*** Bun in the Oven***

324 26 1
                                    

Pagkatapos mag-usap nila Roni at Borj ay agad tinawagan ni Roni  si Jelai  sa phone para may sabihin ang mga nangyayari ngunit hindi itong makuntak kaya nag desisyon nalang siya na puntahan ito sa trabaho. Alas 2 magsasara ang cafe ni Roni kaya dali-dali siyang pumunta sa workplace ni Jelai upang makita ito ngunit sa kasamaang palad ay wala rin ito sa trabaho. Sinabi ng empleyado nito na ilang araw na ito hindi pumapasok kaya dumeretso nalang si Roni na puntahan si Jelai sa bahay nila..

At Rivera's residents..
Yaya Medel ( binuksan ang pinto ) Roni... buti napadaan ka..
Roni: Yaya, ano po nangyari kay Jelai? dumaan ako sa trabaho niya ilang araw na daw siya di pumapasok.. Ok lang po ba siya?
Yaya: Roni.. siya nalang ang tanungin mo. Puntahan mo nalang sa kwarto niya.

Sa kwarto ni Jelai:
Roni: Sis! napaano ka ba? ok ka lang ba? parang ang putla putla mo..
Jelai: Sis! may sasabihin sana ako saiyo pero huwag kang mabibigla ha...
Roni: Bakit, ano ba yun?
Jelai: Sis! buntis ako!!
Roni: Ha?!! sinong ama?
Jelai: Anong sinong ama?
Roni: I mean.. si Ralph ba or si Junjun?
Jelai: Syempre si Junjun! 
Roni: Sure ka ba? baka naman....
Jelai: Roni naman... of course! alam ko kung sino ang tatay na dinadala ko noh...
Roni: Alam na ba to ni Junjun?
Jelai: Hindi pa..pero sasabihin ko naman ehh..naghahanap lang ako ng tamang tsempo.
Roni: Hindi ba niya alam na hindi ka pumapasok sa work mo?
Jelai: Syempre alam niya. Sinasabi ko lang  na nagkasakit ako.. bumibisita naman siya dito pero di niya pa alam...Siguro mamaya sasabihin ko na..
Roni: Dapat lang nuh..kailangan malaman na niya yan..so anong plano mo?
Jelai: Wala pa. Siguro makapagdesisyon lang ako kung alam na niya. Siya nga pala. Naparito ka?
Roni: Tinawagan kita kanina sa phone mo ehhh di ka makuntak kaya pumunta ako sa work mo tapos ang sabi may sakit ka daw kaya dumeretso na ako dito..
Jelai: Yun lang ba kaya ka naparito?
Roni: Actually Jelai.. meron pa..kaya lang parang bad timing naman kung sasabihin ko sa iyo kasi mas importante ang kalagayan mo kumpara sa problema ko..
Jelai: Sis! ok lang ako...promise! sige sabihin mo na makikinig ako...
Roni: Nag-usap kami ni Borj kanina..
Jelai: Tapos...anong nangyari? may improvement na ba? ( napaiyak bigla si Roni at agad naman niyakap ang kaibigan)kung ano man ang mangyayari, andito ako...reresbak saiyo.. 
Roni: Sis..pinagtaboy na naman niya ako ulit.. ayaw na niya sa akin..
Jelai: Ha?! bakit ano ba ang nangyari?( ikweninto ni Roni ang mga pangyayari kahit dun sa resort na hinalikan siya ni Borj) ehhh loko pala tong si Borj ehhh.. napakaduwag niya! so mas importante na pala ngayon ang ma-fefeel ni David kumpara sa ma fefeel mo? so anong plano mo?
Roni: Jelai.., tanga na kung tanga pero hindi parin ako susuko...hindi ko siya susukuan...alam mo naman ang pinagdadaanan ko simula ng mawala siya..ngayon pa ba ako susuko?
Jelai: ( niyakap uli ang kaibigan) naiintindihan kita sis..pero kung hindi na talaga kaya, wala namang masama kung bibitiw ka... kailangan mo rin bigyan ng respito ang sarili mo..
Roni: Alam ko naman yun..Yun din kasi sinasabi ng utak ko..pero iba naman ang dinaramdam ng puso ko... sis! ang sakit na...
Jelai: ramdam kita sis! ramdam ko yung puso mong bugbog na bugbog na... ( nag-iyakan ang dalawa).

Pagkatapos ng mahigit 1 oras na pag-uusap nila Roni at Jelai ay siya naman ang pagdating ni Junjun na may dalang bulaklak para sa dalaga...Pagdating ni Junjun ay agad naman siya pinapasok ni Yaya Medel sa kwarto ni Jelai.

Junjun: ohhh Roni andito ka pala( medyo nagulat sa nakita niya sa mga mata na Roni na halatang namumugto sa kakaiyak)..ok ka lang ba? may problema ba? may maitutulong ba ako?
Jelai: Ha...ok lang yan si Roni.. may naalala lang kami kaya kami naging emotional..diba Roni?
Roni: Ahh Oo ( nakayuko para di makita ang mga mata).
Junjun: Kung ano man yan.. andito lang ako kung may maitutulong ako...
Roni: Salamat Junjun. Jelai di na ako magtatagal kasi alam ko na may importante pa kayong pag-uusapan ni Junjun... Junjun mauuna na ako..Jelai.. pahinga ka ng mabuti... ( at nakaalis na ang dalaga)
Junjun: ( Medyo nagulat) anong importanteng sasabihin na sinabi ni Roni? ( napabuntong hininga si Jelai).

Sinabi ni Jelai ang kanyang pagdadalang tao at laking gulat naman ito ng binata. Pero kahit gulat na gulat ito ay masaya naman siya sa balita na magkakababy na sila ni Jelai. 

Jelai: Junjun..ngayong magkakababy na tayo, pinag-iisipan ko na na kung pwede hindi ka na kina Yuan magtatrabaho..
Junjun: Ano?! ngayon pa na magiging tatay na ako...kailangan ko ng mag doble trabaho para masustentuhan ko naman kayo ni baby.. Alam ko na may kaya ang pamilya mo Jelai pero ayaw ko ipamukha kina Tito Cesar na nag-rerely tayo sa kanya..
Jelai: Junjun..hindi ko naman sinasabi na mag rerely tayo sa mga parents ko.. Hihinto ka lang naman kina Yuan kasi kailangan mo akong tulungan sa business namin.. Hindi ko kaya na ako lang..ngayon pa na buntis ako...kailangan kita dun..naiintindihan mo ba ako? at the end, tayo ang mangangasiwa sa business namin..
Junjun: Pero paano ang daddy mo? Alam niya ba tong plano mo?
Jelai: Junjun, kahit sa tatay ko pa yung business may share parin ako dun...ano sa tingin mo?
Junjun: O sige...para kay baby at sa iyo...ipapalam ko to kay Yuan..


Kinabukasan ay kinausap ni Junjun si Yuan para sa kanyang resignation. At agad naman naiintindihan ni Yuan ang pakiusap ni Junjun na magbitiw na sa trabaho...
Yuan: Sige pare! salamat sa lahat ng tulong. Good luck at congratulations  sa inyo ni Jelai.. alam na ba to ni Roni na buntis si Jelai?
Junjun: Siguro, kasi kahapon nadatnan ko sila ni Jelai sa kwarto niya..parang may problema si Roni pare!
Yuan: ha?! paano mo naman yan nasabi?
Junjun: Hindi naman sinabi kung ano ang problema pero nakita kong namumugto ang mga mata niya..
Yuan: Ganun ba? Hindi na kasi kami madalas na nag-uusap dahil sa sobrang busy namin..sige pare...kakausapin ko si Roni..Salamat.
Junjun: Salamat rin pare...


Sa hapong yun ay nagpaalam si Yuan sa mga empleyado niya na uuwi ng maaga..Bago paman siya nagdrive pauwi ay tinawagan muna niya si Roni kung nakauwi na ba to bahay..Tsempo naman ay nasa bahay nga lang si Roni.

Salcedo's residents:
Charlie: ohh Yuan! maaga ka ata umuwi..mahina ba ang takbo sa restaurant ngayon?
Yuan: Ahh hindi dad ok lang...may pinagbilinan na ako. Masama lang pakiramdam ko ngayon..
Marite: Ha!? bakit na paano ka ba?
Yuan: Ahh Ma..kasi baka pagod lang to... uminom na ako ng gamot....kailangan lang siguro ng pahinga ( pa alibi niya).. Si Roni po?
Marite: Nasa kwarto niya..
Yuan: Sige Ma.. punta muna ako sa kwarto ko para makapagpahinga ( imbis na sa kwarto ito pupunta ay dumeretso siya sa kwarto ni Roni).

Roni: Ohhh Kuya! ang aga mo naman...
Yuan: Pwede ba kitang makausap ( bumubulong)
Roni: Bakit bumubulong ka? sige... pasok.
Yuan: Roni. Napabalitaan ko na umiyak ka daw kahapon? bakit anong problema?
Roni: Kuya...kanino mo naman yan nakuha? Ok lang ako nuh..
Yuan: Kay Junjun
Roni: Si Junjun talaga..kahit kailan.
Yuan: Roni. Kuya mo ako. Obligasyon kong ipagtanggol kita...alam ko na pareho tayong busy at wala ng time para mag-usap na gaya dati pero I am making sure na andito lang ako para sa inyo ni JP..
Roni ( niyakap ang kapatid at napaiyak na naman) Kuya si Borj! ( kinikwento ni Roni ang pagtataboy ni Borj sa kanya).
Yuan: Roni..sorry talaga ha...parang kasalanan ko to kung bakit ganun nalang ang trato niya saiyo. Kung hindi lang talaga ako mahigpit kay Borj nuon di sana kayo nagkakaganito ngayon.. gusto mo bang kausapin ko siya?
Roni: Kuya huwag! at sinabi ko naman saiyo nuon na di mo kasalanan na naging mahigpit kang kuya..ginawa mo lang ang dapat. Ako na ang bahala...
Yuan: So ano nang plano mo?
Roni: Ganun parin! di ako susuko..
Yuan: Yan si Roni! di agad susuko..basta kailangan mo ako..andito lang ako ha... I mean it. ( nagyakapan ang magkapatid).


G-Mik REUNION ( The Unfinished Business)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon