*** Angelica " JELAI" Rivera***

320 18 0
                                    

Narratedby Jelai:

Nagdadalawang-isip ako na puntahan ang daddy ko sa Cebu after kong mag-aral dahil hindi ako sanay na mahiwalay sa mga kaibigan ko, lalo na kay Junjun. Ngunit, kailangan ng daddy ko ang tulong ko dahil narin sa lumalaki na ang negosyo namin and at the same time, buntis narin si Mommy Marla nun. So, wala na akong magagawa kundi sundan sila sa Cebu.

Malaki ang naging adjustment ko sa sarili ko nung nag move ako sa Cebu. Una, sa mga taong nakapaligid sa akin, hindi lamang sa pamilya ko na may nadagdag na myembro,pati narin sa mga katrabaho ko sa kumpanya. Kahit andyan si Yaya Medel na sobrang supportive parin at mahal na mahal ko parin yun, ehhh di naman ako ang binabantayan niya diba? yung kapatid ko na,  na si Angelo.

Mahal na mahal ko ang kapatid ko sobra! Para na nga akong nanay niya. Matagal ko na kasing hinangad na magkaroon ng kapatid. Naiinggit nga ako kina Roni na tatlo silang magkakapatid. Buti nalang binigyan ako ni Mommy Marla ng kapatid after a year na nagkaroon si Roni ng bunsong kapatid. Ohhh diba, pwede kaming magiging baby sitters SANA! sa mga kapatid namin...kaso lang ehhh andito na kami sa Cebu.

Masaya ako sa naging trabaho ko sa Cebu. Magkasundong magkasundo kami sa mga workmates ko. Masaya rin silang kasama gaya ng barkadahan namin. Kaya di ako masyadong nalulungkot kapag namimiss ko ang barkada namin nila Roni kasi may bago akong mga kaibigan. Mga kaibigan ko kasi sa Cebu, puro mga kalog! kaya parati nila akong napapasaya.

Naging maganda ang takbo ng relasyon namin ng daddy ko, pati narin kay Mommy Marla lalo na nung namatay si Niko sa sakit niya sa lungs. Naging very supportive parents sila sa akin, lalo na sa trabaho ko, pati sa love life ko! hahaha

Speaking of love life, after namin magkahiwalay ni Junjun, bale.. mutual decision din kasi yun dahil naging abala kami pareho sa kanya-kanyang buhay namin. Nawalan ng time kumbaga, kasi si Junjun inuuna pa niya ang banda kaysa makausap ako...ehhh ako naman, naging sensitive kasi malayo kami sa isa't isa ehhh wala pa siyang time para sa akin. Hanggang sa naging busy na din ako sa work ko, siya naman to ang nagiging sensitive dahil wala daw akong time for him..So, parang maging fair kami sa isa't isa kasi kailangan din namin magtrabaho lalo na for Junjun dahil sa family din niya...kinakailangan namin mag sacrifice. Buti nalang at naging matured na ang pag-iisip namin...kaya no hurt feelings ang hiwalayan namin, at FRIENDS parin kami! pero di na tulad ng dati...as Bestfriend!

Di naglaon, nakahanap din ako ng lalaki kapalit kay Junjun. Nakilala ko sila sa work, mutual friends at family friends ni Mommy Marla. So to make the story short, ehhh 4 naging ex bf ko bago ko nakilala si Ralph. Di nagwowork yung past reslationship ko dahil sa maraming dahilan, una yung isa nag ooverseas na hindi nag-work ang LDR para sa amin. Pangalawa, hindi lang pala ako ang gf niya, marami kaming tinuhog niya! Pangatlo, bayulenti sa relasyon namin..napaka seloso..so para sa akin ,toxic na ang relasyon namin dahil parang nasasakal na ako. Panghuli, nakakaloka! ginawa pa naman akong kabit! Buang talaga yung panghuli ko...buti nalang nalaman ko agad. 
So ngayon, si Ralph matagal narin ang relasyon namin, siya ang pinakamatagal sa 4 na naging ka relasyon ko sa lahat ng exes ko after Junjun AND COUNTING... Sa trabaho ko siya nakilala. Naging magaan agad ang feelings ko sa kanya..napakagentleman niya. Nahuhulog loob ko sa kanya dahil nakikita kong mahal na mahal niya ang family niya...(naalala ko tuloy si Junjun sa kanya). 

Yuan: Ahhhyy! pare ang malas mo pala..
Ralph: bakit Pare?
Yuan: kasi naging gf mo si Jelai ng maha--bang panahon, siguro araw-araw saiyo ehhh mahal na araw nuh?
Ralph: Ikaw talaga pare...puro ka biro.
Jelai: Ikaw Yuan ha..talagang di ka titigil diyan..nanunukso ka na naman ha...sige ka, di kita aatrasan!

Lahat sila ay nagtatawanan pero itong si Roni, kahit natatawa na siya ehh di parin niya maalis sa paningin niya si Jelai na para sa kanya , napakalaking pagbabago nito, lalo na sa ugali. Pero masaya siya sa kaibigan niya na masaya ito sa naging buhay niya ngayon. 

G-Mik REUNION ( The Unfinished Business)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon