***The awkward moments***

351 23 0
                                    

Ito na ang araw na pinakahihintay ng magbabarkada, ang makita ulit si Borj!!! 

=== At Charlie's restaurant===
Junjun: Bakit ang aga naman ng meeting na ito Yuan...ano ba ang meron?
Tonsi: Oo nga... parang napaka-urgent talaga...
Jelai: Buti sa weekend mo kami pinapunta dito, kung hindi... hindi kami makakarating ni Ralph... ang daming gagawin sa office...
Ralph: Ok lang yan... parang importante naman talaga ang sadya ni Yuan.
Roni: Oo nga guys! ito na 'to!!!!!! 
Jelai: Bakit ang excited mo sis! ano bang meron?
Yuan: Ano ba kayo guys..dami niyong tanong....ok... this is the moment na pinakahihintay natin...
Lahat sila( excluded si Roni): Ano nga!!!???
Roni: Andito na si Borj!!!!!!!
Lahat sila ( excluded si Yuan): Saan???!!!! ( napapatingin sa iba't ibang direction)
Yuan: Pupunta siya dito sa restaurant.... NGAYON! I mean mga lunch time....
Junjun: Ehhh bakit ang aga namin dito...alas 9 palang ahhhh... dapat alas 12 mo kami pinapunta dito...
Tonsi: Oo nga naman Yuan... weekend ehhh..dapat nasa higaan pa tayo ngayon...
Roni: Guys! huwag na kayong mag reklamo...pinapunta tayo ni kuya ng maaga para ma briefing kayo...
Jelai:Ehhh kung si Borj naman talaga yan, di talaga mag rereklamo ang sis ko diyan! di ba sis!( siniko si Roni)  ano bang kailang e-briefing.... ehhh si Borj lang naman yan!
Yuan:  Jelai, guys! iba na si Borj ngayon...
Tonsi: paano mo naman nalaman? na meet mo na siya?
Yuan: Hindi pa...pero na meet namin ni Roni yung best friend niya sa States..
Junjun:( nagpaparinig) Oyyy...may bagong bestfriend na pala si Borj ...
Yuan: Oo may bago na nga...obvious ba? almost 20 years na yun di nagpapakita..malamang may bagong bestfriend na yun! Makinig kayo guys, lalo na ikaw Junjun...
Junjun: bakit ako?
Yuan: Dahil may pagka taklisa ka kasi....Anyway..., si Borj base from his mate, named David. Ehhh, may pagka private na daw tong si Borj.. meaning, ayaw niyang mapag-usapan yung life niya...
Jelai: Bakit naman? dami kaya nating tanong sa kanya...talagang di natin maiiwasan na tanungin siya...
Roni: Kaya nga tayo nandidito kasi para e-briefing kayo na iwasan natin magtanong ang tungkol sa buhay niya...baka ma stress yung tao... 
Ralph: So, ano ang dapat gawin?
Tonsi: Gets ko na guys. We just need to wait until he is ready to share with us kung ano man ang pinagdadaanan niya... mahirap kasi kung tayong lahat ehh may mga tanong... feel niya mabobombarded siya sa dami ng tanong which is hindi natin alam kung ang yung mga tanong natin ehhh nakakasama na pala sa kanya at baka hindi siya kumportable na sagutin yung mga tanong natin...so let us wait until he himself is willing to tell everything about him...and all we have to do is to LISTEN!
Yuan: Natumbok mo Tonsi, ang galing talaga ng professor natin!
Roni: yes guys! Tonsi was right. I know na marami tayong tanong at gusto nating alamin ang buhay niya after he disappeared. Pero kung makakasama sa kanya ang tanungin siya at possible ma stress pa siya.. please we have to control ourselves.
Yuan: Ito pa guys ha... sabi nga ni David sa amin, sa taas ng panahon na pinagsamahan nila ni Borj, never daw yan nag share tungkol sa buhay niya dito sa Pilipinas...kaya hindi alam ni David kung ano siya dito..
Roni: Kuya, too much information na....
Jelai: Ok lang yan Roni. Para rin naman namin malaman kung bakit di pwedeng tanungin si Borj at kung anong klaseng tao na siya...
Junjun: kung ganun man...ibang Borj na pala ang makikilala natin...wala na yung makulit...
Tonsi: Seloso at soplado minsan..
Yuan: palatawa at laging nandiyan pag kailangan mo ng karamay..
Jelai: Mapang-asar....
Roni: misteryoso pero sweet, at mapagmahal na Borj...
Ralph: Lalo ako nagiging interesado na makilala si Borj ahhh..., sa mga pinagsasabi ninyo... 

==== LUNCH TIME===

Lahat sila nakaupo na sa bilog na mesa..ang set ng pagkaupo nila ay magkatabi sina Yuan, Roni, Jelai, Ralph, Tonsi, at Junjun... sa Gilid ni Junjun ay may dalawang bakanteng upuan...
Roni: Sis! punta muna ako sa CR.. gusto mong sumama?
Jelai: dito nalang ako...  nakakatamad ehhh,..
Roni: Ikaw talaga. Kuya, CR muna ako...
Yuan: Sige. ( Pagkaalis ni Roni).. Guys! andito na sila...sunduin ko muna sila sa baba...

(Pagkasundo ni Yuan sa baba ay agad na silang pumunta sa table nila...)
Yuan: Guys!!!!! meet David and of course Borj!!!!!!!!
Lahat sila: Borj!!!!!!!!!( napatalon sina Junjun at Tonsi papunta kay Borj , humalik naman si Jelai sa pisngi ni Borj at David para ipakikila niya ang kanyang sarili kay David, at ipinakilala ni Jelai ang boyfriend niya kay Borj at David..)
Borj: Hi guys!!! si David nga pala..bestfriend ko sa States..(napatingin kay Yuan..)
Yuan: Ok lang yun Borj. Sinabi mo naman na bestfriend mo from States ehh.. diba ako bestfriend mo from the Philippines???!!! ( niyakap si Borj ng mahigpit)
Borj: Na-miss kita pare!! kayong lahat na-miss ko..

( Mula sa toilet ay rinig na rinig ni Roni ang mga boses nila dahil sa excitement..Lalo siyang nagmamadali nang marinig niya ang boses ni Borj).
Borj: Pareng Yuan, si Roni?
David: Oo nga.. wala ba siya dito?
Roni ( Nasa likod ni Borj).Hi David. Hi Borj...( Nahihiyang boses)
David: Hello Roni! How are you?
Borj: Ahhh hello Roni! kumusta ka na?
Roni: ( Biglang niyakap si Borj ng mahigpit ng mahigpit, at ginantihan naman ni Borj ang yakap ni Roni)..na-miss kita..sobra. ( Habang magkayap)
Borj: Ako rin naman. ( Niyakap pa si Roni ng mahigpit).
Yuan:( Nakita ni Yuan ang reaction ni David)... sorry pare ha...na miss lang talaga namin si Borj.
Tonsi:(nakihirit) oo nga..imagine, almost 20years din ( pabulong niya kay David).
David: ( Bumalik ang sigla sa muhka) Ganun ba? talagang mahal na mahal ninyo si Borj nuh...
Junjun: Oo naman!

( Sa bakanteng upuan na katabi  ni Junjun ay katabi niya si David, tapos si Borj, ang katabi ni Borj ay si Yuan...Habang kumakain sila...)
Junjun: Borj! kumusta na pala sila Lolo't Lola?
Lahat sila( except kay David): Junjun!!!!!!
Junjun: ( Biglang napahinto sa subo at naalala ang usapan).. si lolo at lola lang naman....
Borj: Ahhhh.., ok lang Junjun... hmmm....patay na sila..
( Lahat sila ay napa senyas kay Junjun sa nagawang pagtatanong nito, si Jelai naman ay napa smile nalang sa ginawa ni Junjun at napansin agad ni Roni ang mahinhin na pagtawa ng dalaga..)
Jelai: ( bumubulong) Roni, bakit ganyan yung tingin mo sa akin?
Roni:( Nagbubulungan) Nakita ko yung smile mo for Junjun ha...Jelai, halata ka na!
Jelai: Bakit? wala naman ako masamang ginagawa ahh...
Roni: Iba ang titig mo kay Junjun..pansin ko yun!
Jelai: Ehhh ikaw nga kay Borj.. grabeng higpitan ng yakap ninyo...
Roni: Ehh ako ok lang kasi walang sabit...ehh may boyfriend ka na...nasa tabi mo pa!
Jelai: Boyfriend palang naman yan..hindi asawa...
Roni: ( Bulong na matigas ang boses)Jelai!!!!!! 
Jelai: Sis! tingnan mo si David kung makatitig sa iyo... buo ka pa ba?
Roni: Anong buo pa ba ako?
Jelai: I mean, di ka ba natutunaw sa mga titig ni David...grabe siya kung makatitig ha...nakakaloka!
Roni: Pansin ko nga ehh... ang awkward. Tingin naman ako ng tingin kay Borj, di naman ako tinitingnan...
Jelai: Oo nga..napansin ko rin...baka may sabit na si Borj!
Roni: ( Napalakas ang boses) Ano!!!!????
( Lahat sila napatingin kay Roni) Yuan: Anong ano?
Roni: Ahhh wala..may nabanggit lang si Jelai about sa work niya...( biglang natamimi si Roni sasinabi ni Jelai..
Jelai: Hoyyy!!! Bakit di ka na kumikibo diyan?
Roni: Di ko kasi napaghandaan yung sinabi mo...napaisip lang ako.
Jelai: Na ano?
Roni: Na baka may sabit na si Borj...baka may sariling pamilya na siya kaya di niya ako pinapansin....
( Niyakap ni Jelai ang kaibigan)
Yuan: Bakit kayo lang ang nagyayakapan.....group hug nga tayo dyan... group hug!!!!!!
AT NAG GROUP HUG SILA.....

G-Mik REUNION ( The Unfinished Business)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon