Narrated by: Yuan
After graduation, isinalang agad ako nina Mommy at Daddy sa restaurant business namin dahil narin ako yung lalaki at panganay. Hindi ako nagreklamo kasi alam ko naman na sa akin ibibigay ang resposibilidad na ito. Nag-aaral rin kasi si Roni. Tini-train ako ni dad sa lahat ng alam niya bago sila pumunta ni mommy at JP sa States. Kahit may alam na ako tungkol sa pagpapatakbo ng negosyo namin base narin sa mga job training namin dito ehh..marami parin talaga akong dapat matutunan. I am so blessed sa parents ko kasi andyan sila na nakaalalay sa akin.
Hanggang sa nag decide sila mommy at daddy na puntahan muna ang family business nila daddy sa States ehhh napakalaking hakbang ito para sa akin dahil nasa akin na lahat ang pagpapatakbo sa negosyo namin. Minsan tumatawag ako o kaya'y sila daddy habang nasa States tungkol sa restaurant, ehhh sa awa ng Diyos ok pa naman. Very proud pa nga si Roni sa akin dahil nakayanan kong mag-isa sa restaurant kasi busy din siya sa pag-aaral niya. Alam nyo naman si Roni very focus sa pag-aaral niya.
Buhay pag-ibig ko, walang masyadong excitement. Kasi dahil narin sa busy ako sa negosyo namin. Balak ko pa nga magpatayo pa ng isa pang branch, kaso wala akong makakapartner. Parents ko kasi busy din sa States ehh si Roni naman walang planong magkaroon restaurant. Baka natakot na nung muntikan na kaming ma bankrupt dahil sa amin...hahaha..alala nyo yun?
Yung sa amin kay Missy, naging maganda naman ang takbo ng relation namin at first. Mahal namin ang isa't isa. Tinulungan pa nga niya ko dito sa restaurant. Kaso, nung nagkaroon ng problema ang pamilya niya sa Canada, kinakailangan niyang pumunta dun para tulungan ang negosyo nila dun. Araw-araw kaming nagtatawagan..., hanggang sa 3x a month nalang.. hanggang sa malabo ng magkaroon ng time para mag-usap. Iba naman kasi ang oras sa Pilipinas at oras sa Canada, kaya nahihirapan kaming magkaroon ng time mag-usap. Puro rin kami busy sa mga work namin.. siya may negosyo ako naman dito ehh abala sa restaurant namin.. May mga nakikilala akong mga babae pero di rin nag work kasi dahil sa dami ng trabaho. Minsan yung mga kaibigan ni Roni, pinakilala sa akin pero months or pinakamatagal is 1year lang ang maitatagal ko sa isang relasyon. Minsan naman makikila ko sa mga mutual friends ko, yung iba, costumer na namin! ang hanep nuh?! Pinatulan ko na...hahaha Hinahanap ko kasi sa isang babae ehhh yung nakakaintindi sa work ko. Pero kung worth naman talaga yung babae, ehhh magagawan natin yan ng paraan...Dahil sa super busy ko, kahit andito ako sa bahay, ehh minsan lang din kami ni Roni magkikita busy din kasi siya sa sariling business niya ... Pero pag may kailangan niyan, naku! to the resque naman ako para sa kanya, ako pah! Even sa bunso namin, kahit Inglisiro na yun, Tinatagalog ko parin yun para makakaintindi rin ng Tagalog yun nuh! mahal na mahal ko ang mga kapatid ko..
Naghahanap parin ako ng isang tao para maging ka susyo ko sa trabaho para may time din naman ako sa sarili ko...Kailan kaya makakabalik sila mommy at daddy? Paminsan minsan din sila umuuwi dito, kung umuwi man, 2-3 months lang in a year sila mag stay, dun ako magpakabuhay Don kung nandito sila hahaha... Ang hirap maging adult..ang daming responsibilidad.. mabuti pa yung teenage time, puro gala lang...puro gimik!
===Present moment===
Junjun: Buti ka pa Yuan, may sarili ng negosyo..ako dito, pa raket raket lang.
Yuan: Diba, binigyan kita ng offer, kaso ayaw mo..
Junjun: Malayo kasi dito, at alam mo na yung gusto ko...maging musikero.
Tonsi: Naku Junjun, kung puro pa raket raket lang ang gusto mo ehhh, wala talagang mangyayari sa buhay mo..
Junjun: Ngayon lang yan, balang araw, sisikat din yung banda ko!
Tonsi: Kailan pa? diba yun din sabi mo after your graduation? Ilang taon na ba yun?
Junjun: Ahhh basta! suswertihin din ako...
Yuan: Diba, dahil sa banda na yan, naghiwalay kayo ni Jelai?
Junjun: ( Napag-isip)...ahhh.., oo ,sa sitwasyon ko..ehh busy din naman siya sa negosyo nila kaya pareho lang kami walang time.
Yuan: ( Tinutukso ang kaibigan) pero aminin mo, excited ka sa homecoming ano?
Junjun: Ang layo pa nun! 3months from now pa yun!
Tonsi: Pero excited ka parin makita si Jelai..hahaha
Junjun: May bf na ba siya?
Yuan: hahaha..di ba kayo friends sa FB?, di kaba naka follow sa IG niya? OO meron..bakit naitanong mo? may plano ka?
Junjun: Wala nuh! naitanong ko lang...
Tonsi: Umamin ka nga Jun, may natitira pa ba diyan sa puso mo?
Junjun: hayyy nako! ako na naman ang nakikita ninyo...matulog na nga tayo...late na!
BINABASA MO ANG
G-Mik REUNION ( The Unfinished Business)
FanfictionThe story is about the continuation of a group of friends since they were young. After their College graduation, they were all separated apart. How they manage their lives in the reality of life and how they handle things as a matured beings. Afte...