*** The Civil Wedding***

373 25 10
                                    

Hindi agad natanggap ng pamilya at kaibigan ni Jelai sa Cebu nung nalaman nila ang kanyang pagbubuntis. Mismong si Jelai ang tumawag kay Ralph tungkol sa kanyang pagbubuntis dahil gusto niya sa kanya mismo manggaling ang balita.  Ilang beses tinawagan ni Jelai si Ralph pero hindi parin ito sinagot ang tawag..pero naiintindihan naman ni Jelai kung bakit ayaw makipag-usap sa kanya si Ralph. Mahigit isang linggo narin di sinagot ni Ralph ang tawag ni Jelai sa phone nito.. Hanggang isang gabi ay mismo si Ralph na ang tumawag kay Jelai.

Jelai:  Ralph...hello...Ralph.....( hindi agad nakapagsalita ang sana kabilang linya). Ralph, alam ko nandiyan ka at nakikinig.. gusto ko lang sanang mag-sorry sa lahat. Sorry Ralph.
Ralph: Jelai..bakit? bakit ang bilis mong magpalit ng iba? at nabuntis ka pa! ( nalaman ni Ralph ang pagbubuntis ni Jelai sa mutual friend nila).
Jelai: Ralph, hindi naman ibang lalaki si Junjun alam mo yun...
Ralph: Oo nga pala..wala na akong karapatan para tanungin ka..mahal mo naman talaga siya for the first place...
Jelai: Minahal naman kita, Ralph ehh... 
Ralph: Pero mas mahal mo si Junjun.. tanggap ko naman yan Jelai...bakit ka nga pala napatawag?
Jelai: Gusto ko lang mag-sorry..
Ralph: You don't have to say sorry.. wala ka namang responsibilidad sa akin ehh..
Jelai: Ralph..meron. Alam kong nasasaktan kita ngayon at nag-aalala ako saiyo...gusto ko lang naman na maging ok tayo...walang samaan ng loob...Ralph, ginagawa ko to dahil naging parte ka ng buhay ko at naging mahalaga karin sa akin..
Ralph: ( napaiyak sa kabilang linya) Ok lang ako Jelai..salamat sa concern...magiging ok rin ang lahat..Jelai, masaya ako para sa inyo ni Junjun.. Hangad ko lang ang iyong tunay na kaligayahan at sana nahanap mo na nga yan kay Junjun at sa magiging baby ninyo..
Jelai: Ralph...salamat sa lahat...napakabuti mong tao...
Ralph: Sige na Jelai... may gagawin pa ako... mag-iingat ka parati ( Naputol na ang linya).


Nang malaman ni Cesar na buntis si Jelai ay gusto na niya itong ipapakasal agad kay Junjun kahit hindi sila makakarating dahil sa negosyo nila dahil ayaw nila na magiging kahihiyan sa pamilya nila ang pagbubuntis ni Jelai lalo na sa kanilang negosyo, sa church wedding nalang sila makakapunta. Napakabilis lang ng pagpaplano dahil sa civil wedding lang ito ay ang mga malalapit na kaibigan lamang nila Junjun at Jelai ang dadalo sa kasal at ang pamilya nila Junjun. Pero dahil sa buntis si Jelai at walang katuwang si Junjun sa negosyo nila  sa Manila kaya ipinadala ni Marla ang kanyang pamangkin na si Olly sa Manila para tumulong kay Junjun. 

Nagpapatulong si Jelai kay Roni sa paghahanda sa kanyang kasal dahil alam niya na magaling mag-organize si Roni sa ganitong event. At di nga siya nagkakamali dahil kahit civil wedding lang ito at mabilisang pagpaplano ay maganda parin ang kinalalabasan ng kasal. Simply lang ang kasal dahil sa bahay lang nila Jelai ang handaan..ang importante ay makasal ang dalawa. Habang busing busy ang lahat sa hapunan at kwentuhan ay siya namang dating ni Olly sa village pero hindi niya alam kung saan ang bahay nila Jelai..Tinawagan niya si Jelai na nasa guard house na ito..

Jelai( naghahanap ng taong susundo kay Olly).. Tonsi.. busy ka ba?
Tonsi: Ha!? oo may pinapagawa kasi si Sam sa akin...bakit?
Jelai: Nandito na yung pamangkin ni Tita Marla..ipapasundo ko sana..
Tonsi: Si Yuan! nakita kong pa-chill chill lang...
Jelai: Ahh ok sige..salamat (Pinuntahan agad si Yuan) Yuan.. may ginagawa ka ba?
Yuan: Meron...
Jelai: Ano? ehh na-iinom ka lang naman diyan...
Yuan: Jelai, busy mata ko sa kakahanap ng chicks..marami ka palang mga magagandang kaibigan, di mo man lang ako ipakilala..
Jelai: O sige..ipakilala kita promise! basta  gawin mo lang yung favor ko..
Yuan: Ano ba yun?
Jelai: Sunduin mo naman yung pamangkin ni Tita Marla...si Olly.
Yuan: Ano ba yan! kung hindi lang kita mahal... nag-eenjoy na sana ako sa mga magagandang chicks! 
Jelai: Salamat Yuan! the best ka talaga...pero ngayon lang yan.. 
Yuan: Paano ko ba malalaman na siya si Olly?
Jelai: Basta nasa guard house na daw siya...pakibilisan kasi kanina pa yun... ( at nakaalis na ang binata).

Guard house.
Yuan: (kausap si manong guard habang nakasakay sa kotse niya) Kuya..may nag-aantay ba dito. Olly ang pangalan..
Guard: Ahhh kanina pa yan Sir Yuan, nasa loob po siya..pinapasok namin. Miss andito na sundo mo..
Olly: Ikaw ba yung pinapasundo sa akin ni Jelai? ( napatulala si Yuan) Hello kuya!( kinakausap si Yuan) Manong guard, bingi ba to o pipi?
Guard: Ahhhyy hindi po Mam..normal po yan... Sir Yuan..
Yuan: ( bumalik sa katinuan at lumabas sa kotse) Ayy!!! ako nga pala si Yuan ( inaabot ang kamay para makipagkamayan)... ikaw ba si Olly?
Olly: Olivia..but yeah, you can call me Olly.
Yuan( kinausap ang sarili) hindi man lang sinabi ni Jelai na ganito pala ka ganda ang susunduin ko di sanay nagbihis na muna ako..amoy pawis pa ako!
Olly: Bakit po? may sinasabi po kayo?
Yuan: Ha!? ang sabi ko..alis na tayo..I know nagugutom ka na...( pinagbuksan ang pinto ng kotse).

Rivera's residents
Yuan: ( napabulong )Jelai, di mo man lang sinabi na babae pala susunduin ko, nag-amoy pawis tuloy ako...
Jelai: So kasalanan ko pa? Hi Olly! kumusta? ( nakikipagkwentuhan kay Olly habang si Yuan naman ay titig na titig kay Olly).
Junjun: Hoy! laway mo!
Yuan: Ang ganda niya pare!
Junjun: Parang lahi na talaga nila Tita Marla yan pare! ( agad naman nakisawsaw si Borj sa usapan)
Borj: Naalala ko tuloy noon na ganyan din mga titig nila lolo ,Tito Charlie at Tito Roger pag dumadaan si Tita Marla..
Tonsi ( narinig ang usapan sa magkakaibigan) Oo nga... laking gulo ang kalalabasan nun.. ( napatawa nalang sila habang nire-reminisce nila ang kabataan nila). 

Bago paman matapos ang gabi ay sinubukan ni Roni na makuha ang attention ni Borj pero maidlap si Borj dahil hindi lang si Roni ang nakabantay ,siya rin pala mismo ay nakabantay  kay Roni para di makalapit sa kanya...talagang iniiwasan niya si Roni at nahahalata ito ng kanilang kaibigan...





SA CHARACTER NA OLLY DITO AY SI ISABEL OLI
DAVID NAMAN AY SI PATRICK GARCIA( KASI HALF)
SAM NAMAN DITO AY SI SHAINA MAGDAYAO
SINO PO KAYA ANG PWEDENG MAGING SI RALPH? BATANG 90'S LANG PO SANA..

G-Mik REUNION ( The Unfinished Business)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon