Dahil sa kwentuhan nila Borj at David, naalala lahat ni Borj ang mga alaala niya nung kabataan nila ni Roni. Ang litrato ni Roni na naka green shirt na noo'y parati niyang kinakausap at minsa namay hinahalikan ay kinuha ni Borj sa lumang closet niya na nakatagolamang simula ng lumisan siya sa bahay. Since he arrived from America ay ni minsan ay hindi ito ginalaw ng lolo't lola niya dahil ito lang ang pakiusap ni Borj na huwag galawin... First time ni Borj na kinuha ulit ang litrato ni Roni after almost 2decades. Tinititigan niya ito, hinahaplos haplos na hindi niya namamalayan ay may luha na palang nakapatak sa litrato na hawak niya... pinapahiran niya ang mga luha niya at ang luha na nasa litrato... Napangiti nalang siya sa tuwing maalala niya yung mga panahon na mga bata pa sila na sobrang saya nila.. mga fling fling at patagong usapan nila ni Roni sa school..at sa mga panahon na nasasaktan siya sa mga sinasabi sa kanya ni Roni noon na masasakit, lalo na sa panahong sinagot ni Roni si Basti.. nanumbalik na naman ang kirot ng puso ng binata sa twing maalala niya ito..kahit mga bata pa sila at that time, para sa kanya seryuso ang pagmamahal niya kay Roni pero parang bale wala lang sa dalaga ang kanyang nararamdaman..Habang nag-iisip siya ay may biglang kumatok sa bedroom niya. Si Lyza, na may hinahanap sa kitchen pero hindi alam kung saan nakalagay ang asukal kaya nagpapatulong sa kanyang kuya.. kaya imbis na ibalik ni Borj ang picture sa lumang closet ay nakalagay na ito sa bedside table.
Kinaumagahan, dahil alam ni Borj na may alam si Roni sa schedule nila, nakipagpalit siya kay David ng schedule. Nagmamadali itong umalis ng bahay para mapaaga sa bar at para makaiwas traffic. Sa pagmamadali niya ay nakalimutan niyang isara ang pinto ng kanyang room.
Si Roni, dahil sa kanyang sinabi ni David kahapon ay gusto sana niyang kausapin at kamustahin si David sa bar dahil nag-guiguilty siya sa mga sinabi niya . Kaya nagplano si Roni na dalhan ng meryenda si David as peace offer.Roni: Hello! David...David...
Borj: Wala dito si David. ( biglang nagulat si Roni nang makita niya si Borj).
Roni: Borj! bakit ka nandito? I mean.. nasaan si David, diba schedule niya ngayon?
Borj: Ako muna ngayon. Masama pakiramdam niya ( pagsisinungaling niya). Bakit mo siya hinahanap?
Roni: Ha...kasi may ibibigay sana ako sa kanya.. pang snacks niya. Ok lang ba siya?
Borj: Roni, stop pretending that you are concern. Nasasaktan na yung tao, ano pa ba gusto mo? ha?
Roni: Borj, I don't mean to hurt him.. sinasabi ko lang kung ano ang nararamdaman ko.. mali ba yun?
Borj: Hindi mo nga sinasadya na saktan yung tao...pero nasaktan mo na.. kaya please leave him alone.
Roni: Nag-usap na kami Borj. And we decided to be friends din gaya niyo.
Borj: Ako na ang magsabi saiyo ngayon Roni.. please.. leave us alone!
Roni: Bakit ba ganyan nalang kalaki ang galit mo sa akin, Borj? Hindi mo parin ba ako mapapatawad sa mga ginawa ko saiyo noon? Mga bata pa tayo noon..so please stop acting like a child!
Borj: Oo mga bata pa nga tayo...mga musmos. Pero kahit ganun ka bata tayo noon Roni minahal kita ng totoo.. pinamukha mo sa akin na di ako karapat dapat mahalin... Grabe Roni..sa lahat ng sakripisyo ko saiyo at sa pamilya mo, binaliwala mo yun. Sa hirap at ginhawa, andyan ako para saiyo..pero and ending kay Basti ka napa-OO..ano yun?
Roni: Borj, akala ko ok lang saiyo na sinagot ko si Basti...kala ko sports lang saiyo yun...diba yun naman parati sinasabi mo? Besides, ikaw ang unang nagkaroon ng girlfriend..bumigay ka Borj!
Borj: Akala mo lang yun. Roni, Oo..ako ang unang nagkaroon ng kasintahan,at OO marami akong nililigawan...pero bakit kaya sa tingin mo ginawa ko yun, ha? Roni? Dahil para makalimutan ka...naaawa na sina lolo't lola sa akin...kaya binigyan ko ng halaga ang sarili ko na kahit minsan hindi mo pinapahalagahan..
Roni: Borj, hindi yan totoo! ( napalakas ang boses habang umiiyak) minahal kita, Borj.
Borj: Kailan mo ako minahal ha, Roni?
Roni: Minahal din kita sa mga panahong sinasabi mo sa akin na mahal mo ako..sa twing sinasabi mo yun, ang puso't isip ko sinasabing mahal din kita..pero hindi ko magawang sabihin yun saiyo dahil sa parents ko. Nag-promise ako sa kanila na hindi muna ako magboboyfriend...hanggat...
Borj: hanggat ano?
Roni: ( napapikit mata) Hanggang matapos ako sa pag-aaral.
Borj: Pero sinagot mo si Basti!
Roni (humagulhol) Oo..mali na ako at pinagsisihan ko yun, Borj! Hanggang ngayon, sising sisi ako sa naging desisyon ko...Kaya ngayon, andito ako para gawin lahat, mahalin mo lang ako ulit...Borj, please give me another chance..please.. Kung pwede ko lang sana ibalik ang dati ay gagawin ko para maiparamdam ko lang saiyo na minahal din kita..
Borj: Roni, hindi mo na pwedeng ibalik ang time. At mas lalong hindi mo na pwedeng baguhin ang ginawa mo.
( Nang hindi nila alam ay nandyan lang si David nakikinig sa pinag-usapan nila..)
Borj: ( napalingon) Kanina ka pa diyan?
David: Andito ako para linawin sana saiyo ang litrato na nasa kwarto mo. Iniwan mo kasing bukas ang kwarto mo.. pero sa narinig ko, it is clear to me now... and it makes sense lahat. ( At agad umalis si David).Hinabol ni Borj si David at pinabayaan si Roni na umiyak.
![](https://img.wattpad.com/cover/271050950-288-k662324.jpg)
BINABASA MO ANG
G-Mik REUNION ( The Unfinished Business)
FanfictionThe story is about the continuation of a group of friends since they were young. After their College graduation, they were all separated apart. How they manage their lives in the reality of life and how they handle things as a matured beings. Afte...