***A jealous of a friend***

333 24 0
                                    


(Dahil sa pagiging mabait ni Sam Kay Roni ay nakukunsensiya na ang dalaga sa feelings nito for Borj).

===Sa kwarto  nila Jelai===
Roni: Yaya Medel pwede ko po bang makausap si Jelai sandali?
Yaya Medel: Parang importante yung sadya mo Roni ahhh... sige, maiwan ko muna kayo...
Roni: Well.. anyway Yaya. You don't have to leave.. I need your opinion.. Hindi ka na kasi iba sa akin...wala na nga akong sekreto na maitatago saiyo ehhh... kilalang kilala mo na ako simula pa nung bata pa kami...
Jelai: Bakit Roni...may problema ba?
Roni: Sis! Nakukunsensiya na kasi ako...sa mga ipinakita sa akin ni Sam, ang bait niya sa akin..siguro yan ang dahilan kung bakit nagustuhan siya ni Borj.
Yaya: So...bakit ka nakukunsensiya?
Jelai: Kasi naman Yaya, ehhh mahal parin niya si Borj at may pamilya na yung tao..ngayon, nakukunsensiya siya dahil sa feelings niya for Borj.
Yaya: Ehhh..hindi naman kasi madaling matuturuan ang puso Roni ehh...Oo, makukunsensiya ka nga talaga pero feelings mo yun ehh. Basta lang huwag kang gagawa na ikakasama sa kapwa mo. Lalo na nga may pamilya na yung tao. Bakit hindi mo nalang ibaling ang feelings mo sa iba? Pansin ko, gusto ka naman ni David, mabait naman yung tao. Bakit hindi mo bigyan ng chance yung tao na makapasok sa buhay mo?
Jelai: Oo nga naman Roni..tama si Yaya. Ikaw din ang mahihirapan diyan.
Roni: Alam ko naman po yun.. at sinubukan ko nga po kaso ang hirap..
Yaya: Lahat naman ng bagay ehh mahirap simulan. Kunting push pa Roni... baka naman sa isip mo lang siya binigyan ng chance, hindi ang puso mo.. Sige, sabihin na natin na huwag muna ang puso pero dapat naman gamitin mo yung isip mo sa sitwasyon ninyo ngayon, at isipin mo ang kapakanan ng lahat na walang masasaktan sa huli.
Roni: Sige Yaya..susubukan ko ulit.. salamat Yaya ha... Hmmm.., nasaan pala si Ralph?
Yaya: Hayyy nako Roni. May nag-LLQ kagabi!
Roni: Jelai..nag-aaway na naman kayo? or sabihin nating.....inaway mo na naman si Ralph...
Jelai: Hayyy nako... huwag niyo akong pagtulungang dalawa..
Roni: Sis! ano ba talaga?!
Jelai: Sis, Yaya... parang hindi na kami magkasundo...
Yaya: Anong ibig mong sabihin Jelai?
Jelai: Ewan ko nga Yaya ehh..hindi ko na maipapaliwanag yung feelings ko for him and the way I acted. Hindi naman ako ganun noon...
Roni: What do you mean Jelai? Don't tell me meron nang doubt ang feelings mo?
Jelai: Hindi ko alam! ( umiiyak)
Yaya: Dahil ba yan kay Junjun?
Jelai: Yaya!
Roni: Sagutin mo nalang yung tanong...dahil ba yan kay Junjun?
Jelai: Ewan ko! ( umalis sa kwarto at nagkatinginan nalang sina Roni at Yaya).

===Sa halamanan===
( Nakita ni Yuan si Jelai na mag-isa )
Yuan: Ohhhyy Jelai...mag-isa ka ngayon, nakita mo ba si Roni?
Jelai: Nasa kwarto namin kasama ni Yaya...
Yuan: Ehhh bakit ka nandito at bakit ka nag-iisa? bakit hindi mo kasama si Roni sa kwarto niyo?
( tiningnan ang mukha) umiiyak ka ba? nag-away ba kayo ni Roni? Si Roni talaga... halika puntahan natin...
Jelai: Payakap( niyakap agad si Yuan ng mahigpit at niyakap naman siya ni Yuan). Hindi kami nag-aaway ni Roni.. at wala akong problema sa kanya...ako ang may problema..
Yuan: Alam mo Jelai... hindi ka na iba sa akin... bestfriend ka ng kapatid ko..so para narin kitang sister.. kung may problema ka, andito lang ako... iturin mo narin akong parang kuya mo..Bakit, ano ba yang problema mo? may maitutulong ba ako?
Jelai: Kasi si Junjun..
Yuan: bakit? inaano ka ba ni Junjun?
Jelai: wala...wala kaming problema ni Junjun...ako lang.
Yuan: ehhh bakit nga?
Jelai: Kasi....kasi.....
Yuan: Ano!!!??
Jelai: Mahal ko na ulit si Junjun!!!
Yuan: Nako Jelai...patay tayo diyan...alam ba to ni Ralph?
Jelai: Ewan ko..pero parang nararamdaman niya...palagi na kasi kaming nag-aaway at si Junjun ang parati niyang binabanggit pag nag-aaway kami..
Yuan: So anong balak mo ngayon?
Jelai: ehhh anong gagawin ko?
Yuan: kung ako ang tatanungin mo..maging honest ka sa sarili mo...kung wala ka nang feelings kay Ralph, edi sabihin mo.. kasi kaming mga lalaki, mas gustuhin pa namin ang masasaktan kaysa ipagpatuloy ang relasyon na wala naman patutunguhan...kumbaga, puro kunwari lang ang lahat...so mas maaga na sabihin nalang kaysa magiging malala pa ang lahat.. I'm sure kayo ring mga babae, mas gusto niyo rin ang honest relationship diba? ayaw niyo yung kayo nga! pero puro palabas lang ang lahat... Tingnan mo kami ni Missy, masakit na nagkahiwalay kami pero dahil honest kami sa isa't isa, ehh nagiging maganda naman ang paghihiwalay namin... Hindi kami naging bitter sa isa't isa..
( Napayakap ulit si Jelai kay Yuan..)
( Dahil sa nangyaring pagwawalk-out ni Jelai ay hinabol naman ito ni Roni pagkatapos nila ng pag-uusap ni Yaya Medel at nadatnan nalang niya sa garden na magkayap ang kuya niya at si Jelai).
Tonsi: Nagseselos ka na naman?
Roni: Anong ibig mong sabihin?
Tonsi: Selos kaibigan... kagaya ng pagseselos mo kay Mia dati....
( Nag-wawalk-out si Roni tiningnan nalang ni Tonsi sina Jelai at Yuan sa malayuan).

Habang naglalakad si Tonsi ay nakita siya ni Jelai
Jelai:Tonsi! Tonsi! nakita mo ba si Roni?
Tonsi: Oo kanina...alam mo kailangan niyong mag-usap..
Jelai: Oo alam ko...nagwa-walk out kasi ako nung nag-uusap kami... naiinis lang ako sa kanila ni Yaya...
Tonsi: Bakit, ano ba kinaiinisan mo?
Jelai: Basta...tsaka bakit mo sinasabing kailangan namin mag-usap ni Roni? ano na naman ginawa ko?
Tonsi: Parang nagseselos siya sa inyo ni Yuan..
Jelai: Selos?! sa kapatid niya??? pati ba naman yun?
Tonsi: Alam mo kasi Jelai..parang di mo siya kilala... naalala mo yung kami ni Mia.. nagseselos din siya dun diba?
Jelai: Ahhh oo.. naiintindihan ko na....salamat Tonsi ha... hanapin ko muna siya...maiwan na muna kita.

Sa cottage nakita ni Jelai si Roni na mag-isa..
Jelai: Sis..pwede ba kitang maka-usap?
Roni: Bakit ako? andun si kuya baka matulungan ka niya....
Jelai: Sister naman ehh... huwag ka ng magselos...
Roni: Anong selos!? lubayan mo nga ako!
Jelai: Ehh nagseselos ka ehh...
Roni: Ehhh bakit naman ako magseselos????
Jelai: Ehhh.., lumalaki butas ng ilong mo ohhh..selos ka ehh..Sorry na.. bati na tayo.. ( pakipot parin si Roni). Kasi sis! yung nakita mo kami ni Yuan, ehhh kino-comfort niya lang ako...
Roni: Bakit? hindi ko ba yan magagawa sa iyo?
Jelai: Patapusin mo kasi ako...Oo alam ko naman yun...pero alam mo sometimes may times talaga na kailangan mo ng kausap na lalaki, na gusto mo ring marinig yung side nila..kasi kung puro babae nalang ang maririnig ko na opinion, diba unfair naman yun sa side ng mga lalaki?
Roni: Bakit, ano ba yung gusto mong marinig sa side nila?
Jelai: Sis...may aaminin ako sa iyo....
Roni: Bakit, ano yun?
Jelai: Promise mo sa akin hindi ka magagalit?
Roni: Bakit ano ba yun?
Jelai: At lalong ipromise mo rin sa akin na  hindi mo ako ijujudge?
Roni: Ano ba Jelai! ano ba yun?
Jelai: Ehhh di ka pa nga nag-propromise..
Roni: OO!! promise na!
Jelai: Mahal ko ata si Junjun!!!
Roni: Ano?????!!!! paano si.....
Jelai: Kaya nga kinausap ko si Yuan...
Roni: Tapos anong sabi niya?
Jelai: Hmmmm sabi niya sa akin, magpapakatotoo daw ako..maging honest ako sa feelings ko...kung may masaktan edi may masaktan kaysa daw ipagpatuloy namin yung relasyon namin na puro lies na ang lahat...
Roni: Hmmmp! may point naman diyan si kuya...tama nga naman siya..
Jelai: Ohh diba sabi ko saiyo..kailangan ko ring marinig yung side nila para naman alam ko kung anong gagawin ko...kasi minsan tayong mga babae, puro emotions yung pinapairal natin, hindi na tayo nag-iisip.. Sabi nga ni Tita Marite ehh natural na sa ating mga babae na we're selfish..
Roni: Wow! Jelai...naalala mo parin lahat yun...
Jelai: Oo naman...
Roni: Sorry Jelai ha..kung naging selfish ako.. kasi na isip ko, hindi muna ako kailangan...
Jelai: Pwede ba yun! ehh mas nanay ka pa nga sa mommy ko! ( At nagyakapan ang mag-bestfriend).


G-Mik REUNION ( The Unfinished Business)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon