UNANG KABANATA

233 12 4
                                    

UNANG KABANATA

Unang kita ko pa lang sa kanya, alam ko, crush ko na sya. Ang landi lang 'di ba? San ko nga ba sya unang nakita? Tama, sa university library. At first, I thought he was also a student. Kaharap niya yung laptop niya, may kung anong tina-type. At ako naman tong si gaga, tinititigan lang sya. Buti na lang at wala masyadong estudyante sa library at malaya kong napagmasdan ang mukha nya.

He had this pair of hazel brown eyes, matangos ang ilong at he had kissable red lips at ang kinis at puti ng balat nya. Teka, may lahi ba tong Espanyol? Ano kayang pangalan nya? Nakita kong lumingon sya sa direksyon ko kaya iniwas ko ang tingin ko at tinutok na lang sa hawak kong libro, Pride and Prejudice by Jane Austen. Maya-maya lang ay nakita kong tumayo sya at nilagay yung laptop sa bag nya. Sa bag nya? Teka. Bawal ang bag sa loob ng library, I mean kailangan mong ilagay sa baggage counter. Unless, he's a faculty member. Lumabas na sya, at ako din lumabas na dahil oras na para sa last subject ko.

"Miss Reyes, I need to talk you. See me later in the faculty." Sabi ni Ma'am Arenillo, ang professor ko sa Biology, galing siya sa lecture room kung saan ang last subject ko para sa araw na yun. Tumango lang ako sa kanya at ngumiti. Pumasok na ko saka umupo sa tabi ng bestfriend ko, si Koreena.

"Dutch, nakita mo na ba si Sir Paris?" Tinignan ko lang sya saka tinaas yung kilay ko.

"Bagong prof ba yun?" bored kong tanong sa kanya saka ko tinignan yung hawak kong hand-out na binigay ng mga reporters.

"Hindi, pero, ang balita kasi, sya magiging prof natin next sem. Tsaka, ang cute nya kaya." Sabi nito.

"Cute na parang aso?" nakangiti kong tanong sa kanya. Natawa na lang sya sakin.

Natapos ang last subject ko, saka ako pumunta sa faculty room ng CAS (College of Arts and Sciences) Nakita ko agad si Ma'am Arenillo pagkabukas ko ng pinto, nakaupo sa table nya.

"Ma'am Arenillo" tawag ko sa kanya. Lumingon sya at ngumiti sakin.

"Miss Reyes, upo ka." Sabi nya saka inoffer yung upuan sa tabi ng upuan nya. Umupo ako saka ako humarap sa kanya.

"Ahh, Ma'am? Ano po bang meron at pinatawag n'yo ko?" Nahihiya kong tanong sa kanya.

"Miss Reyes, may hihingin sana akong pabor sa'yo."

"Ano po yun, Ma'am?" Kinakabahang tanong ko.

"I want you to join the Quiz Bee in St. Therese University, the said competition will be a month from now. I will give you reviewers, don't worry. You'll be with Antoinette and Peter. Sir Salazar will also provide some reviewers for you."

"Okay, Ma'am. Sige po." Saka niya ibinigay sakin yung mga reviewers. Nagpaalam na ko sa kanya.

Palabas na ako ng faculty room ng mapadaan ako sa unang cubicle. May photo frame na nakadisplay. Graduation picture. Naka-toga e. Hindi ako maaaring magkamali. Siya nga. Lumabas na ko saka dali-daling naglakad.

"Dutch!" Lumingon ako at nakita ko si Koreena kasama ang boyfriend niya. Papunta sila sa direksyon ko.

"Uuwi ka na ba? Sabay kang umuwi samin ni Alvin." Sabi niya pagkalapit nila sakin. Tumango naman ako saka naglakad papunta sa parking lot. Tinignan ko ang wristwatch ko, 6:15pm pa lang, pero madilim na ang paligid. Ilang minuto lang ay lulan na kami ng sasakyan ni Alvin. Papalabas na kami sa gate ng university ng makita ko yung lalaki sa library kanina.

Ang gwapo nya talaga!

"Si Sir Paris ba yun?" Hindi ko alam kung ako ba yung tinatanong ni Koreena o si Alvin. "Si Sir Paris nga.. Pero teka, akala ko ba wala syang girlfriend. Bakit kasama nya si Ma'am Dueñas?"

So, Paris pala ang pangalan niya. Nice. Teka, ano daw? Boyfriend siya ni Ma'am Dueñas? Sayang naman. Akala ko pa naman may chance kami. Ay, ang landi ko talaga.

Nothing Compares To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon