*** Back to Reality***

343 25 0
                                    

Mag iisang buwan narin simula nang nakabalik sila sa Manila after sa kanilang 1week vacation  para sa birthday ni Yuan. Lahat sila balik-trabaho, dating gawi.. lalo naging busy dahil sa nakatambak lahat ng work nila simula nang iwan nila ito for a week. Mag-iisang buwan din sila hindi nagkikita-kita lahat.. , kumustahan lang at maikling kwentuhan sa phone. 

Pero simula nung bakasyon nila sa Batangas, may iba  sa kanila ay naging bago ang takbo ng routine nito at ito nga ay si Tonsi. Naging malapit sila ni Sam sa isa't isa. Lagi niyang iniimbitahan si Sam sa school nila para magbasa ng libro sa library. Pumupunta naman si Sam dahil wala naman ito magawa sa bahay..minsan dadalhin niya si Lyza kung sina Borj at David ay kailangan pumasok sa parehong oras..Naeenjoy pareho nila Sam at Tonsi ang isat isa.


Naging iba din ang takbo ng routine nila Jelai at Junjun dahil palagi nalang sila magkasama kahit walang label pa ang kanilang relasyon. Pero base sa kanilang kinikilos at nasa tamang edad na sila, sa puso't isip nila, sila na. Palaging sinusundo ni Junjun si Jelai after her work. Kahit naka-commute lang ito ay sinusundo parin niya si Jelai at sabay na sila uuwi gamit ang sasakyan ni Jelai.

Si Yuan naman, masayang masaya kahit busy siya dahil andyan ang parents niya na  nakakatulong ng malaki para sa restaurant nila..  Ang parents niya ang nag-hahandle ng restaurant pag wala siya dahil sa mga events na siya ang hina-hire at kasama niya si Junjun sa mga events niya para tumulong sa kanya.

Sina Borj at David naman hindi pa tapos sa mga preparations nila para sa bar nila. Madami parin silang inaasikasong paperworks at renovations para sa business nila. Naiiba nga lang ang routine nila simula ng dumating sila Sam at Lyza. Para may maiiwan sa bahay kay Lyza ay isa sa kanila ang maiiwan din sa bahay dahil si Sam ay lagi nang umaalis simula ng imbetahin ito ni Tonsi. Sa umaga ay si David ang pupunta sa bar at after lunch naman ang schedule ni Borj. Magsasama lang ang dalawa sa bar kung kinakailangan. 

Si Roni naman, balik sa kanyang cafe business. Busing busy ito dahil sa dami ng events at orders. Laking pasasalamat niya dahil minsan tinutulungan siya ng mommy niya. 

Marite: Alam mo Roni, proud talaga ako saiyo at nagawa mo lahat ito... ang daming orders pero natapos mo parin ito... 
Roni: Mom, sanay lang po.. at thank you kasi anyan din kayo...
Marite: Tapos na ba yan?
Roni: Opo..bakit po?
Marite: Pupuntahan ko muna dad mo. Kailangan din niya ako doon..
Roni: Sige po mommy...salamat po.

Nakaalis na si Marite sa cafe at pinuntahan ang asawa sa restaurant  nila. Sa ginawang muffins ni Roni ay sinadya niya talaga na gumawa ng sobra para kina Borj at David. Kaya pinuntahan niya ang bar nila Borj during morning tea.

Roni: Hello! ( pasigaw na pumasok)
David: Ohhh Roni! kumusta? tagal mo narin di nakakadalaw dito ahhh..
Roni: Ahhh oo alam mo na...busy simula nang dumating tayo sa Manila..pero if you need anything naman alam mo naman na across the road lang ang cafe ko..
David: Ahhh oo naman.. alam ko naman yan..kahit nga kami dami rin naming hinahabol na deadline..kaya wala ring time makipagdaldalan...ano yang dala mo?
Roni ( tumingin tingin sa paligid) ahhh muffins pala.
David: Ahhh salamat ha.. ahhhmmm may hinahanap ka?
Roni: Si Borj pala?
David: Ahhh.., iba na kasi yung work time namin simula nandito sila Sam at Lyza. Ako ang magtatrabaho sa umaga at si Borj naman sa hapon..
Roni: Ahhh ganun ba...
David: Roni... pwede bang humingi ng favor?
Roni: Sure! ano yun?
David: Pwede ba kitang e-date?
Roni ( surprise mode) ha?! ehhh ano..
David: Please.....
Roni: Ok..( nasabi ng mahinang boses)
David:  Thank you ( napayakap kay Roni ). Pwede sunduin kita mamayang gabi? ( tumango si Roni).

Sa gabing yun ay sinundo nga ni David si Roni para sa date nila. Habang nasa sasakyan sila na-iintense si Roni sa sitwasyon nila..
Roni: Ahhmmm David alam ba ni Borj lalabas tayo?
David: Si Borj?! Oo naman!
Roni: Anong sabi niya?
David: Of course! masayang masaya siya for me..I mean for us pala... why did you ask that?
Roni: Ha?! wala lang.. ( napabuntong hininga ang dalaga)
David: Ok ka lang? 
Roni: Ha? Oo...kabado lang...
David( hinawakan ang isang kamay ni Roni) don't worry, you'll enjoy tonight.

Kinabukasan ay pinuntahan ni Roni ang bar nila Borj. Dahil alam na niya ang schedule nito ay nagdala siya ng minatamis na saging. Bago paman niya dinala sa bar nila ay sinigurado niyang tama ang pagkasabi  ni David na sa hapon ang schedule ni Borj.

Roni: Hello! ( pasigaw niyang bati)
Borj: ( palakad papunta sa dalaga) Ohhh Roni..naparito ka.. nakaalis na si David kanina pa... bukas ng umaga mo nalang siya puntahan dito..
Roni: Hindi naman siya ang sadya ko...Borj, ikaw...may dala pala akong minatamis na saging. Alam kong paborito mo to at namiss mo rin ito for sure...
Borj: Roni.. please can you stop doing this... 
Roni: Ang alin? ang paggawa ng minatamis na saging? ayaw mo na ba nito? hindi mo pa nga natitikman.. tikman mo muna..
Borj: Roni, stop being sarcastic..you know what I meant. Tigilan mo na ang kabibigay sa akin ng pagkain, tigilan mo na ang pagpunta mo para makita ako... David loves you so much! 
Roni: Pero Borj ikaw ang mahal ko....( napaiyak)
Borj: Huwag mo ako idaan sa iyak iyak mong yan!( pinahid ni Roni ang kanyang luha)Kaka-date niyo lang kagabi tapos ngayon ako ang mahal mo..pinaglalaruan mo ba kami ng bestfriend ko? Saktan mo nalang ako, huwag lang si David!
Roni: Pinag bigyan ko lang naman siya dahil hiningi niya...pero ikaw naman talaga ang gusto ko.
Borj:  Pero Roni..hindi nga pwede na ako ang piliin mo..
Roni: Bakit ba Borj?! ( lalong maraming luha ang tumutulo sa mga mata nito). Bakit kailangan mo pa akong itaboy? Alam ko naman na mahal mo parin ako..sa resort, bakit mo ako hinalikan?
Borj: Pwede ba! aksidente lang yun..parang halik lang...big deal na agad!
Roni: Hindi basta halik lang yun Borj..
Borj: Roni..tama na! ayaw ko ng pag-usapan to...makakaalis ka na..
Roni: Alam ko naman kung bakit mo ako ginaganito...pero hindi kita susukuan Borj.. ngayon pa na marami na akong dahilan para hindi na kita pakakawalan... ( at lumisan na ang dalaga sa bar. Sinusuntok suntok ni Borj ang pader sa sobrang galit). 

G-Mik REUNION ( The Unfinished Business)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon