IKA-WALONG KABANATA
Paris and other 15 people liked your photo.
Alam ko nagtataka kayo kung bakit friends kami sa FB. Hindi ko nga rin alam sa malanding soul ko, bakit tinopak at inadd sya. Inaccept naman nya. So hindi ko kasalanan, wag nyo kong pagalitan, please, sya dapat. Anyway, 'di ko expect na ila-like nyo yung post ko, pero, baka naman kasi may hidden desire sya sakin kaya ganyan. Ni-like lang yung post, like ka na din? Aba, matindi! Assumera lang, te?
Tinignan ko lang yung mga post sa timeline ko, saka na ko nag-log out sa FB.
Dala ang mga gadgets ko, pumunta na ko sa kwarto para magpahinga. Nahiga na ko saka nagpatugtog sa Spotify. Nakatulog ako ng may ngiti sa labi.
One week in Palawan surely was a blast. Super VIP ang accommodation samin, super cozy ng room kung san ako nag-stay at super dami ng food and of course ang pinaka nag-enjoy ako---we tried different activities like scuba diving, hobiecat sailing, wind surfing and snorkelling. We even witnessed a wedding ceremony.. Oh, beach wedding. How romantic is that? At oo nga pala, nabanggit ko na room ko lang 'di ba? Di ko kasi kasama si mama sa kwarto kung san ako dinala nung nag-accommodate sakin nung unang araw namin sa Palawan, nasa kabilang kwarto sya, of course, kasama si Tito Alfonso. My mom look younger than before and her glow is radiating. Blooming si mama. I didn't dare to ask any details about their relationship basta ako I am both happy for them.
Akala ko matatapos na ang bakasyon ko---well, hindi sa Palawan. Nagyaya si Tito Alfonso na i-extend ang bakasyon ko sa Baguio. Hmm, if I know, gusto nya lang talagang i-date si mama. Kaya naman kahit wala kaming dalang damit panlamig, tumuloy pa rin kami. Bibili na lang daw kami ng damit dun. Wow, sosyal. We stayed there for four days and three nights Nag-stay kami sa Le Monet Hotel.
Well, aside from going to the tourist spots there like Burnham Park, Camp John Hay, The Mansion, Mines View Park at Baguio Cathedral. Nagtry din kaming kumain sa iba't ibang restaurants---I will definitely check my weight pagkauwi, I think I gained weight. At syempre, lahat ng yan, from Palawan to Baguio, documented. From time to time ay naga-update ako sa FB at IG.
Nasa SB ako na medyo may kalayuan sa hotel, wala kasing malapit e, around 11:30 pm na rin yun, at oo, iniwan ko na muna sila dun, and only God knows kung anong ginagawa nila dun. Anyway, wallet, cellphone at libro lang ang dala ko. Oh di 'ba, libro pa din, ang dala ko naman ngayon ay Sense and Sensibility byJane Austen. Pagkakuha ko ng order ko, tinanong ko muna 'yung password nila, saka nako umupo sa bakanteng upuan. I took a photo of my frappe plus the chocolate and hazelnut parfait and the book, tapos inupdate ko na sa IG then shared it on FB.
And then there's a box that popped in my screen.
Paris Montemayor: Tulog na.
BINABASA MO ANG
Nothing Compares To You
RandomDuchess, a third year Psych student fell in love with Sir Paris. It's a whirlwind forbidden romance.