*** Rejection***

348 26 1
                                    

Balik trabaho na ang magbabarkada pagkatapos ng kasal nila Jelai at Junjun. Ngayon na kasal na sila, lipat bahay narin si Junjun sa bahay ng Misis niya kasama si Mafi. Dahil gusto ng bata na kasama ang nakakatanda niyang kapatid pati narin ang pagiging close nila ni Angelo. Hindi naman nagrereklamo si Junjun  dahil siya ang nagpaparaal nito at  para narin masubaybayan ang kapatid. 

Sina Sam at Tonsi ay nagkamabutihan narin sa araw-araw na pagkikita nila sa school library. Naging madali lang ang lahat sa kanila since pareho sila ng hilig. Alam ng lahat ng tao sa kasal nila Jelai at Junjun na may relasyon  na ang dalawa dahil sa mga galaw nito. Tanggap ng kani-kanilang pamilya at barkada ang relasyon ng dalawa.

Si Yuan, heto... nagpapa-cute kay Olly. Kahit wala itong time sa lovelife noon dahil sa kanyang trabaho ay naghanap talaga siya ng ways para makipagkita kay Olly. Good timing naman dahil andyan pa ang mga magulang nila para mag lolook-after muna sa business nila bago pa ito bumalik ulit sa States. Fortunately, naging madali lang ang panliligaw ni Yuan kay Olly dahil narin sa tulong ni Jelai kay Yuan para mapa-OO si Olly sa kanya. Kaya hindi nagtagal naging mag-ON ang dalawa. Hindi narin kasi sila teenagers para sa mga fling fling na yan...nasa tamang edad narin ang dalawa para magkarelasyon.

Si Borj naman, heto... ginagawa ang lahat upang hindi magtagpo ang landas nila ni Roni. In short, iniiwasan parin niya si Roni.  Habang si Roni naman ay ilang araw at linggo narin sinubukan puntahan si Borj sa bar nila pero hindi talaga niya madatnan o mahagilap ang binata. Habang itong si David naman ay parang napapansin na niya na hindi na masyado nagpaparamdam si Roni sa kanya dahil hindi na ito dumadalaw sa bar nila, kung magkikita man sila ay palagi  nalang nagmamadali ang dalaga kaya naisip niyang bisitahin ang dalaga sa cafe. 

Roni's cafe

David: ( papasok sa cafe) Andyan ba si Roni?
Staff: Ahh si Mam Roni... nasa office po niya Sir..
David: Ahh pwede ko ba siyang maka-usap Ate?
Staff: Wait po Sir, pupuntahan ko muna siya sa office ( pinuntahan si Roni sa office). Mam Roni, may naghahanap po sa inyo..
Roni: Sino daw?
Staff: Yung lalaki po sa bar...
Roni: Saan dun?
Staff: Yung half-Kano po..
Roni: Ha!? sabihin mo wala ako rito...
Staff: Ehhh nasabi ko na na andit ka po...
Roni: Ha...ohh sige Ate, papasukin mo ( At pinapasok na si David sa office nito) Ohhh David, napadaan ka? may kailangan ka?
David: Ha... wala naman..na-miss lang kita...tagal na kasi nating hindi nag-uusap ehhh..
Roni: Ha? kasi ano...busy...Oo busy lang...( natatarantang sagot ni Roni)
David: Roni...( hinawakan ang kamay) pwede ba tayong lalabas mamayang gabi?
Roni( inalis ang pagkakahawak ng kamay) hmmm..kasi David..ano, may family dinner kami mamaya...
David: Ahhh...,what about tomorrow night?
Roni: Hmmm..., Jelai invited me to visit her....Oo yun! alam mo na.... buntis so need nating bisitahin kasi baka magtampo pa yun sa akin...alam mo na....( hilaw na pananalita)
David: The night after tomorrow?
Roni: Hmm.. ano si Kuya may ipapagawa sa akin...Oo...yun!
David: Ganun ba( mahina ang pananalita)..busy ka nga...o kaya'y iniiwasan mo lang ako... may problema ba tayo Roni?
Roni: Ha!? tayo??? may problema!? bakit naman?
David: sa tono na pananalita mo parang masyado kang defensive...
Roni: David....wala tayong problema ok... we are friends, right?
David: Roni... kung wala man tayong problema.. and....if you have no problems with me.. can I be more than a friend?
Roni: David....
David ( hinawakan ulit ang kamay  ni Roni): Please Roni... please don't say NO.. I'm not rushing you...I just wanna know that I am here, waiting for you.
Roni: David sorry ( inalis ang kamay sa pagkakahawak) I want to be straight forward to you... but I can't accept you as my lover...I'm sorry..
David: Roni bakit? ano ba ang wala ako na hindi mo ako kayang mahalin?
Roni: David...wala..I mean, walang mali saiyo... Halos lahat ng characteristics ng lalaki na hinahanapng mga babae ay nasa sa iyo na...
David: Pero bakit hindi mo ako kayang mahalin?
Roni: David..sorry pero matagal ng taken ang puso ko..
David: May boyfriend ka na? Pero bakit parang nagpapaligaw ka parin?
Roni: I'm not having a boyfriend..I am still single. Pero yung puso ko ay nakaalay lamang na sa isang tao. David, I tried to give you a chance not only to you but for myself as well..pero wala ehh..mahal ko parin siya...
David: Kung sino man yang guy na yan...he's a lucky bastard! Well..(inaabot ang kamay sa dalaga) maybe my role is only a friend...friends?
Roni: ( imbis na makipag-shake hand ay niyakap niya ito).. salamat David.. friends...

Kinagabihan pagkatapos ng hapunan ay napansi ni Borj si David sa garden nila na mag-isa na parang malalim ang iniisip...kaya nilapitan ni Borj ang kaibigan..
Borj: Pare...parang ang lalim ng iniisip natin ahhh... babae ba yan?
David: Borj, she rejected me...
Borj: Ha!? what do you mean rejected? kanino?
David: Roni rejected me...
Borj( napatigil at napa-isip)
David: Borj! Borj! hoy!!!
Borj( bumalik sa katinuan) ha!? bakit...
David: para kang sira...nag-uusap tayo dito ng seryuso tapos para ka naman ewan! napatulala ka diyan...
Borj: Ha!? naisip ko lang kung bakit ka narereject...ehhh ang perfect mo nga para irereject..
David: Borj.. para namang bago sa iyo na irereject ako ng isang babae..parang nakalimutan mo na yata ang pinagdadaanan ko..
Borj: Sabi ko nga... bakit, ano daw reason kung bakit binasted ka?
David: Ehhh.., may mahal na daw siya. ( napalunok si Borj) I admired her a lot kasi...parang ang tagal na niyang hinihintay yung guy pero andyan parin siya..willing to wait. Alam mo pare, bibihira lang sa mga babae ang ganyan.. mostly kasi diba sa mga lalaki talaga ang mag-aantay..pero si Roni pare...si Roni yun! siya talaga yung naghihintay sa guy.. itong guy naman pare, napa-bobo! isang Roni Salcedo ang pinaghihintay...
Borj: Ganun ba...baka naman kasi may rason yung guy kung bakit hindi siya binalikan..
David: Alam mo pare kung ano mang rason ang mayroon siya... bobo parin siya. Bakit pare, kung ikaw ang tatanungin, sinong lalaki ang hindi magkakagusto kay Roni...
Borj: Ha!? ehhhh ano....hmmm...
David: see! bakit hindi ka  makasagot ...
Borj: Pare naman... Oo. 
David: Anong Oo?
Borj: Oo..walang lalaki ang hindi magkakagusto kay Roni...
David: Pare, ni minsan ba nagkakagusto karin kay Roni?
Borj: Pare...ano namang klaseng tanong yan... 
David: Sagutin mo nalang pare...
Borj: Pare kasi.......ano....hmmm...( at biglang dumating si Sam para sabihin na pumasok na sila sa loob ng bahay).. yun! tawag na tayo oh... pasok na daw tayo...kaw talaga kung anu-ano pa yang iniisip ko, dinadamay mo pa ako...
David: Parang usap lang naman... ( tumayo na ito at lumakad. Si Borj napabuntong hininga at nagpahid pa ng pawis..buti nalang gabi ito dahil hindi napansin ni David ang mga pawis ni Borj).


G-Mik REUNION ( The Unfinished Business)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon