***2 Nights Stay in Salcedo Residents***

360 19 0
                                    


Sa 2nights stay nila Tonsi at Junjun sa bahay nila Yuan, marami silang napag-uusapan lalo na tungkol sa kani-kanilang buhay at maging sa kanilang buhay nuong kabataan nila. 
Habang abala ang magkakapatid sa kani-kanilang negosyo, sinamahan ni Junjun si Yuan sa restaurant habang ito naman si Tonsi ay sinamahan niya ang dating best girl friend niyang si Roni.


==== At Roni's cafe===
Roni: Hoy Tonsi, salamat at sinamahan mo ako dito ha...
Tonsi: Ayyy sus! ok lang yun, ikaw pa! maganda pala dito yung pwesto mo...at malapit din sa restaurant niyo ha...
Roni: Ahhh oo, sinadya ko talaga na dito kasi para kung may problema man dito o kaya dun sa resto ehhh mas madaling i-drive..at tsaka marami ding mga tao dito para kumakain..
Tonsi: Oo nga, pansin ko nga... Ma-iba ako, wala ka na bang balita kay Borj?
Roni: Ilang beses ko na ba sinabi saiyo na wala na talaga. 
Tonsi: Ano na kaya nangyayari dun? buhay pa kaya yun?
Roni: Hoyyy!!! Tonsi...masamang biro yan ha...huwag naman sana...
Tonsi: Ehhh hindi na kasi nagpaparamdam..
Roni: Siguro busy yung tao...
Tonsi: Ehhh, lahat naman tayo busy pero 'bat siya wala man lang tayong balita sa kanya... siguro may pamilya na yun! ano sa tingin  mo?
Roni: ( Biglang natahimik)
Tonsi: Hoyyyy!!! Roni..ok ka lang? 'bat bigla kang natahimik dyan?
Roni:  Ahhh.., hindi hindi ko kasi naisipan yung sinasabi mo na baka may pamilya na si Borj. Siguro gusto niya tayong makausap at makita pero ayaw ng asawa niya..baka yun ang dahilan.
Tonsi: Hoyyy Roni...ang nega mo talaga... ang sabi ko SIGURO, hindi SIRADO...magkaiba yun!
Roni: Ehhh., 'bat ba siya di nagpaparamdam?
Tonsi: Kung ano man yung reason na yun, tiyak na valid yun! Bakit, hinahanap mo siya?  May natitira pa ba si Borj sa puso mo?
Roni: Eeehhh kasi Tonsi nahihiya ako..
Tonsi: Roni, malalaki na tayo, di na tayo kagaya nuon na we have lots of things to learn in terms of love. We are adult now.. di muna pwedeng ikahiya yan kasi natural na yan sa atin na ma inlove.
Roni: Kung bibigyan ako ng chance ng universe, gagawin ko lahat for Borj. Namimiss ko na talaga siya ehhh...
Tonsi: Ipagdasal natin yan...
Roni: Ehhh., ano ba plano mo sa sarili mo? after mong bisitahin ang dad mo, babalik ka ba sa SG?
Tonsi: Baka siguro hindi na.
Roni: Ano!? bakit?
Tonsi: I told mom already na I want to stay here and pursue my dreams being a poetic. 
Roni: Nako Tonsi, mahihirapan ka diyan... hindi masyadong mahilig ang mga pinoy sa ganyan...
Tonsi: Hindi naman ako magiging writer ehhh, I want to teach and inspired others.
Roni: Paano?
Tonsi: Magtuturo ako sa university, mag-aaplay ako being Literature teacher.
Roni: Wow! masaya ako for you...hindi ka lang naman magaling sa literature, magaling ka rin mag advice...


=== At Charlie's Restaurant ===

Yuan: Oyy Jun, kumusta na pala sila Tita Elsie at Tito Roger, atang buong pamilya?
Junjun: Ahhh.., ok lang sila. May kanya-kanyang pamilya na sila Ate Cherry at Kuya Pax. Si Mafi naman high school na. Ang bilis ng panahon nuh?
Yuan: Oo nga, parang kailan lang...siguro sa edad ni Mafi ngayon tayo nagkakakilala sa village natin nuon nuh?
Junjun: Oo nga...kumusta na pala yung bunso ninyo?
Yuan: Kasama nila mommy, nasa States sila diba? Uuwi sila dito kapag school holiday sa States.  Dumudugo na nga ilong ko dun pag andito sila..nauubusan ako ng English.
Junjun: Pero diba tinutuuan niyo naman magTagalog?
Yuan: Ahhhyy OO naman. Pero itong si Roni, ehh sinasadya niya talaga mag salita ng English yung kapatid namin para di ako makasabay sa mga pinag-uusapan nila.
Ehhh., maiba naman tayo...nag-uusap pa ba kayo ni Jelai?
Junjun: Paminsan minsan lang...parang last year pa ata last naming pag-uusap.
Yuan: Pero alam mo Junjun, ang ganda na ngayon ni Jelai..tapos ang bf, ang gwapo, parang half American..
Junjun: Ehhh maganda naman dati si Jelai ahhh...gwapo naman ako diba? diba magkaibigan tayo?
Yuan: OO magkaibigan tayo pero...dahil sa kaibigan kita,hindi ako magsisinungaling na....mas gwapo yung bf niya ngayon.
Junjun: Salamat sa pakikiramay Yuan ha... si Yuan ka nga talaga!
Yuan: Hoyyy Jun, bakit... mahal mo pa nuh? aminin mo na....
Junjun: Ewan ko.., di ko alam. bakit ikaw, kay Missy wala na ba?
Yuan: Tagal na akong naka move-on dun. Ehhh baka nga may asawa na yun.
Junjun: Talagang wala sa ating magbabarkada ang nagkatuluyan nuh?
Yuan: Oo nga.. kala ko nga kayo ni Jelai ang magkatuluyan.., kayo kasi ang pinaka-solid.
Junjun: Yun din ang alam ko, pero ang hirap talaga pag malayo kayo sa isa't isa...Yung nasanay ka na na andyan lang siya..
Yuan: Oo nga..ganun din naman kami dati ni Missy. Naghiwalay dahil malayo kami sa isa't isa at nawawalan ng time dahil sa kanya kanyang buhay.
Junjun: Oyyy.., si Borj nga pala?
Yuan: Ewan ko dun!Huwag mo ako ang tanungin....
Junjun: Ehhh kayo yung mag bestfriend..
Yuan: Yun din ang pagkakaalam ko..
Junjun: Bakit kaya siya di nagpaparamdam sa atin...siguro nagtampo.
Yuan: Nagtampo? saan?
Junjun: Sa atin, lalo na kay Roni..
Yuan: 'Bat naman nasali si Roni sa tampo niya? Ehh diba tanggap na niya na si Basti ang sinagot ni Roni? And besides, may gf na siya before sinagot ni Roni si Basti.. at marami narin siyang pinupurmahan nuong nag-aaral pa tayo sa College...kaya naka move-on na siya kay Roni.
Junjun: Yun ang sa tingin mo...pero kung titignan mo ha... walang naging matinong gf si Borj..in short, hindi siya naging seryuso sa mga yun! Di mo ba pansin yun?
Yuan: Oo nga nuh? 
Junjun: Puro ka kasi Missy ng Missy..tuloy na missing out mo yung feelings ni Borj. Bestfriend ka pa naman niya! Kami nga  ni Jelai  nuon ehh napansin na namin yun, pero di nalang kami nangingialam kasi nga may kanya-kanya na silang relasyon.
Yuan: So, ibig  mong sabihin, ehhh nasaktan si Borj na sinagot ni Roni si Basti? At hindi niya ito matanggap? at nagpapanggap lang siya na masaya siya for them?
Junjun: Hayyyyy  Yuan.....nakuha mo rin!


After 2nights ay bumalik na si Junjun sa lugar nila habang itong si Tonsi ay nag stay  sa dad niya sa Makati  kasama ang madrasta at ang kapatid niyang si Mel( Melchora) na isa na ring high school student.


G-Mik REUNION ( The Unfinished Business)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon