*** Bar Hunting ***

377 25 0
                                    

===Salcedo's residents===

 ( May kumatok sa pinto)
Yuan: ( Pinagbuksan ang pinto) Ohhh, Borj- David! ang aga niyo naman.. nakakamiss ba ako? Anong sadya natin? Si Roni? Roni.....
Borj: No pare..ikaw sadya namin... napaaga lang kami kasi may itatanong lang kami saiyo, baka pagpunta namin dito ehh nakaalis ka na...
Yuan: Bakit, ano yun?
David: Pero kung andyan si Roni at di busy...ehh ok lang ba na makita namin siya?
Yuan: Oo naman..bababa rin yun...baka nagbihis pa..
Borj: Ahhmm..magpapatulong sana kami kung saan pwedeng puwesto sa lugar natin..gusto kasi namin na magpatayo ng bar bilang business namin..
Yuan: Ehh., bakit business partner ba kayo? ( boses may halong pagtatampo)
Borj: Ehhh oo sana at kung ok lang sana...
Yuan: Oo naman...tatanungin din natin si Roni baka may alam siya... Roni... Roni...baba ka na may bisita tayo..
Roni: ( Malakas ang boses)Oo.. baba na ako.... Oyyyy! Borj!!! David( mahina ang boses pagkasabi sa pangalan ni David). Napadaan kayo?
David: Ahhhmm.., magpapatulong sana kami kung saan pwedeng location na magpatayo ng bar dito...business kasi namin ni Borj.
Roni: Ganun ba...hmmm wait muna...pwedeng kausapin ko muna si kuya...private lang kung pwede...
Borj: Ok sige..
( Lumayo ang magkakapatid sa dalawa)
Roni: Kuya, meron akong alam..
Yuan: Ehh kung may alam ka bakit ka bumubulong?
Roni: Ehhh na o-awkward kasi ako kay David...alam mo naman kung paano siya makatitig sa akin... Ehh.., across sa cafe ko  pwede sana sila dun...
Yuan: Ehhh maganda nga yan...diba kilala mo may-ari dun?
Roni: ( Napayango)..Pero kuya, na-o-awkward nga ako kay David...ayaw ko siyang palaging nakikita..
Yuan: Roni, alam ko na malaking kasalan ko sa inyo ni Borj, dahil naging mahigpit ako sa inyo nuon lalo na kay Borj noong nanligaw siya sa iyo. At alam ko rin kung gaano mo kamahal si Borj at gaano ka nasaktan noong umalis siya.. kahit ako yung bestfriend niya, mas nasasaktan ka pa noong di na nagpaparamdam sa atin yung tao. Ngayon babawi ako at tutulungan kita para maitama lahat ang pagkakamali natin for Borj. 
Roni: Anong ibig mong sabihin kuya?
Yuan: Alam ko Roni, na mahal na mahal mo parin si  Borj at hanggang ngayon umaasa ka parin na mamahalin ka niya ulit..So kung na o-awkward ka kay David kasi nasa harapan lang yung bar sa cafe mo at posibleng  makikita mo siya araw araw ehhh iisipin mo nalang na mas importante na makikita mo si Borj araw-araw diba? makakabawi ka pa sa mga pagkukulang mo sa kanya...
Roni: ( Napayango habang kausap ang kapatid) Tama ka kuya! Deadma nalang ako kay David, importante ehhh makakabawi ako kay Borj... ehhh single kaya si Borj kuya?
Yuan: Hindi ko rin alam...bahala na..malalaman mo yan kung palagi kayong magkikita..
Roni: Salamat kuya ha..
Yuan: Ikaw pa! puntahan na natin sila...
Roni: Hmmm David, Borj sorry ha kinausap ko lang si kuya kung saan ang magandang pwesto para di kami magtatalo sa lugar kung ano ang maganda sa bar niyo and... yes! may alam ako...
David: ( Naeexcite) Talaga Roni! hulog ka talaga ng langit....
( Napakamot sa ulo si Borj. Si Roni at Yuan naman ay nagkakatinginan nalang..)

===At Jelai's office work===
( Busing busy ang dalawa sa trabaho)
Ralph: Ang sarap ng ngiti mo kahapon ha....
Jelai: Anong ibig mong sabihin? Natural nakikita na namin si Borj. 
Ralph: Aside pa sa rason na yan...
Jelai: Deretsyahin mo nga ako...ano bang pinagsasabi mo... andaming trabaho dito..
Ralph: Bakit ba ang sensitive mo ngayon? Ano, may period ka?
Jelai: Ehhh nakakainis ka kasi.. ano ba ibig mong sabihin na masarap yung ngiti ko...
Ralph: Wala lang. Napansin lang kita panay smile ka kay Junjun..parang nagpapacute ka pa sa kanya..
Jelai: Ano ka ba?! si Junjun kasi... siya yung tipong tao na mahirap pagtaguan ng sekreto..simula bagets pa kami ehhh palagi nalang na bibisto yung mga plano at sekreto namin kasi nasasabi niya ito na di sinasadya..kaya natatawa ako dahil di parin nagbabago yung ugali niyang yan.
Ralph: Ohhh kaya panay ang smile mo kasi naalala mo siya.. Ang dating Junjun na mahal na mahal mo?
Jelai: Nagseselos ka ba? 
Ralph: May dapat ba akong ipagselos?
Jelai: Wala.
Ralph: Jelai..alam mo yung pinagdadaanan ko sa buhay... umalis ako sa Cebu para samahan ka dito sa Manila at alam mo kung gaano kasakit sa akin ang mapahiwalay sa pamilya ko... Kahit masakit man sa akin, pinili ko parin na samahan ka dito. I hope you'll be honest to me..I'm not saying that you like Junjun again, but in case it would happen, I hope you'll tell me the truth para di ako nagsasayang ng panahon dito... I'll accept it even it hurts me...
Jelai: Hon, please don't say that.. I love you and you know that..
Ralph: I know that you love me and I love you too...but just in case your feelings will change, just say so..( At umalis na siya sa harapan ni Jelai. Si Jelai naman ay napapaisip sa mga nasabi ni Ralph).

===At Tonsi's house===
Junjun: Tonsi kumain ka na dito,nagluto na ako ng breakfast.
Tonsi: Wow! sarap naman niyan....inspired?
Junjun: Anong inspired? ahhhh Oo naman..kasi nakita na natin si Borj sa wakas! at kumpleto na naman ang barkada natin for almost 20years! akalain mo???darating parin ang araw na makukumpleto tayo....
Tonsi: Oo nga ehhh bibihira lang talaga sa mga magkakaibigan ang ganitong pagkakataon..Pero iba parin yung ngiti mo ehhh...Ngiting inlove!
Junjun: Anong ngiting inlove?
Tonsi: Ito naman ohh...dalawa lang tayo dito, magsisinungaling ka pa sa akin...aminin muna...tayo lang dito ohhh..
Junjun: Pare, may bumabalik...
Tonsi: Sino?
Junjun: Hindi sino kundi ANO?
Tonsi: Ehhh di ano?
Junjun: Yung feelings ko for Jelai...mahal ko ulit siya...
Tonsi: Nako Junjun! may boyfriend na yung tao..mabait pa! masasaktan ka lang or makakasakit ka lang kung ipagpatuloy mo yan...
Junjun: Alam ko naman yun ehh..pero mahirap kasi diktahan ang puso pag ito'y tumitibok ulit, lalo na sa maling tao.
Tonsi: Mahirap nga yan..
Junjun: Anong gagawin ko? Paano mo ba nakukumbinsi yung puso mo na di na mahalin si Roni?
Tonsi: Hayy nako Junjun, ipapasa ba naman yung tanong sa akin...tagal ko ng naka move-on kay Roni..tinanggap ko nalang na hanggang friend lang talaga ako...ang maganda lang dinkasi kay Roni ehh di siya nagpapaligoy ligoy sa akin na di niya ako gusto kaya mabilis akong nakakamove-on kasi hindi niya ako pinaasa. 
Junjun: Bakit kay Borj nuon pinaasa niya tapos si Basti ang sinagot...
Tonsi: Tanungin mo kaya si Roni, huwag ako! Ako ba si Roni? Basta ikaw Junjun, payong kaibigan..ilagay mo ang sarili mo sa tamang kalagyan para walang masasaktan..
Junjun: Kumain na nga lang tayo at baka ma late pa tayo sa trabaho natin... ( habang kumakain ay nanaisip si Junjun sa mga sinasabi ng kaibigan).

=== Bar's location===
David: Ang ganda naman dito Roni... paano mo ito nahanap?
Yuan: Ahhh kasi yung cafe na yun ( tinuro ang cafe ni Roni) si Roni ang may-ari niyan...
David: Wow! business owner ka pala Roni...ikaw lang ba nagmamanage diyan?
Roni: Hmmm oo.. mahilig kasi akong magbake at magluto kaya tinutudo ko na..
Borj: ( Napa-smile) Masarap talaga siyang magbake at magluto..buti naman naisipan mong magtayo ng ganyang business...
Roni: Ahhh oo..( kinikilig) kasi sila mommy at daddy narin ang nag convinced sa akin at tinulungan nila akong ipatayo to... kumain kayo minsan sa cafe ko Borj ha..
David: Oo naman...magiging regular customers niyo na kami..
Yuan: Ahhh Borj, kung gusto niyo dito ipatayo yung business niyo, magpatulong nalang kayo kay Roni kasi kaibigan siya ang may-ari niyan...
Borj: Ano pare... ano sa tingin mo?
David: Sa tingin ko ehhh parang ok naman ang location dito...parang malaki din yung space...ano sa tingin mo?
Borj: If you're satisfy pare..no problem for me.. 
Roni: So ano, final na ba para masamahan ko na kayong kausapin ang may-ari dito..
Borj: Di ba nakakahiya na sa iyo... baka busy ka...
Yuan: Para sa iyo Borj, may time si Roni dyan...I mean, sa inyo pala..
( Napangiti si David kay Roni at si Roni naman ay napatingin kay Borj pero si Borj ay nilibang nalang ang sarili na kausap si Yuan..).



G-Mik REUNION ( The Unfinished Business)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon