***Trip to Batangas!***

351 23 0
                                    

9:00 A.M. ang usapan sa bahay ng mga Salcedo para doon na sila mag-abot at sumunod nalang ang mga sasakyan ng mga Salcedo. Dumagdag sina Elsie at Roger na sumakay sa van ng mga Salcedo. Sakay naman ni Tonsi sina Junjun, Mafi, at ang nag-iisang kapatid nito na si Mel. Sa sasakyan nila Jelai, sina Ralph, Yaya, at Angelo. At ang huling sasakyan ay kina Borj na sakay sina David, Sam at Lyza.

Pagkadating sa resort ( Nayomi resort) ay agad nag meeting ang lahat para sa mga magiging kwarto nito...Lahat sila ay may family room na naka assign. Pero dahil ito ay private/family resort ay pwede naman silang gumamit ng sarili nilang room kung gustuhin nila. Sila lang ang tao sa resort. Kaya bago sila dumating sa resort ay nakabili na sila ng pagkain nila at mga bagay na kailangan nila.

Junjun: Yuan, ang ganda naman dito.... siguro mayaman yung Ninong mo..
Yuan: Ahhh.., siguro kasi family resort to..so sa kanila lang talaga...hindi business. Dito kasi sila pumupunta pag umuwi sila sa Pinas galing Europe. Kaya nung kinausap ko si Ninong, ayon! di naman nagdadalawang isip na patuluyin tayo dito... basta lang linisan natin ito bago tayo umuwi...
Tonsi: Walang problema yan..
Charlie: Para hindi tayo maligaw, kasi masyadong malaki talaga tong resort na to..eehhh sa mga pathway ay nakalagay na mga direction kung saan yung gusto niyong puntahan..so parang yun na yung guide natin dito... Sumusunod na muna kayo sa amin para sa mga rooms para makapagpahinga din tayo..

===Salcedo's family==
Charlie: Ano...Roni, Yuan..gusto niyo ba ditong matulog kasama kami or gusto niyo sa humiwalay sa amin...
Roni: Syempre, dito nalang ako kasama ninyo...na-miss ko kayo ehh!
Yuan: Ehhh kung dito si Roni, ehhh dito narin ako... ang pangit naman na dito kayo lahat tapos nasa ibang kwarto ako...na-miss ko rin tong moment na to!
JP: kasya ba tayong 5?
Roni: If you don't  mind little brother, magaling kami ni kuya sa mga siksikan moment...
Yuan: Anong magaling?! ako lang! ako lang ang parating na rerelocate....
Marite: Ohhh sha...papasok na tayo para makapagpahinga muna.

===Rivera's family===
Yaya Medel: Ano Jelai, iisang kwarto ba gusto niyo or sina Angelo at Ralph ang magkasama at tayo din sa isang kwarto..
Jelai: Ahhhyyy mas gusto ko dito na tayo lahat...mukhang malaki naman yung space..
Angelo: Oo nga.. mas maganda nga na sama-sama tayo...mas adventuorus. 
Ralph: Ok.. mas gusto ko rin na iisa ang kwarto natin para madali lang natin mapapansin ang isa't isa.
Yaya: Ohhh sha...papasok na tayo para makapagpahinga naman tayo..

=== Dela Cruz family===
Elsie: Ano Junjun..saan mo gustong mag stay?
Junjun: Ma, Pa..pwede po bang samahan ko sila Tonsi...dalawa lang kasi sila...
Roger: Ikaw ang bahala Junjun..basta ikaw Mafi dito ka sa amin..
Mafi: Ayaw ko rin dun Pa, parang suplada naman yung sister ni Kuya Tonsi.. dito nalang ako..
Junjun: Mabait yun...di lang siguro kayo magkasundo...ngayon lang yan..
Elsie: Ohh sha..pumunta ka na dun at papasok na kami..

=== Rodriguez family===
Mel: Kuya, tayo lang dalawa? ang lawak ng kwarto...
Tonsi: Masanay ka na...ako nga noon, mag-isa lang ako parati. Buti nandyan yung barkada na handang samahan ako...
Mel: Pansin ko nga..ang babait nila..
Tonsi: Someday, you'll find some friends like them, trust me. Hindi ko nga ini-expect na magiging friends kami until now...ang swerti ko sa kanila..
Mel: Oo nga ehhh nakita ko nga ...tara pasok na tayo!
Junjun:( tumatakbo papalapit sa magkapatid) Tonsi, Mel.... pwede ba dito nalang ako...sasamahan ko kayo.
Tonsi: Sure ka?! paano yung family mo...
Junjun: Nagpaalam na ako at naiintindihan nila..
Tonsi: Ikaw bahala.

===Jimenez family===
David: So, anong set-up natin? may gusto bang magsarili ng room or ok na na tayo tayo nalang sa isang kwarto..
Lyza: I want with my daddyko! I missed being with him.
David: Ikaw Sam?
Sam: Malaki naman yung kwarto...sama-sama nalang tayo.
Borj: Ohh di wala namang problema, pasok na tayo!

Habang may kanya-kanyang mga gawain ang bawat isa ay nakita ni Jelai si Roni sa pool. Agad naman nilapitan ang kaibigan..
Jelai: Roni. Bakit mag-isa ka lang dito?
Roni: Wala lang nagpapahangin lang..nagmumuni-muni...
Jelai: Ok ka lang ba?
Roni: Oo naman...bakit mo naman naitanong yan... ( nakita sila ni Tonsi at lumapit ito sa kanila).
Tonsi: Bakasyon ba tong pinuntahan natin or lamay?
Jelai: Oo nga..kakatanong ko lang sa kanya kungok ba yung kaibigan natin...ang sabi nagpapahangin lang daw at nagmumuni-muni....
Tonsi: Roni.. sorry to ask you this, pero are you really ok? kung gusto mo..andito lang kami ni Jelai para damayan ka..
Roni: Ano ba kayong dalawa... ano ba ako?
Jelai: Sis, sabi mo ok ka lang...pero sis... sorry pero sa kilos at sa mukha mo..hindi ka ok. Is it because of Borj?
( At napayakap bigla si Roni at gumahagolhol kay Jelai. Hinahaplos haplos naman ni Tonsi ang balikat ni Roni bilang pakikidamay..)
Tonsi: Iiyak mo yan Roni para at least mababawasan yung sakit sa puso mo....
Jelai: Oo nga Roni... basta kami..andito lang kami.. ( Hindi na nagsalita si Roni habang kinu-comfort siya sa dalawang kaibigan).

Kinagabihan ay nag-uusap sila Jelai, Ralph at Tonsi sa cottage..
Ralph:  Ok na ba si Roni? Nakita ko kayo kanina sa pool.
Jelai: Ehhh hindi naman madaling maging ok yung tao ehhh... umaasa siya na babalikan siya ni Borj..
Ralph: Kunsabagay mahirap naman talagang mag-assume na walang assurance. 
Tonsi: Wala naman talagang nakakaalam na may pamilya na pala si Borj. Kahit nga tayo nag assume na pwedeng maipagpatuloy ang nauudlot nilang pag-iibigan.
Jelai: Kasi naman si Borj! paasa! bakit di niya sinabi kay Roni sa simula palang na may pamilya na pala siya...kakainis!
Ralph: ehhh di ba..yan yung napag-usapan ninyo na hindi pwedeng tanungin or ungkatin ang private life niya... we just go with the flow kung kailan siya pwedeng mag-open- up..
Jelai: Di naman kasi namin ini-expect na yun pala yung magiging pasabog niya...di kami nakapaghanda.( Matigas ang boses)
Tonsi: Ohh ohh... tama na yan..baka saan pa mapunta yang usapan na yan... Wala na tayong magagawa at walang pwedeng masisisi.., nangyari na ang dapat mangyari.. Ang kailangan lang natin gawin ay maging handa pa tayo sa susunod na mangyayari... Kutob ko kasi parang sunod-sunod na ang mga pasabog ni Borj sa atin...kaya paghandaan na natin yan at di na tayo mag-aasume.
Ralph: Tama lahat ang mga sinasabi mo Pare... hmmm.., papasok muna ako sa room  kasi kung saan pa tong mapunta ang usapan ehhh... baka awayin lang ako ni Jelai..( di kumikibo si Jelai). Sige Pare...
Tonsi: Ahhh ok sige Pare..ikaw bahala. ( Umalis na si Ralph sa cottage).
Tonsi: Ano bang problema mo? Ang bait-bait ng tao inaaway mo..
Jelai: Nakakainis na kasi...di siya nakakatulong sa sitwasyon natin ngayon.
Tonsi: Jelai...nagmamalasakit lang yung tao..Hindi din madali para sa kanya na pakisamahan kaming lahat na mga kaibigan mo... Ang hirap kaya makipag-siksikan sa mga tao na hindi mo totally kilala at nakikipaghalubilo ka...Buti nga tong si Ralph alam niya kung saan ilulugar ang sarili niya..kung ibang tao yan, baka wala yan dito... ( sa kanya pagpapayo kay Jelai ay napansin niya si Junjun na naglalakad  mag-isa at tinawag niya ito).
Junjun! Junjun! halika nga dito... ( Ang akala ni Junjun ay mag-isa lang ang kaibigan kaya't dali dali niyang nilapitan si Tonsi sa cottage).Saan punta mo?
Junjun: Hinahanap ka.. ( napansin niya si Jelai na nakaupo sa gilid )Ayyy! kala ko mag-isa ka lang dito...alis na nalang ako..parang seryuso ang pinag-uusapan ninyo.
Jelai: Dumito ka lang muna Junjun kung hindi ka busy...
Junjun: Ahhh ok... ano bang pinag-uusapan ninyo. Mukha kasing napaka seryuso niyo.
Tonsi: Ahhh yung tungkol kay Borj.. 
Junjun: Oo nga ehh.., di natin ini-expect yun...nakausap niyo na ba si Roni?
Jelai: ( Napayango)
Junjun: Anong sabi? Ok lang ba siya?
Tonsi: To be honest... umiyak siya sa amin ni Jelai...sobrang nasaktan siya nung nalaman nga niya ang tungkol kay Borj.
Junjun: Kahit naman tayong lahat nag -aassume na single parin si Borj at may possibility na magkatuluyan sila ni Roni..ehhh.., di mo talaga mabe-blame yung tao na umaasa..
Jelai: Buti pa tong si Junjun...naiintindihan tayo....
Junjun: Bakit? Anong meron?
Tonsi: Wala...basta...Bakit mo pala ako hinahanap?
Junjun: Hinahanap ka kasi ng kapatid mo ehhh...
Tonsi: Ganun ba? dito muna kayo...puntahan ko muna si Mel..babalik ako agad...
Junjun: Ha!? ok lang ba sa iyo Jelai?
Jelai: Ikaw...kung ok lang din sa iyo...ok lang sa akin...
Tonsi: Ohhh sha...maiwan ko muna kayo....
( Habang papaalis si Tonsi, napansin niya na  nagtatawanan agad ang dalawa sa cottage)..

G-Mik REUNION ( The Unfinished Business)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon