*** Normal days but lot of news!!!***

331 22 0
                                    


Nagsisiuwian na sila Junjun, Tonsi, at Jelai kasama ang bf niya sa kani-kanilang mga lugar....Habang ang magkakapatid na Salcedo ay balik na din sa normal routine nila.. Naging madalas na ang kanilang tawagan ng magbabarkada simula noong homecoming...lalo na't si Tonsi ay nasa Makati na nakatira kasama ang daddy niya at ang bagong pamilya nito..

Si Roni naman, simula noong nalaman nila na babalik si Borj this year, bago pumasok at pagkatapos ng trabaho ay dadaanan niya ang bahay nila Borj kung andyan na ba ito.Pero, bigo ang dalaga, ni anino nito ay di parin niya mahagilap.

===Roni's cafe scene===
Tumunog ang kanyang telepono.
Roni: Hello Tonsi! kumusta?
Tonsi: Hi Roni! ok lang..ikaw kumusta? may balita ka na ba kay Borj?
Roni: Negative parin. Napatawag ka...
Tonsi: Ahhh.., I have a good news! may trabaho na ako sa university na malapit lang diyan...
Roni: Wow!!! congratulations Tonsi! I know makukuha mo yung position as a professor sa literature...diyan kasi ikaw magaling! 
Tonsi: Thanks Roni.. Hmmm..can I ask you a favor?
Roni: Sure! ano yun?
Tonsi: I need a place to stay... may mga condos/apartment ba diyan na malapit sa village natin? 
Roni: Di ko rin alam ehh.., pwede naman tayo pupunta sa home-owners community at magtanong tanong tayo kung may available property ba dun. Mag-rerent ka ba?
Tonsi: Hindi. I am going to buy the property. May ipon naman ako.
Roni: Ahhh ok.. daan ka dito sa bahay sa weekend.. mag-iinquire tayo.
Tonsi: Sige, I'll message you when I'm in my way...salamat.
Roni: Ok lang... ikaw pa!

===At Charlie's restaurant scene===
Habang nasa opisina si Yuan para sa mga paperworks ay biglang tumunog ang kanyang phone.

Yuan: Ohhh.., Junjun! kumusta?
Junjun: Ok lang pare... napatawag pala ako para tanggapin yung alok mong trabaho sa restaurant niyo... mahina kasi ang raket dito pare...parang mag-coclose na yung bar na niraraketan namin...kung ok lang saiyo..
Yuan: Oo naman. Walang problema Pare... tagal ko na nga yang inaalok saiyo...buti naman at tinanggap mo na..
Junjun: Oo magtatrabaho muna ako sa restaurant niyo habang nag-aantay ng magandang opportunity para magamit ko naman yung kursong tinatapos ko...sayang kung mababakanti ako dito na walang magawa...mahina din kasi ang online business ko.
Yuan: Walang problema Pare! ikaw pa!
Junjun: Isang pang favor Yuan, kung ok lang...
Yuan: Ohhh ano yun?
Junjun: Kung pwede sa inyo muna ako mag iistay habang nagtatrabaho ako sa inyo? magbibigay ako ng pera para sa mga expenses ko Pare...parang umuupa lang ako sa inyo, kumbaga.. kasi mahirap mangupahan ngayon..
Yuan: Ahhhyy.., oo naman. Walang problema yan!
Junjun: Ok lang kaya yan kay Roni?
Yuan: Ahhhyy si Roni pa! parang di mo naman siya kilala...ok lang sa kanya yun. Kami na nga lang dalawa sa bahay..
Junjun: Salamat Pare ha...maasahan ka talaga...pwede ba ako pupunta diyan sa weekend?
Yuan: Kung kailan mo gusto... tawagan mo lang ako.
Junjun: Maraming salamat talaga Pare!

===Salcedo's residents scene===
Habang naghahapunan ang magkapatid.
Roni: Kuya, tumawag pala si Tonsi si akin kanina.. natanggap siya sa university na malapit lang dito sa atin.
Yuan: Wow! magandang balita nga yan...ehhh anong trabaho niya?
Roni: Professor.. sa Literature department. Ano pa nga ba?
Yuan: Kala ko sa Math..
Roni: Kuya talaga.. well, pupunta siya dito sa bahay during weekend para maghanap ng property na pwede niyang bilhin...dito sa loob ng village!
Yuan: Wow!!! agad-agad...iba talaga pag may pera...
Roni: Kuya...pinag-ipunan niya yan... so deserve niya na magkaroon ng sariling bahay...
Yuan: Alam ko naman yan...may balita rin ako?
Roni: Ohhh., ano yun?
Yuan: Si Junjun, tinanggap na niya yung trabaho sa restaurant na inalok ko sa kanya...
Roni: Ehh di maganda! at least may makakatulong na saiyo sa negosyo...
Yuan: Oo nga.. gusto rin sana niya na dumito muna...ok lang ba saiyo yan?
Roni: Oo naman. Di naman siya iba sa atin...walang problema sa akin..Kailan siya mag sisimula?
Yuan: Pupunta siya dito sa weekend.
Roni: Ehhh di maganda! apat tayong maghahanap para sa condo/apartment ni Tonsi.

=== Operation, hanap bahay for Tonsi===

Roni: Ito Tonsi maganda. 3 bedrooms.
Tonsi: Masyadong mahal... ayaw ko rin ng masyadong malaki...ehhh ako lang naman ang titira.
Roni: Sa magiging pamilya mo rin in the future..
Tonsi: Siguro, pero I prefer 2bedrooms muna..
Junjun: Ito Pare! maganda.. mura pa! pasok sa budget mo.
Yuan: Oo nga...pang bachelor talaga. 
Junjun: Pagmagkakapamilya ka ehhh.., renovate mo nalang..malaki naman yung lupa..
Tonsi: I prefer condo/apartment pero sige. I think this house is much better for me and for my future family... kakapagod din mag change ng address.. ano sa tingin mo Roni?
Roni: Ok ako diyan...maganda nga siya..
Yuan: Sige, kunin mo na baka maunahan ka pa.
Tonsi: Sige. It's fix. Ito na nga..
Everyone: Ayos!
Tonsi: Junjun, kung makuha ko tong bahay na to, dito ka muna tumira sa akin...ako lang kasi mag-isa.
Junjun: Ok lang saiyo? Ikaw bahala... 

After 2weeks ay nakuha nga ni Tonsi ang bahay at doon narin nakatira si Junjun sa kanya.

Sa pabalik balik ni Roni sa bahay nila Borj ( after 3months) ay may napansin siyang ilaw sa loob ng bahay.. Agad niyang tinawagan ang kapatid para puntahan nila ang bahay nila Borj.

===Borj's House scene===
Yuan: Tao po! tao po!
Roni: ( sinilip-silip ang bintana) Kuya! may tao nga!!!! lalaki... ayun ohhhh! nakatalikod! 
Yuan: Oo nga nuh!! ( kinatok ng malakas)...Tao po! tao po! 

At bumukas ang pinto....


G-Mik REUNION ( The Unfinished Business)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon