ( kumatok sa kwarto ni Roni) Roni... ok ka lang? Napano ka?
Roni: Pasok kuya.
Yuan: 'Bat ka umiiyak? ano ba nangyari saiyo?
Roni: Ang sama ng panaginip ko kuya...
Yuan: Bakit? ano ba yang napanaginipan mo?
Roni: Ehhh.., nagwatak-watak ang barkada natin.., ang daming dramang nangyayari, mga misunderstanding at ang gulo! Ang masama pa nun, ehhhh ikinasal daw kami ni Basti...at ang masaklap kahit sa panaginip man lang, di parin nagpaparamdam si Borj! kuya... si Borj lang ang wala sa panaginip ko....ano ba yan! nakakainis na siya..
Yuan: ( niyakap ang kapatid)..ok lang yan Roni...kahit ako, namimiss ko narin yung mukong yun! nagtatampo na nga ako ehh... kaso, kahit anong tampo at inis natin sa kanya, wala paring magbabago...
Roni: Nasaan na kasi si Borj!
Yuan: huwag ka ng umiyak Roni. Alam mo, sabi nila ang panaginip daw ay kabaliktaran ng mangyayari sa totoong buhay..tingnan mo, paano maging Mr mo si Basti, ehhh hiwalay na nga kayo...Oo, nagkakawatak watak na nga tayo pero may contact at connection parin tayo sa isa't isa at ,MAGKAKAIBIGAN parin tayo ng barkada natin... ( napahina ang boses) di ko lang alam kay Borj.. ( napabuntong hininga ang magkakapatid). Sige, itulog mo na yan, maaga pa tayo bukas...
Roni: Salamat kuya...payakap ulit... ( nagyakapan ang magkakapatid). Kuya, alam mo ba kung nasaan na yung diary ko?
Yuan: Kailan ka ba huling nagsusulat ng diary mo?
Roni: Di ko na nga maalala..Kasi tagal na rin akong di nagsusulat. Siguro before college graduation ehhh tumigil na ako kasi naging abala narin ako sa pag-aaral.
Yuan: Ahhh.., baka nasa attic lang yun, diba lahat ng lumang gamit natin andun lang...I'm sure andun lang yun...kaya bukas mo nalang yun hahanapin...ok? matulog na tayo, maaga pa tayo bukas...Narrated by Roni:
After graduation sa College, nagbago ang lahat. May kanya-kanya na kaming mga journey sa buhay. Of course, alam niyo na.. hindi na kami bata, need na namin harapin ang totoong buhay na hindi umaasa sa magulang.
Kami ni Kuya, andito parin kami sa tahanan namin. Si kuya ang nag-mamanage sa restaurant namin habang sila mommy, daddy, at John Paulo ( JP) ay nasa States para sa family business nila daddy, pansamantala.
Ako naman, may sarili ng cafe. Tinulungan ako ng parents ko na magkaroon ng sarili kong business since mahilig naman ako mag-bake at magluto, dahil yan sa pera na bigay ni Lolo kay daddy.
Hindi nagtagal ang relasyon namin ni Basti kasi masyado na siyang seloso at naging bayulente. Dahil dun, nasasakal na ako at nasasaktan( physically). Nung una, tiniis ko lang kasi nanindigan ako sa desisyon ko na piliin siya. Hanggang sa natauhan ako, na mismo ang kuya Yuan ko ang nagtanggol sa akin at sinuntok niya si Basti nung nakita niya kami na sinasaktan ako. Mula nun, ang huling balita ko kay Basti may iba na siya ( agad-agad). Simula nun, di na siya nagpapakita sa amin.
Si Kuya Yuan, hayon, single din tulad ko...hahaha. Di nag work ang LDR nila ni Missy. Noong una, maganda ang takbo ng relasyon nila kahit nasa Canada si Missy. Pero nung naglaon, ehhh parang minsanan nalang usap nila hanggang sa wala na silang connection. Di ko nalang tinanong si kuya kung ano ang dahilan dahil mahirap naman talaga ang LDR. Tapos, pareho pa silang busy. Kaya yun si Kuya, nag focus nalang sa restaurant namin dahil wala sila daddy.Yung bestfriend ko naman si Jelai, nasa Cebu na! siya na yung nag-mamanage sa business ng daddy niya kasama sina Tita Marla, si Niko at ang bago niyang kapatid na si Angelo. Sumama din pala si Yaya Medel dun kasi may bago na siyang alaga. Wala na kasi si Kuya Troy, yung kapatid ni Yaya Medel. Kaya sina Jelai nalang ang naging pamilya ni Yaya ngayon.
Dahil nasa Cebu sila Jelai, malayo din yun! Hindi narin kami masyadong nag-uusap dahil sa trabaho. Ehh si Junjun andito sa Manila. Hindi rin nag-work ang relasyon nila dahil puro sila busy. Si Jelai may business sa Cebu, ito namang si Junjun may mga gigs. Puro walang oras sa isa't isa.Si Junjun ang naghanapbuhay para sa pamilya niya. Dahil sa mahal niya ang pagiging musikero, tinuloy parin niya ang nakasanayan niya. Naghahanap siya ng mga rakets para magkapera. Yung kurso niya, di niya nagamit dahil sa pag-focus niya sa banda. Yung mga kapatid naman niya, si Ate Cherry at Kuya Pax., ayun! nasipag-asawa na.. kaya sila mommy at daddy na niya kasama niya pati narin si Mafi. Pero tumulong parin si Ate Cherry sa mga gastusin nila dahil nakakaluwang naman ito sa buhay. While si Kuya Pax naman, ayun! naging matinong asawa at ama sa pamilya niya... nagtatrabaho para pamilya niya. Hindi pa talaga sila gaanong kaluwag-luwag sa buhay hindi kagaya noon. Hindi tulad ng bestfriend ni Junjun noon at bestguy friend ko dati na si Tonsi. Hayun! inikot na ata ang mundo sa kakapasyal kasama parents niya. Daig pa niya ang navigator kung makapaglakbay.
Si bestguy friend Tonsi, ang huling balita ko nasa UK siya, base sa FB status niya. Nakapagtapos siya ng Literature sa UK. Pinagpatuloy niya ang pag-aaral niya dun after sa aming graduation dito. Gusto na ata niyang panindigan ang pagiging Shakepeare niya...hahaha. Naalala ko tuloy si Borj, na akala ko siya si Shakespeare. Para rin kasing magkadikit tong dalawang to.. pareho ko silang manliligaw noon.
Speaking of Borj! ang huling balita ko sa kanya ehh, pumuntang States kasama ang Lolo't Lola niya sa mommy niya. Pero sila Lolo't lola ehh paminsan minsan umuuwi naman dito, pero hindi kasama si Borj. Siguro kinalimutan na niya ako. Wala na kasi akong balita sa kanya, kahit si kuya Yuan. Wala bang social media sa lugar nila? Noon, may connection kami pero friendster pa kasi yun... wala ba siyang FB? twitter or kaya'y IG para mai-follow ko naman siya. Kung andito naman kasi sila Lolo't lola ehh busy kami at busy din sila sa mga ganap nila..di rin sila magtatagal kung uuwi sa Pinas, so walang time talaga para magkakita kami.. matagal tagal narin sila di nakakauwi sa Pinas, kumusta na kaya sila?

BINABASA MO ANG
G-Mik REUNION ( The Unfinished Business)
FanfictionThe story is about the continuation of a group of friends since they were young. After their College graduation, they were all separated apart. How they manage their lives in the reality of life and how they handle things as a matured beings. Afte...