Narrated by Junjun:
Ako ang huling nakatapos ng pag-aaral sa aming magbabarkada. Dahil narin kapos kami sa pera at dahil narin working student ako. Mahirap kaya pagsabayin ang trabaho at pag-aaral kaya paunti-unti lang ang subject na kinukuha ko.
Marami akong mga rakets dahil kailangan kong tustusan ang pag-aaral ko at matulungan sila Mama't Papa. Mga kapatid ko kasi, di maaasahan, lalo na si Kuya Pax. Dahil sa hirap ng buhay namin, nag-asawa si Ate Cherry at may 2anak na. Buti nalang mabait ang napapangasawa niya kasi ok lang sa asawa niya na tulungan sila mama sa gastusin. May trabaho naman si Papa pero dahil sa hirap ng buhay ehh di sapat ang kinikita. Si kuya Pax naman, may 2 ding anak, buti nalang naging matino na siya simula ng may pamilya na siya. Natutuwa naman ako sa kanya kasi naging matured na siya sa lahat ng bagay. Kaso nga lang, wala siyang matinong trabaho, pa raket raket din yung trabaho niya pero yung asawa niya nag tatrabaho sa call center. Kaya siya yung parating nasa bahay. Kumbaga siya yung house husband.
Sa trabaho ko sa banda ako kumikita ng malaki. Minsan, nagpapatugtog kami sa mga bars, minsan sa mga events like wedding at minsan pa sali sali rin sa mga kapistahan. Kung wala naman kaming rakets ng kabanda ko ehhh nag bibinta ako ng mga produkto online. At least sa online business, ako ang nag mamanage sa time ko. Minsan nga ako pa ang nagbabantay sa mga pamangkin ko pag may lakad sila kuya o si Ate. Dito nila hinahabilin kay mama, at tinutulungan ko si mama sa pag aalaga ng mga pamangkin ko, minsanan lang naman.
Naging matured akong mag-isip simula ng lumipat kami ng bahay, dahil siguro sa sitwasyon namin na dapat kaming gumawa ng paraan para mabuhay ng maayos. Kaya ngayon, kami nalang nila mama, papa at Mafi ang nakatira sa bahay namin ngayon.
Sa buhay pag-ibig ko naman, OO, si Jelai ang una kong naging gf, pero nung lumipat na sila sa Cebu para magtrabaho sa daddy niya, marami ang nagbago. Nawalan kami ng oras sa isa't isa. Minsanan lang kasi siya makauwi sa Manila. Ehhh di ko naman kasi afford na bisitahin siya sa Cebu. Hanggang sa nag decide nalang kaming maghiwalay dahil puro pag-aaway nalang ang magagawa namin everytime na mag-usap kami pero friends parin kami. Maganda naman kasi yung paghihiwalay namin ehh. Mutual decision.
Paiba-iba narin akong naka relasyon, na memeet ko sila sa mga gigs namin... alam niyo na basta sa banda maraming chiks! Pero halos lahat sila di ko sineryuso. Si Jelai at ang huling nakarelasyon ko lang ang naging seryoso ako, si Joan. Singer siya sa banda namin, ehhh nagka developan kasi parati rin kaming magkasama. Pero naghiwalay din kami kasi may offer sa kanya yung bar na kung saan kami tumutugtog, ayun! nasa Japan na siya.. di rin nag work sa amin ang LDR kasi may Hapon na siya. Kaya ngayon single parin ako!
Sa tindahan... bumili ng load pang Internet..
Junjun: Ate, pa load po, 50.00 ( pagka load....,kinsausap ang sarili). Oyy., si Yuan nag message.
Yuan's message.. Jun, kumusta Pare? may oras ka bang makapunta sa homecoming natin sa St.Matthew? sa May 1 ang homecoming 5pm. Punta tayo! pupunta rin si Tonsi sa bahay namin next week Thursday. Dito sa amin siya mag stay para sa darating na reunion. Pwede ka rin mag stay dito sa amin kung may oras ka...
Junjun: (Kinausap na naman ang sarili) Naku! may gigs kami nito...ahhh bahala na, pass muna ako sa mga gigs baka pupunta si Jelai, at magkita kami..
Junjun's response.. sige Pare! pupunta ako. Punta ako diyan ng Thurday ha...diyan ako mag stay sa inyo ha...darating ako baka gabi narin.
Yuan: Oyyy Junjun Pare buti naman sinagot mo yung message ko..kala ko di ka mag oonline ehh
Junjun: Kailangan ko ang magpaload para sa online business ko Pare. Pupunta ba si Jelai?
Yuan: Yun ang hindi ko alam, hindi pa daw sumasagot sabi ni Roni, baka busy lang...
Junjun: Ganun bah? bahala na, basta 4 na sa atin darating..
Yuan: Maaasahan ko yan na darating ka sa bahay namin next week ha...
Junjun: Oo, darating ako...
===Present scene===May kumakatok sa bahay nila Yuan
Roni: Kuya may kumakatok.
Yuan: ( binuksan ang pinto) Junjun Pare!!!! kumusta? (nagyakapan ang dalawa). Kala ko di kana makakapunta, anong oras na?
Junjun: Sorry ha traffic ehh..,
Roni: Kuya sino yan?
Yuan: Si Junjun!!
Tonsi: Ha?!Si Junjun? ( pinuntahan ang dalawa si Junjun may pintuan)
Roni: oyyy kumusta?
Junjun: Heto ok lang... ano? di niyo ba ako papasukin?
Yuan: hayy nako, sorry masyado na tayong na dala sa mga emotion natin..hahaha..sige pasok!
Tonsi: Kumusta ka na Jun? tagal rin natin di nag-uusap ha....
Junjun: Oo nga ehh.. daming ganap puro mga busy. Saang bansa ka pala ngayon?
Tonsi: Ahhh nasa SG kami this time...
Junjun: Sarap naman ng buhay mo..
Tonsi: Ahhh.., iba na ngayon, sa Asia nalang kami...
Junjun: Pareho rin yun, overseas parin...
( Habang nag-uusap ang tatlong lalaki, busy si Roni sa paghahanda ng kanilang hapunan sa kusina, hanggang sa, tumunog ang phone niya).Roni: Guys! SSssshhh., tahimik muna kayo please..., tumatawag si Jelai sa akin..
Yuan: Oyyyy tahimik tayo.. ( Si Junjun naman ay naging excited ng marinig ang pangalan ni Jelai).Roni: Ohh., Jelai ano, kumusta?
Jelai: Roni, heto ok lang...nabasa mo na ba yung message ko?
Roni: Anong message? saan?
Jelai: Sa messenger mo..
Roni: Ha!!!??? wala... kailan pa?
Jelai: Nung nag message ka sa akin ehh dun ko isinend sa old account mo...dalawa kasi yung account mo ehhh di ko alam kung saan ako mag-memessage..
Roni: Ha!!?? tagal ko na yun di ginalaw ha...
Jelai: Ehhh.., updated pa yung account na yun ehhh...kaya dun ako nag-memessage saiyo..kala ko yun pa yung gamit mong account.
Roni: Luko yung taong yun ha!! ginagamit pa pala account ko...
Jelai: Kala ko nga di kapa nakaka move-on...Well anyways, tumawag ako para sabihin na makakadalo ako..maybe a week before sa homecoming...ok lang ba?
Roni: Oo naman! basta ha....darating ka at tawagan mo ako kung kailan ang flight mo...
Jelai: Ok sige..tawagan nalang tayo.. see you soon sis! bye!
Roni: See you very soon my sissy...( Pagkatapos ng tawagan....)
Yuan: Ohhh., anong sabi?
Roni: Oo..,makakapunta siya sa Homecoming! Pupunta siya a week before the event.
Tonsi: Oyyy si Junjun, tingnan niyo yung reaction niya..di mapakali!
Junjun: Hoyyy huwag kang ganyan Tonsi ha.. excited lang ako na mabubuo barkada natin..
Roni: Anong mabubuo? Ehh., ni anino walang Borj ang nagpaparamdam sa atin nuh!
Junjun: Pero at least isa nalang yung kulang sa barkadahan..
Roni: Kung sa bagay....
Tonsi: Back to Jelai, ano na ba balita sa kanya?
Roni: Malalaman natin sa pagdating niya.
Junjun: Hoyy 2 nights lang ako dito mag stay ha..ok lang ba?
Yuan: Kahit ilang gabi pa Junjun ehh ok lang sa amin.
Tonsi: Ako, 2nights nalang din, puntahan ko dad ko sa kanila...bibisitahin ko lang siya.
Yuan: Walang problema mga Pre!
Roni: Wait sa guys ha...may gagawin muna ako..
Tonsi: Importante ba yan?
Roni: Ahhhyyy nako Tonsi, napaka importante..
Tonsi: May kinalaman ba yan sa pinag-usapan niyo ni Jelai... tungkol sa FB account mo..
Roni: Ahhhyy nako! tama ka...
Tonsi: Kala ko rin di kapa nakaka-move on kasi yun pa yung profile ninyong dalawa ni Paolo ehh..
Roni: Sira talaga yung lalaking yun! siya ang di pa nakaka move-on! tagal na kaya nun... almost 5 years na rin yun..Siya pala ang gumagamit sa account ko, siguro sa personal computer niya yun na di ko na log-out...sandali Tonsi...open ko muna yung account na yun.
Ahhhyyy... buti nalang alam ko pa yung password. Hmmmm!!!! DEACTIVATED!
Pagkatapos ng hapunan, umakyat ang 3 lalaki sa kwarto ni Yuan para duon matulog.
Sa bedroom ni Yuan...
Tonsi: Yuan, hindi mo pa kinikwento sa amin kung anong mga ganap natin sa buhay ahh...
Junjun: Oo nga naman........
![](https://img.wattpad.com/cover/271050950-288-k662324.jpg)
BINABASA MO ANG
G-Mik REUNION ( The Unfinished Business)
FanfictionThe story is about the continuation of a group of friends since they were young. After their College graduation, they were all separated apart. How they manage their lives in the reality of life and how they handle things as a matured beings. Afte...